Chapter 18

13 0 0
                                    

Chapter 18

(Shena's POV)

"Grabe, ang lakas ng ulan noh? Teka bakit ang dami mong dalang gamit?" Tanong ko.

"Nalaman na ng mama ni Shone na kami na." Whaa. Sa wakas.

"Hay salamat." 

"Anong salamat? Malungkot ako Shena." Wika niya

"Wag ka na malungkot. Ayaw mo nun? Hindi mo na kailangan pang itago sa school na kayo."

"Oo nga noh. Tama ka."

"At may magmamay-ari na ng bahay ko. At ikaw yun! Sayo na ang bahay ko Shanine!"

"Sakin na ang bahay mo?" Gulat na gulat niyang tanong

"Oo, alam mo kasi, may mga pulis, isang detective at isang amerikanong abogado ang pumunta dito last month."

"O tapos?"

"May mag-asawa daw na naghahanap sa  nawawala nilang anak na babae. Nung baby palang daw yung anak nila, dinala daw nila ito sa ampunan kasi gipit silang mag-asawa. Pero ngayong mayaman na sila, babawiin na nila yung anak nila sa ampunan. Pero wala na dun. At dahil marami nang pamilya ang umampon sa kanya, paiba-iba rin ang name niya. Kaya mahirap hanapin. Pero ngayon nahanap na daw nila."

"Ganun? Kakilala mo ba yung anak nila sa ampunan?"

"Gaga. Hindi!"

"Ikaw? Ikaw yung hinahanap nila?"

"Oo. Ako nga. Napatunayan sa DNA test na ako nga. Kaya bukas susunduin na nila ako papuntang America. At kailangan kong iwan ang bahay na to. Kaya sayo na to."

"Masaya ako at nahanap mo na ang tunay mong pamilya. Pero sure ka ba na sakin na ang bahay na 'to?"

"Oo, best friend kita diba? At alam kong mapagkakatiwalaan kita. Alam ko ring wala kang matutuluyan."

"Bakit hindi nalang kay Mario?"

"May bahay naman sila noh."

"Pano nga pala si Mario? Alam na ba niya 'to?"

"Hindi pa nga eh. Nahihirapan ako sabihin. Tulungan mo naman ako Sha."

"Naku, dapat sinabi mo na nung una palang. Bukas ka na kaya aalis."

"Parang ayoko ngang sabihin kasi alam kong malulungkot siya, baka di ko makayanang umalis."

"Mahal ka niya. Maiintindihan niya yung side mo. Oo malulungkot siya pero kung talagang mahal ka niya, mas gusto niyang sumaya ka at makapiling ang mga magulang mong dati mo pang gustong makasama."

Tama siya. Alam kong mahirap pero kailangan ko na sabihin ito kay Mario.

"Tama ka Shanine. Oh eto ang susi. Aalis na ako"

"San ka pupunta?"

"Sa bahay nila Mario." Buti nakaimpake na ako.

"Ah eh. Sige ingat." At tuluyan na akong umalis at pumunta sa bahay ng boyfriend ko.

---

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Mario

"May kailangan akong sabihin sayo."

"Ano yun?"

"Mario pwede bang dito muna ako sa inyo kahit ngayon araw lang."

"Oo naman. Mag-isa lang naman ako lagi dito e. Pasok na."

A Rainy Night and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon