Detention's Office.

57 1 0
                                    

CHAPTER 3

MARVS POV

Sya ang professor namin sa major subject naming economics at sya talaga ang pinaka kinatatakutan naming professor.

Grabe ang swerte ko talaga. Bigla akong napahiling na sana bumuka ang lupa at kainin na ako ng buhay.

Napatungo na lang ako pagkakita ko kay Ma’am. 

“Well? What’s the meaning of this Miss Del Sol? Ganito na ba talaga ang mga estudyante dito na akala mo nasa palengke kung makasigaw?!!” madiing sabi sa akin ni Ma’am.

“Ma’am s-sorry po. Dina po mauulit.” Sabi ko habang nakatungo. Shemay! Nangangatal ako.

“Ok.” Sagot ni Ma’am. Kaya napa tunghay ako, nagliwanag ang mata ko sa sagot ni Ma’am ah. Parang nagkaroon ako ng pag-asa.

“S-salamat po Ma’am.” I answered.

“No. Don’t thank me because you’ll go to the detentions office now!!!” sagot ni Ma’am while raising her eye brow.

After that, nilampasan na nya ako at naupo na sa unahan.

Akala ko ligtas na ako. Na detention pa! Lagot na naman ako neto! Malapit pa naman ang prelims namin kaya madaming quizzes na magaganap.

Why life is so unfair to me?

Bago ako umalis nakita ko sa peripheral vision ko na nagtatawanan ang mga classmate ko. Hayy. I’m so lucky. Very!

---

KATHLEEN POV

Hayy, kawawa naman si Bessy. Kung may magagawa lang sana ako di sana hindi sya napahiya ng ganun. Kasalan to ng mayabang na crush ni bessy na si Ivan Carlo Dela Vega eh!

Kung hindi ba naman gwapo este kung hindi ba naman sya pahara-hara sa dadaanan namin ni Bessy edi sana hindi sya nabangga ni Bessy for the second time around. Bakit naman kasi ang swerte swerte ng kaibigan kong iyon! 

Napatingin ako sa right side ko. Nakita ko si Ivan na nakaubob parin habang ang prof namin eh nag didiscuss.

Aba, aba? talaga nga namang may favoritism dito? Bakit hindi sinisita si Ivan eh kitang kita naman na nkaubob lang sya kase nag-iisa sya sa hulihan. Hayyy, andaya! ang unfair unfair!! 

Tapos si Bessy nandoon sa detentions office dahil sa nilalang na yon! Urghhh. Kawawa naman ang Bessy ko.

"Okay class, we have a quiz today. So? Is there any absent except Miss Del Sol?"

Nabigla ako noon nag salita si Ma'am.

"Si Clarence po absent.” Nagsalita yung kaklase ko na nasa likod ko. Hayy nako, absent na naman pala yung bestfriend nitong ugok na nakaubob ngayon.

Bakit kaya hindi na lang sila yung parehong umabsent para mas tahimik ang buhay.

----

MARVS POV

Hay, nako.. I sighed.

Bakit naman kasi nagka-ganito ang araw na ito? Bakit ba ako dinadapuan ng ganitong kamalasan?

Nakoo. Humanda talaga sa akin yang Ivan na yan pag nakita ko sya kahit pa napaka gwapo nya hindi ko talaga palalampasin ito kahit na crush ko sya.

Napatigil ako sa pagkausap sa sarili ko ng biglang lumagabog ang pinto. Pagtingin ko may pumasok pala and guess what? Err, guess who rather.

Si Ivan nandito rin sa detention. Huh? Why he is here? I know it’s impossible na napagalitan sya ng prof namin kaya sya nandito kasi alam kong halos lahat ng prof namin special ang treatment sa gwapong ito.

“Ehem. What are you doing here?” I said while smiling.

“So what?!! Ikaw lang ba ang pwede dito?!” masungit na sagot nya. Nakakatakot talagang sumagot to. Dapat hindi ko na lang tinanong eh.

“O-okayy” mahina kong sagot.

Hayy nako, wala talaga akong maririnig na mahinahon na sagot sa nilalang na ito. Mabuti pa makapag sounds nalang.

Isinaksak ko ang headset sa tenga ko at itinodo ang volume.

NOW PLAYING: We Can’t Stop by Miley Cyrus

To my home girls here with the big butt

Shaking it like we at a strip club

Remember only God can judge ya

Forget the haters cause somebody loves ya

And everyone in line in the bathroom

Trying to get a line in the bathroom

We all so turned up here

Getting turned up, yeah, yeah

So la da di da di, we like to party

Dancing with Miley

Doing whatever we want

This is our house

This is our rules

And we can’t stop

And we won’t stop

Sinasabayan ko ang kanta ng bigla nalang may humila ng headset ko.

Ano na naman kayang problema ng taong ito?? I looked at him. Okay I’m really pissed off because of his attitude! Grabe! May attitude problem talaga itong lalaking to!! Grrr.!

“Oh! Anong problema mo???!!” sigaw ko sa kanya. Nakakainis kasi nananahimik yung tao may umeepal!

“Anong problema ko?? Subukan mo kayang hinaan yang bibig mo para mawala ang problema ko! Natutulog yung tao tapos iingay ka lang diyan. You know what? just shut the f*ck up!!” he shouted.

Oww? Natahimik naman ako. Grabeeee. Anong ugali ba meron ito? May puso pa ba to??

-------

Dreams do come true w/ YOU. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon