Chapter 6

20 4 0
                                    

CHAPTER 6

(Shanine's POV)

Heto na naman ako, sinusundan ang emongoloid na to. Hiyang hiya na ako kay Ma'am Lopez. Aba! Hindi biro ang pasunurin siya ha. Inaamin ko, nahihirapan na ako. Sunod ako nang sunod sa kanya para hikayatin siyang magbago pero balewala lang sa kanya. Ano ako, anino? Naiinis na ako. Antagal narin ha. Kahit pakikipagkaibigan ayaw niya? Ano ba gusto niya, away? Tss

"Get lost! Ang kulit mo talaga!"

"Eh ano naman kasing masama kung susubukan mong magbago?"

Sa ngayon, andito kami sa classroom. Walang teacher eh. Kaya nakipagpalit muna ako ng upuan kay Shena para makatabi ko si Shone. And as usual para baguhin sya.

"Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang 'get lost'?" Haha natawa naman ako dun.

"Wahaha. Gusto mo tutor? Mura lang. Haha. Get lost? Salita ba yun? Haha" grabe ambobo niya. Haha

"Ganyan ka naman eh.tss"

*kring* pagkasabi nya nun, biglang nagring ang bell. Breaktime na. Lumabas na siya sa classroom. Teka ano sabi niya? Ganito naman ako? Ano ibig sabihin niya dun?

"Hoy!! Anong ganyan ha?" Hinabol ko siya. Huminto naman siya nung narinig niya ako.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko ganyan ka naman eh. Kayo! Ganyan kayo. Tss." Ang yabang!

"Humarap ka nga dito! Anong ibig mong sabihin ha? Kami? Nino?" Naiinis na talaga ako.

"Kayo! Kayong mahihirap!(humarap siya) gagawin ang lahat para sa pera! Alam ko namang binabayaran ka ng tita ko eh. Diba? At tinanggap mo naman ang offer para magkapera! Tss. Mukhang pera!" Feeling ko mamaya maya ay tutulo na ang luha ko. So ganun pala ang tingin niya saken?

"Hoy!"tinawag ko siya bago pa man siya makaalis. Nilapitan ko siya at hinawakan ang neckline ng damit nya. Galit na galit ako kaya wala na ako pake kung magalit siya.

"Para sabihin ko sayo, wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan! Oo mahirap ako pero *sniff* (hindi ko na napigilan pa ang luha ko) pero wala kang karapatang husgahan ako."

"Pwede ba? Wag ka nga magdrama! Hindi naman kita inaano jan ah. Iyakin! Tss. Alisin mo nga yan!" At inalis nya ang kamay ko sa damit nya. Naiinis na talaga ako. Ang sakit nya mag salita.

"Tao ka, tao ako. Nagkataon lang na pinanganak kang mayaman at ako hindi. Pag mayaman ba may lisensya na para manghusga? Tss. Sige bahala ka na sa kung anong gusto mo sabihin saken, mukhang pera, dukha or what! Well, I don't care! you can call me anything you wanted! Basta wag mo lang ako huhusgahan dahil di mo naman alam ang kwento ng buhay ko!" ngayon, nakarelate na ako sa sinabe noon nung mamang stranger na mukhang multo.

Sa sinabi kong 'yon ay hindi na nakapagsalita ang loko.

"Alam mo bang ginagawa ko to para makatapos ako sa pag-aaral? Alam mo bang ginagawa ko to para sa masuklian ang pagpapalaki sakin ng mga kumupkop sakin? Alam mo bang ginagawa ko to dahil nakiusap ang tita mo? Alam mo bang ginagawa ko to para makabalik ka sa dati mong school? Alam mo bang ginagawa ko to para magbago ka? Hindi lang para sakin ang ginagawa ko. Para din sayo. Pero dahil ganyan pala ang tingin mo sakin, ayoko na! Suko na ako." Umiiyak kong sabi sa kanya.

A Rainy Night and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon