Chapter 2

23 4 0
                                    

CHAPTER 2

(Shanine's POV)

"Girl! Ahitan natin kilay mo!" at akmang aahitan na nga ni Jhelly ang kilay ko. Andito ako ngayon sa kwarto nya na kasing laki ng buong bahay namin.

"Best naman eh. Ang usapan, magtratrabaho lang ako. Kakanta lang. Hindi makikipagdate!"

"Ay nako. Bawasan lang natin. Ang kapal eh. Kakanta ka sa harap ng maraming tao, dapat maganda ka."

At wala na ako nagawa, naahit na nya eh!

"At itong buhok mo, kulutin natin para parehas tayo." Napatayo ako sa sinabi nya

"Best! Pati ba naman buhok ko?" nakakainis na, magmumukha akong maarte neto eh.

"Ok lang yan, di naman permanent eh! Make-up-an narin kita. Light lang promise!"

"Hay, sige na nga bahala ka!" at umupo na ulit ako sa harap ng salamin na may ilaw na nakapalibot.

After 15 minutes!

"TADA!"

Iminulat ko ang mata ko at nakakita ako ng Diyosa! haha Ako ba to? Ang ganda ko talaga!

"Nice! Mukha na akong tao!"

"I told you Best!" Iniwan nya ako at pumasok sa isang lagusan. Ano kaya yun? Sinundan ko sya at tumambad sa akin ang isang pwesto ng tindahan ng mga magagarang damit sa SM! Wow, nagteleport ba kami?

"Best, asan tayo?" tanong ko while looking around it

"Sa SM! hehehe joke! Nasa walk-in closet ko tayo!"

"Lahat ng ito sayo?"

"Hindi hindi, kay manong driver ata!" She said in a sarcastic tone. tumahimik nalang ako.

"Best, ito! This suits you!" at itinaas nya ang isang pink dress. Well, simple lang sya at hindi gaanong maikisi. Kaya kinuha ko narin at sinuot. Tama, bagay nga saken. Ang cute ko, my gosh! hihihi ay time out, hindi ako maarte noh!

Nag-ayos narin sya at nagpalit ng dress at umalis na kami. Konti na lang talaga eh mapagkakamalan na kaming kambal neto. Haha

--sa Restobar

"Best akyat na, ikaw na!"

Tumango lang ako at nagtungo na sa stage. Inayos ko ang tayo ng mikropono at sumenyas na sa gitarista sa gilid.

"Good evening! I'm Shanine! And from now on, I'll be singing for all of you :) This song is entitled CRAZIER by taylor swift"

Nagpalakpakan sila. Inayos ko ulit ang mic at nagsimula ng kumanta.

"I'd never gone with the wind

Just let it flow

Let it take me where it wants to go

Till you open the door there's so much more

I've never seen it before"

Mula sa pagkakatungo ay itinunghay ko ang ulo ko at tiningnan ang lahat ng audience. Nakita ko si jhelly na hanggang tenga ang ngiti habang naka-two thumbs up!

"I was trying to fly but I couldn't find wings

But you came along and you changed everything"

Hinawakan ko ang mic at ang mic stand nito.

A Rainy Night and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon