CHAPTER 6
Next day.
Inagahan ko ulit ang pasok ko para makaiwas ulit sa atensyon ng mga kaklase ko. Mahirap na baka mapag-tripan na naman ako. Maganda na yung hindi nila ako mapapansin na nag eexist ako sa classroom namin.
Pagkaupo ko sa upuan ko isinalpak ko ang headset ko para mag-sounds, 30mins pa kasi bago mag time kaya pa petiks petiks pa lang ako. Aga ko no? Ganyan talaga kapag masipag.
Busy na ako sa pagkalikot ng cellphone ko ng maramdaman ko na may dumating. Hindi ko na tiningnan ang pumasok kasi baka isa na naman ito sa mga kaklase ko na mahilig mam-bully.
Tuloy parin ako sa pagkalikot ng cellphone ko ng maramdaman ko na lumapit sakin yung taong dumating. Gosh? Ano naman kaya kailangan ng kaklase kong ito? Baka mamaya i-bully na naman ako wala pa naman ang bestfriend ko dito para ipagtanggol ako.
Nagulat ako ng may kumulbit sa akin.
I ignored.
Kulbit ulit.
Ignored again.
Tapos kinulbit nya ako ng madaming madami.
No choice tumunghay na ako at nabigla ako.
As in ganito ang mukha ko. O_O
Ang gwapooooooo. Grabeee. Saang planeta kaya galing ito?
Bakit ang kinis ng mukha niya? Bakit sya singkit? Bakit urghhhh. Ampogi. Pero biglang sumulpot sa utak ko si Ivan. Grr. Okay, mas gwapo si Ivan pero my gods itong nasa harap ko ay jusme. I cried. Choss.
“Miss?” nagsalita sya. Omygosh. Ampogi nung boses. Kyaaahhhh.
“Miss?” aayyy, nagsalita ulit OMG!!
“A-amm Miss? Pedeng magtanong?” okay, natauhan ako bigla. Nakaka-distract kase ang kapogian ng kaharap ko.
“Eherrmmm. Am. Ano yon?” pa-sweet ko pang sagot sa kanya. Malay mo magka-crush ito sakin. Hehe
He was about to ask me ng biglang bumukas ang pinto. Tsk. Wrong timing naman ngayon pa may pumasok kung kelan maririnig ko na ulit ang boses nya. Shemss, crush ko na sya hindi na si Ivan. Promise.
“Oh! Ivan! Ikaw pala! Dito ba class mo??” tanong ni Mr. Pogi sa bagong dating. Si Ivan pala ang dumating, at magkakilala sila? Nga naman! Pareho kasi silang pogi eh.
Naupo sa kanyang upuan si Ivan ng hindi nililingon si Mr. Pogi. Duh? Kinakausap kaya sya bakit hindi man lang sya sumasagot? Kaya nilapitan nalang siya ni Mr. Pogi. Tsk, yan umalis tuloy sa harap ko si pogi. Badtrip.
“Dito pala class mo pare? So, magkaklase na pala ulit tayo.” Narinig kong tanong ni pogi kay Ivan. Pare? Okay, close sila.
“Okay. Glad to see you here Vince.” Tapos umubob na si Ivan.
Vince? Oh my Vince! Pati pangalan mukhang ang bango ah.
Bakit kaya ganito si Ivan parang hindi masaya na nakita niya si Vince ng buhay KO? OO. KO talaga. Inaangkin ko nap o si Vince. Ang pogi kaseeee. (pero mas pogi parin si ivan) sabe ng utak ko. Hmp. OKAY KJ!
The next thing I know nag datingan na ang mga kaklase ko at nagka-gulo na sa room namin kase ang pogi ng transferee namin.
Meaning dumagdag si Vince sa pogi dito sa classroom namin kaya enjoy na enjoy ang mga haliparot kong kaklase na titigan sila Vince.
Magkatabi si Vince at Ivan kaya ang mga kaklase ko halos mabali ang tingin dito sa likuran namin. Andito kasi sa kahilera ko sina Vince at Ivan.
Ako naman tahimik lang na pinapantasya si Vince. Hayy, na iimagine ko tuloy na nagde-date daw kami ni Vince. Take note romantic date daw tapos niyaya daw nya akong sumayaw, tapos nilapit nya daw yung mukha nya sa mukha ko, tapos hahalikan na nya ako kaya pumikit ako, tapos ang tagal nung halik kaya nag-mulat na ako, tapos pag-mulat ko raw si Ivan yung nakita ko. Huh? Si Ivan Bakit napasingit yun sa imagination ko?
Tapos may naramdaman akong pumitik ng noo ko. Yung literal na pitik kaya ang sakit. Pag-mulat ko si Ivan nasa harapan ko at ang sama ng tingin sakin? Huh? Promblema nito?
“Oh? Anong problema mo? Bakit kaba namimitik diyan ng noo? Akala mo ba hindi masakit? Ha?!!” sigaw ko sa kanya pero mahina lang kasi nandito na pala si Ma’am. Nakooo. Panira talaga sa day dreaming ko itong gwapong nasa harap ko ee.
“Hindi mo ba narinig na may pinasasagutan si Ma’am? Ha?” asik nya pa sa akin. Kainis. Bakit sya pa ang may ganang magalit? Di magsagot sya ng kanya! Bakit nya pa ako kailangang guluhin!
“OH? Yun naman pala eh, di magsagot ka! Bakit namimitik ka ng noo ng may noo! Masakit yun ha!!” exagge kong pagkakasabi na ikinatingin ng mga kaklase ko. Okay. Ang sama ng tingin ng mga girls sa akin. Siguro pinapatay na ako ng mga ito sa mga isip nila kasi sinisigawan ko ang prince charming nila na ubod ng charm.
“Miss Del Sol, hindi mob a narinig na may pinasasagutan ako ng by partner? Huh!” baling sa akin ni Ma’am Cabases. Okaay, mejj mataray si Ma’am. Baka kasi nang-gagalaiti rin na sinigawan ko ang prinsipe sa harap ko. Kainis. By partner raw? Meaning ka-partner ko itong gwapong ito kaya niya ako winawalangya? Langya naman oh. Bakit hindi na lang si Vince yung partner ko o kaya si Bessy? Tsk. Di ko nga pala kaklase si bestfriend dito sa business communication na ito. GRRR.
“Sorry po Ma’am.” I said shyly. Nakakahiya kasi pinagtinginan na naman nila akong lahat. Yung gwapong nasa harap ko naman nag-smirk lang. Badtrip.
“Okay, go to your partner now! Do your activity together! Okay!” dagdag pa ni Ma’am.
Okaay. Go to your partner daw. Since magkasunod lang surname namin ni Ivan sya yung partner ko.
"Oh. Master? Ano po bang gagawin natin? Mahirap po ba at kailangang by partner?!" take note sarcastic ang pagkakatanong ko sa kanya para maramdaman niyang intense ang sitwasyon.
"If you don't want to do it with me it's very fine. Just tell to Miss Cabases what you want!" with sarcasm din. Okay. Talo ako. alam ko namang hindi papayag yang si Miss Cabases, mapapagalitan lang ako nyan. Gaaddd! I need more patience.
Tumingin ako sa likuran ni Ivan at nakita kong nakatingin si Vince. Ngitian ko sya and he smiled back. My gods, may inspiration na ako bukod sa kaharap ko. JOKE lang yung sa kaharap ko. Alam nyo naman mainit ang dugo nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Dreams do come true w/ YOU. (ON-GOING)
Fiksi RemajaIs it true that DREAMS DO COME TRUE W/ YOU?