Chapter 13

8 0 0
                                    

Chapter 13

(Shena's POV)

Hayst, ambilis ng panahon. Exam na naman bukas. Kailangan kong mag-aral. Hmm. Teka, bakit kaya di sumabay sakin si Shanine? Pag ganitong malapit na exam nangunguna siya dumating sa school eh at mag-aaral sa library. Nakakapanibago. At isa pang nakakapagtaka, nadatnan ko siyang abala sa pagpapaganda. Epekto kaya yun ng letter ni Jhelly? Hay, ewan.

Ay, sa wakas dumating din si Shanine.

"Sha! Nakareview ka na para bukas?" Tanong ko

"Ha? Exam na ba bukas?" Tanong niya. Hala! si Shanine ba kausap ko?

"Di mo alam?"

"Siyempre joke lang. Hehe" tumayo siya at nagsalita ulit habang nakahawak siya sa mga balikat ko.

"From now on Shena, hindi na ako magpapakasubsob sa pag-aaral. Sa ngayon, eenjoyin ko muna ang pagiging estudyante ko."

*blink*blink*

Di ko alam kung matutuwa ako kasi sa wakas magkakaron na ako ng pag-asang maging 1st honor. Nakakagulat lang kasi. Parang desperada syang sumaya. Ganun na ba siya kalungkot? Kawawa naman siya. Di ko rin kasi siya makausap kagabi, napakinggan ko kasing iyak tawa siyang parang baliw. Hay.

--breaktime

"Sha, nakakapanibago ka ha."

"bakit naman Shena?"

"Hay, basta. Teka, pwede favor?"tanong ko

"Ano naman yon?"

"Pwede mo bang kunin number ni Michael? Sige na please." Nag puppy eyes pa ako.

(Shanine's POV)

"Pwede mo bang kunin number ni Michael? Sige na please." Paki-usap ni Shena sakin. Bigla kong naalala si Shone. Yung...yung.. first kiss ko. UWAAH! Napahawak ako bigla sa labi ko. Nakakainis! Bakit siya pa?

"Oy! Kinakausap kita. Magagawa mo ba yun?" Tanong ni Shena

"O-oo naman. Gusto mo now na nga eh.hehe"

"Hihi salamat girl."

--after class

"Oy Emongoloid!" Pagtawag ko kay Shone.

"Ano?"taray naman

"Exam na pala bukas noh. Hehe"

"So?" Leche!

"Tss. Wala. Pahingi nga number mo."

"Who you?" Aba sumosobra na siya sa kasungitan ha.

"Hoy, maka-hu u hu u ka jan ha. Ako lang naman ang babaeng ninakawan mo ng first kiss."

"Ginusto ko ba? Siguro ikaw ginusto mo, pwes ako hindi. Kaya kalimutan mo na yun, ok?"

"Oo na oo na. Number na dali, hinihintay na ako ni Shena oh."

"Alam kong wala kang cp. Kung siya ang nanghihingi, siya lumapit."

"Eh, arte naman eh. Bibili na ako ng cp mamaya. Ayaw mo yun, ikaw agad matetext ko."

"Ayoko talaga. Tss."

"Teka, wag ka muna umalis."

"Ang kulet naman neto. Bitawan mo nga ako."

"Number muna, dali."

"Tss, oo na. 09108503*** bitaw! Isa!"

"ayan na nga. Thanks!"

A Rainy Night and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon