CHAPTER 8
MARVS POV
Nakauwi na ako at lahat pero nasa isip ko parin yung pinag-uusapan nila Kyla na si Salvador raw. Why do I have this feeling na narinig ko na ang name nya dati pa? I’m so curious right now, na pati fats ko di na matali. Tsss.
Nagulat ako ng nakasalubong ko si Mama kakalabas lang ng kwarto ko.
“Oh. Anak nandyan kana pala. Inayos ko yung kwarto mo grabe naman kasi parang hindi babae yung natutulog dun.” Sabi ni Mama sa akin habang pababa na siya ng hagdan.
Tsk. Minsan ko na nga lang makita sa bahay namin tapos sesermunan pa ako. Makatulog na nga lang wala akong ganang kumain ngayon kase iniisip ko parin yung babaeng Salvador na yun.
-NEXT DAY-
Nagmamadali ako sa paglalakad kasi late ako sa klase ko. Nakakainis naman kasi hindi ako nakatulog ng maayos kagabe. Malapit na ako sa pinto ng room namin ng biglang may nasanggi akong babae. Buti hindi sya tumalsik ang payat nya pa naman kumpara sa akin.
“Ayy! Sorry Miss. Nagmamadali kasi. Peace.” Nag sign pa ako ng peace sa kanya. Pag tingin ko nabigla ako. Ang ganda kasi nya. Ang kinis ng mukha, parang mahihiya ang tigyawat na tumambay doon ah. Napahawak tuloy ako sa pisnge ko na burnok. Nabadtrip tuloy ako. Kakainggit kasi. GAAD!!
“No. It’s okay. Hindi rin kasi kita agad nakita.” Nakangiti nyang sagot sakin. Omy! Parang anghel na lumagpak galing sa langit ah. Sana mabait talaga tong girly na ito.
“Orayt. Pasensya ulit.” Ngumiti narin ako sa kanya kahit deep in side naiinggit talaga ako sa kanya.
“Am. Wait. Dito ba yung room mo?” nabigla ako kasi hinila nya ang braso ko. Okay, malakas sya, biruin mo sa laki kong ito napatigil ako. Hinarap ko sya at nginitian.
“Oo. Bago ka ba dito? Transferee?” sabi ko pa sa kanya. Kaya napatango sya bilang sagot.
“Ah. Okayyy. Dito klase mo? Tara sa loob late na tayo.” Dagdag ko pa tapos hinila ko na sya sa loob. Nagulat yung mga kaklase ko hindi dahil nakita akong pumasok kundi dahil ang ganda nga naman ng kasama ko. Okay. Awkward ang beauty ko. Yung mga boys nagsisipol pa di naman marunong.
Napasimangot ako. Tapos iginala ko yung paningin ko at nakita kong vacant yung silya sa tabi nila Ivan at Vince. Bah. Himala an gaga ni Ivan ngayon ah. Okay. Kaklase ko pala sila dito sa Manangement. Hinila ko na ulit yung babaeng maganda tapos pinaupo ko sya sa tabi ni Ivan. Syempre doon ako sa tabi ng second crush ko na si Vince.
“I-iivan?” narinig ko pang nauutal yung babae pagharap kay Ivan na naka-headset pa. Panigurado hindi ito rinig ng mokong na ito kaya hindi linilingon. Pero dahil atribida ako hinablot ko yung isang headset sa tainga nya.
“Hoy! Ivan! Tawag ka ni Miss Ganda oh.” Sigaw ko sa kanya. Nakakunot yung noo nya pero pag baling nya sa tapat namin nagulat sya nung makita nya yung babaeng maganda.
“C-cchelsie?” bulong ni Ivan pero rinig ko sya. Nagtaka ako kasi parang narinig ko na yung Chelsie na yon hindi ko lang ma-recall.
“Uyy, Long time no see ah?” napangiti na ng tuwid yung Chelsie raw. Si Ivan naman nakatanga parin sa kagandahan nya.
Na interrupt lang ang pagtitigan nilang dalawa nung dumating na si Ma’am Aurora. Okay. Kala ko pa naman late na ako. Buti nalang naiwanan nya yung mga index card namin kanina kaya hindi pa nakakapag-attendance.
BINABASA MO ANG
Dreams do come true w/ YOU. (ON-GOING)
Dla nastolatkówIs it true that DREAMS DO COME TRUE W/ YOU?