Chapter 14

6 0 0
                                    

Chapter 14

(Yuri's POV)

Andito ako ngayon sa school ni Michael. Napagdesisyonan ko na kasing putulin ang pagkakaibigan namin para di na magduda ang mahal kong si Rence.

Tumatakbo siya nang makita nya ako kaya bigla siyang napatigil sa pagtakbo.

Habang nakatingin ako sa kanya, ramdam ko ang pagkagulat niya. Bigla kong naalala ang mga pinagsamahan namin bilang best friends. Bigla nalang akong napaluha.

"Yuri? Bakit ka nandito?" Tanong niya habang lumalapit siya. Pinunasan ko ang luha ko at nagsalita.

"Ah eh, kailangan nating mag-usap. Halika." Nagpunta kami sa lugar na walang masyadong tao.

"Ano ba yun?"tanong niya. Hinubad ko ang friendship bracelet na suot ko.

"Michael, patawarin mo ako. Pero.kailangan ko na putulin ang pagkakaibigan natin."

"Bakit? dahil ba sa boyfriend mo?"

"Michael, pinagseselosan ka kasi ni Rence eh. Sorry talaga. Mahal ko siya at di ko kaya mawala siya sakin."

"Naiintindihan ko."

"Sorry talaga. Napakabuti mong best friend. *sniff*" tumulo na naman ang luha ko.

"Tahan na."

"Pwede ba kitang yakapin sa huling pagkakataon?"tanong ko

"Oo naman." At niyakap ko siya habang umiiyak na parang bata.

Nagulat nalang ako nang may humigit sa braso ko at kumaladkad sa akin kung saan. Namalayan ko nalang na nasa labas na ako ng school nila Michael at kaharap ko ngayon ang galit na galit na si Rence.

"Sinungaling ka. Hindi na makikipagkita? Tss. Eh kulang na nga lang maghalikan na kayo eh." Galit na sigaw ni Rence

"Rence, let me explain!"

"Selosan ba gusto mo? Lokohan ba? Sabihin mo lang. Maraming babae jan na baliw na baliw sakin na pwede kong gamitin."

"Ano bang sinasabi mo? Pumunta ako dun para putulin ang friendship namin! Makinig ka naman."

"Wag ka nang magsalita. Break na tayo. Di ko kailangan ng manlolokong girlfriend!"

"Hindi kita niloloko! Ano ba?"

"Tamang tama, halata namang baliw parin sakin si Shanine. Pwede ko siyang gamitin."

"Pwede ba? Wag mo idamay si Shanine sa away natin!"

"Wala ka nang pake."

"Wag please! Don't leave me!" Para na akong batang nadapa sa sobrang lakas ng iyak ko.

"You deserve this! Bye!"

At tuluyan na siyang umalis. Sa halip na maglupagi ako sa kalye, napagdesisyonan ko nalang umuwi. Nagkulong sa kwarto. Ayoko ng kausap! Ayoko nang mabuhay! Ang sakit sakit! Ni hindi niya pinakinggan ang paliwanag ko. Nakakainis. Ansakit talaga.

(Shanine's POV)

Kasama ko ngayon si Shone sa ilalim ng puno malapit sa soccer field. Parehas kasi kaming malungkot. Malungkot siya dahil kay Yuri. At ako naman dahil kay Shena. Di kasi ako pinapansin kahit nasa iisang bahay kami. Kasalukuyang kumakaen kami ng ice cream. Ayun, parehas kaming tahimik. Pero nabasag ang katahimikan nang biglang may dumating.

"R-rence? B-bakit ka andito?" Tanong ko

"Pumupunta ka parin pala dito? Naalala ko noon nung sabay tayong kumakanta sa ilalim ng punong toh." Sagot ni Rence

A Rainy Night and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon