Chapter 5

21 3 0
                                    

CHAPTER 5

(Shanine's POV)

*sa bahay ni jhelly

Kakalabas lang ni Jhelly sa kwarto niya. Pero bakit siya nakasimangot?

Bumaba sya agad at tinignan kami ng masama ni Japeth.

"Bakit kayo magkasama?" Galit na tanong niya sa amin. Anyare dito?

"Best, nandun kasi ako kina Shone kanina. Tapos nakilala ko si Japeth at papunta daw siya dito kaya sumabay na ako. May ikwekwento ako sayo best!" Sabi ko sabay akbay sa kanya.

"Wag mo nga akong akbayan. At pwede ba wag mo nang lalapitan si Japeth?" Hala! Sinisigawan ako ni best?

"Jhelly stop!" Saway naman ni Japeth kay Jhelly.

"May nagawa ba ako o nasabing mali?" Tanong ko kay best

"Wala. Kaya pwede ba umalis ka muna sa pamamahay namin?"

Bakit ganito si Jhelly? Maiiyak na naman ako. Bakit ang pangit ng araw na to? Hindi ko na nakayanan kaya umalis na ako sa bahay nila.

Nang makauwi na ako,sinubukan kong tawagan si Jhelly. Pero hindi niya sinasagot.

Tapos ngayong araw absent naman siya. Tinatanong ko si Shone pero ano pa nga ba aasahan ko sa isang to?

Tignan mo nga at nakasibilyan parin. Kala mo namatayan parati. Ay sabagay, yung puso nya patay na patay sa isang babaeng di naman siya mahal. Parang ako, patay na patay sa isang lalaking di rin naman ako mahal. Dapat pala gayahin ko sya. Magsuot rin kaya ako ng itim? Ay juskoo. Isipin ko palang ang sagwa na. Namimiss ko na si Jhelly T^T

Habang wala si Jhelly, may isang classmate ko ang lumapit.

"Miss Shanine! Pwede bang makipagkaibigan?"

Nilingon ko sya. Nagulat naman ako sa classmate kong to. Ang tagal ko nang classmate to tapos ngayon lang nakikipagkaibigan eh para sakin kaibigan ko na sya. Baka kaibigan ko ang lahat. Haha

"Loko ka talaga Shena! Anong miss Shanine? Haha friends naman tayo noh! Ano ka ba. Shanine nalang."

Nakita ko naman ang pagngiti niya kahit nakayuko siya. Nagulat ako kasi bigla niya akong niyakap. Hehe

Siya yung nakasama ko buong araw. Masyado naman tong tahimik at mahiyain. Ibang iba kay Jhelly. Kamusta na kaya si Jhelly?

----

Panibagong araw na naman, sa wakas pumasok na si Jhelly, akala ko aabsent na naman siya eh. Niyakap ko agad siya pagkapasok na pagkapasok palang niya ng classroom.

"Best,namiss kita. Bakit ka ba umabsent kahapon?"

Ramdam ko na niyakap rin nya ako. Pahigpit nang pahigpit.

"Mamaya ko ikwekwento. Sa recess." Matamlay nyang sagot sa akin.

*recess

"Best!" Pagtawag sakin ni Jhelly pagkaupong pagkaupo namin sa lamesa namin habang nilalapag namin ang mga pagkaing binili namin.

"Bakit best?"

"Yung isang araw, sorry ha." Malungkot nyang sabi

"Ok lang. Pero bakit nga ba?"

"Promise mo munang tatahimik ka."

"Oo naman best. Ako pa." Sagot ko

"Best, si Japeth kasi ay ex-bf ko."

"What? Si Japeth? Ediba pinsan mo yun?" Nakakabigla talaga.

"Naging kami bago pa namin malamang magpinsan kami. Ipapakilala ko sana siya sa daddy ko kaso nung makita ni Japeth ang daddy ko ay bigla nalang niya akong dinala sa bahay nila. Sinabi niyang ang tatay ko ay kapatid ng tatay niya."

Oh my golly! Naguguluhan ako. Pechay naman oh. Bakit ngayon ko lang lubos na nakikilala ang bff ko?

"At dahil dun ay naghiwalay kayo?"

Tanong ko

"Actually walang formal na break-up. Basta nalang nya akong trinatong parang pinsan talaga. Ang sakit lang kasi best eh." Oh my! Naiiyak na ang best ko. Niyakap ko agad siya. At tuloy parin naman siya sa pagkwekwento.

"Ang sakit kasi parang ang dali lang niya makalimutan na nagmahalan kami.Parang hindi siya naiilang na tawagin akong pinsan."

Hay oo nga, pansin ko rin..

"Samatalang ako, hanggang ngayon mahal ko parin siya."*sniff*

Ay letsugas! Umiyak na nga ang loka.

"Best, tahan na. There's a lot fishes in the water." Di ko alam sasabihin.

"Best, sana nga isda lang siya para mapalitan ko na kaagad ng ibang isda. Pero hindi eh. Para siyang araw. Siya ang nagbibigay sakin ng liwanag. At nag-iisa lang siya best."

Ay singkamas ubas barabas! Ang talinhaga na ng best ko. Malala na to.

"Best, kaya nga naimbento ang phrase na move on diba?"

"Best, kung kaya ko lang talaga diktahan ang puso!"

"Ano ka ba best. Sa utak lang yan. Yung hypothalamus. Yan ang diktahan mo!" Pinunasan ni Jhelly ang mata niya at ngumiti.

"Best naman eh. Wag mo nga akong lecture-an ng science. Bobo ako jan. Kaya nga bobo ako sa love na yan eh. Hahaha." At nagtawanan kami.

"Ay ano nga pala ikwekwento mo? diba may ikwekwento ka?" Tanong niya.

Onga pala yung tungkol kay Shone at Yuri.

Kwinento ko lahat nang yun at nagulat din siya.

At tinawanan lang naming dalawa ang lahat ng yun.hahaha baliw kami eh. Para samin kasi walang maitutulong ang pagmumukmok. Kaya tawa nalang kami! Hahahaha

Pero sa likod ng tawa niya, ramdam ko ang pagiging malungkot niya because of her complicated love life. May huli pa siyang sinabi eh.

"Mali man ang mahalin ang pinsan ko, hindi naman bawal ang magmahal noh! Kahit sino pa siya, kahit masagwa man sa mata ng iba, mamahalin ko parin siya. Dahil mahal ko siya. Kasi nga mahal ko siya. Ano magagawa ko eh mahal ko talaga siya."

Ahay! Ang gulo. Napaka-complicated. Basta kahit ano pa yan,susuportahan ko siya. Hihi.

A Rainy Night and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon