Chapter 9

18 3 0
                                    

CHAPTER 9

(Evangeline's POV)

Iminulat ko ang aking mata ng unti unti. May yumuyugyug kasi sakin. At nakita ko si Shanine.

"Oi bruhilda! Gising na! Oi best! Saturdate natin ngayon! Gising na. Ililibre mo pa ako ice cream tapos mamamasyal. Oi! Jhelly naman eh gising na!"

"Antok pa ako best! Teka!"

"Oi bruhilda! Gising na! Oi best! Saturdate natin ngayon! Gising na. Ililibre mo pa ako ng ice cream tapos mamamasyal. Oi! Jhelly naman eh gising na!"

Iminulat ko ulet ang mata ko pero wala na si Shanine. Hay, imagination  na naman.

"Oi bruhilda! Gising na! Oi best! Saturdate natin ngayon! Gising na. Ililibre mo pa--"

Pinatay ko na ang alarm clock ng cp ko. Oo boses ni Shanine ang alarm tone ko. Kung okay kami ngayon edi sana may date kami ngayon ng bestfriend ko.

Alam kong nasa plano ko lang ang gawing bestfriend si Shanine. Pero aminado ako sa sarili ko na hindi lahat ng ipinakita ko ay kaplastikan. Sa totoo lang,namimiss ko siya. Pag kasama ko kasi siya, ang saya ko. Nakakalimutan ko ang problema ko. Nakakahawa kasi yung pagiging masiyahin niya. Tapos parang kapatid ko narin siya. Bukod kasi sa kamukha ko siya, kasundo ko pa siya sa lahat ng bagay. Mas marami nga kaming oras sa isa't isa kesa sa parents kong walang ibang inatupag kundi business.

Naalala ko na naman yung huling usapan namin. Masyado akong malupit. Nasaktan ko siya.

Hayst. Oo inis ako sa kanya nung una kasi crush siya ng mahal ko pero natutunan ko narin siyang mahalin. Hay, pinagsisisihan ko na ang lahat.

Tama naman kasi sila ni Yuri, pinsan ko si Japeth at kahit pa maging pink ang uwak, di kami pwedeng magsama. Hay. Obsessed kasi ang lola niyo.

Kamusta na kaya siya? Hindi kasi siya pumapasok. Siguro dahil sakin. :-(

~~Emo boy calling...

*Let it go, let it go.

Can't hold it back anymore.

Let it go let it--*

Problema neto?

"Oh bakit emo boy?"

"Hoi Jhelly, pumunta ka dito sa *** hospital. Yung bestfriend mo na--"

"Ha? Si Shanine? Anong nangyari sa kanya? Malala ba? Ay wag na. Papunta na ako jan."

-end call

Ommo! Si Shanine! May nangyari sa kanya. Hala. Bakit ako natataranta?

Agad agad akong bumangon sa kama, naligo na at gumayak na paalis. Pero tinawagan ko narin si Shena para samahan ako. Alam narin ni Shena ang nangyari sa amin ni Shanine. Gusto nga niyang kausapin si Shanine about dun pero sabi ko wag na at ako na gagawa ng paraan para magkaayos kame.

--sa hospital

Papasok na sana kami ni Shena sa room ni Shanine pero bakit ako napaatras ng makita ko siya? Baka hindi pa talaga ako handang harapin siya. Kaya pinauna ko na si Shena na pumasok sa loob.

A Rainy Night and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon