Chapter 1

41 4 0
                                    

INTRODUCTION:

Hello! I'm Shanine Starr. And I do believe in fairytales! I love Boys! I love love stories! I love being inlove! And I love making jokes! hehehe Joke lang! Tama yung about sa making jokes. Pero yung fairytales? Boys? Love stories? Being inlove? WTF? Haha.. Pagpasensyahan ang makasalanang bibig.. Actually, they all suck! tss.. Love Love.. Kalokohan lang yan.. Masasaktan ka na nga, masasayang pa ang oras mo. Kaya kayo, tularan nyo ako! Isang mabuting ehemplo ng kabataan.. Isang modelo ng mga estudyante.. Isang alamat.. haha joke.. Sorry ang korni ko po (actually hindi ako, kundi si author,hihi) Bakit ko nasabi yon? Dahil ako lang naman ang nag-iisang Presidente ng Student Council ng school namin ngayon. Ang Liwayway High School.. Oo na po, wala nga pong Saint.. Oo na po, Public lang ang school namen.. Oo na po, mahirap lang ako. And so what? Sapakan nalang oh? haha joke. Ayoko po ng gulo. Patalinuhan nalang oh! haha Ang tapang ko noh? Eh lahat naman kasi sila atrasado saken pag patalinuhan. Ehem.. ako lang naman ang laging nangunguna sa eskwelahang 'to no. Kahit bente pa ang sections dito each level, ako parin ang reyna! hahaha Isa lang ang dapat kong tiisin sa kalagayan ko ngayon.. Ang mga INGGITERA! haha.. baka beauty and brain to? haha joke. kaso madalas talaga ako matawag na  NERD! Ewan ko ba sa kanila.Pero di ko narin kasi napaglalaanan ng oras ang sarili ko para mag-ayos ng itsura ko. And so? Basta ka-close ko ang mga librong to, masaya na ako. hihihi ^-^v

Sa ngayon, ka-date ko ang mga libro sa mapayapang silid na ito--Library

Ang tahimik. Nakakarelax. Hindi tulad sa bahay namin, ang ingay! Lagi nalang may gyera. Si tatay kasi, masyadong naapektuhan sa pagkawala ng trabaho nya. Kaya ayun, lasinggero na. Hay, edi lalo lang kami naghirap :( Kaya dito muna ako, para masaya.

Basa.. basa.. at basa lang ako nang basa. Biglang..

"PSST"

Ang ingay naman nun, kaasar!

"psst,Bruha!"

ang ingay na talaga. istorbo. bakit kasi ayaw pa tumingin nung tinatawag nya?

"psst, Shanine!"

Wow! Kapangalan ko pala ang bruhang tinatawag nya? hehehe Pero I'm sure it's not one of my friends, kasi kung isa siya sa friends ko, edi sana binato--

*PUK*

--na nya ako! At eto nga, binato na nga ako. So ako nga? -__-

Ar-Ouch ha! Ang sakit ha,batuhin ba naman ako ng libro? pero syempre, pigil pigil din sa pagsigaw pag may time, library to eh.

Lumingon ako at nakita ang bestfriend kong si Evangeline.

"Ano ba yun?" pabulong kong tanong habang hinihimas ang parte ng ulo kong natamaan ng libro. Nasa di kalayuan lang naman sya eh, nasa kabilang table. Tapos bigla syang lumapit sakin at tinabihan ako.

"Yung totoo,Girl? Hinto ka na ba?" tanong nya habang nakataas ang kilay nito

"Ha? Ako? Hindi ah!"

"Eh bakit di ka pa pumapasok? 1 week na ah simula nung pasukan!"

"eeh! La pa ako budget eh!"

"Budget? bakit?"

"kasi, nawalan na ng trabaho si tatay"

"Ngek, di mo agad sinabe. Ako bahala sayo!"

nasabi ko na bang ang bestfriend kong ito ay mayaman? hahaha At kaklase ko sya sa public school? hahaha ewan ko ba dito. Gustung- gusto pumasok sa school kung nasan ako. Ang ganda ganda na nga ng school nya dati eh. Talaga naman oh!

A Rainy Night and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon