Chapter 16

18 0 0
                                    

Chapter 16

(Shone Micheal's POV)

Agad kong binuhat ang katawan ni Shanine. Kundi lang sana dumating yung Shena na yun, napatay ko na yang lokong Mario na yan. Tss. Pasalamat siya.

Dinala ko siya sa clinic ng school pero sarado na ito. Kaya dali dali ko siyang dinala sa ospital. Hindi ko na naisipan pang magcommute. Tumakbo ako hanggang sa makarating sa ospital.

"Excuse me! Emergency po." Sigaw ko kaya napatingin sakin ang mga tao sa entrance ng ospital.

"Ano po bang nangyari sa inyong dalawa, sir?" Tanong ng isang babaeng nurse ata.

"Nawalan siya ng malay. Sinuntok ba naman siya ng lokong yun sa tiyan. Please gamutin niyo siya." Natataranta kong sagot

"Naku sir, baka maya maya po magigising narin po siya. Iuwi niyo nalang po siya at doon magpahinga. Pero pag may masakit po sa kanya pag gising niya, saka niyo nalang po siya dalhin dito. Gusto niyo po bang kayo ang gamutin namin? Mukha pong nabugbog po kayo."

"Wag mo akong pansinin. Ok lang ako. Siya ang gamutin niyo."

"Pero sir" nakakainis. Binuhat ko nalang ulit si Shanine at iniuwi nalang. Dinala ko siya sa kwarto at inihiga sa kama ko. Ayoko nga dun magbantay sa maliit niyang kwarto.

Naligo muna ako. Hayst, ang lokong yun! Di pa nakuntento sa pagsira sa gwapo kong mukha at pati si Shanine dinamay. Tsk. Bakla talaga siya. Kainis.

Nakalimutan ko palang magdala ng damit sa cr. Sinilip ko muna kung tulog pa si Shanine. Mukhang hindi pa naman siya magigising kaya lumabas na ako ng cr nang nakatapis. Agad akong kumuha ng damit at....

"Uwaaaahh! Kyaaah! Manyak!"sigaw ni Shanine

"Whaaaa!" Sigaw ko habang tinatakpan ng damit ang katawan ko.Parehas kaming nagulat sa nangyayari! Shet! Bakit ngayon pa siya nagising. Mabuti nalang nakatapis pa ako.

"Ano yun? Anong problema?" May sumisigaw sa labas na ngayo'y binubuksan na ang pinto kaya napasigaw ulit kami ni Shanine..

"WAAAAAAAAG!" pero huli na. Nabuksan na niya..

"OWW! Sorry.. naistorbo ko ba kayo? S-sige labas na ako. Ituloy niyo na. Sorry sa abala. Hehehe" malokong saad ni Japeth.

"Oy! Mali ka! Andumi ng utak mo ha! Manyak ka talaga. Nagbibihis lang ako. Malay ko bang magigising siya?" Paliwanag ko. Pero tinawanan lang niya ako. At lumabas na.

Tinignan ko si Shanine. Nakatakip ang mga palad niya sa mga mata niya.

"Shanine ganyan ka lang ha. Magbibihis lang ako." At mabilis kong inalis ang tapis ko at nagsuot na ng damit. Pero bago ko pa man masuot yung shorts ko nagsalita na naman siya.

"Ha? May sinasabi ka ba? Uwhaaa!"

"Sabi ko wag kang mumulat e.tsk"

Bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Hay, nakakahiya. Nakita niya akong nakabrief. Hay, pag  nagising siya, hindi ko alam kung makakausap ko siya. Hay naku naman, oo.

(Shanine's POV)

Teka asan ako? Ibinangon ko nang bahagya ang katawan ko sa kama para makaupo. Pinagmasdan ko ang paligid. Bakit puro black dito? Hayst.

A Rainy Night and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon