Chapter 17

7 0 0
                                    

Chapter 17

(Shanine's POV)

Pagkatapos ng kanta, hinila ni Shone ang kamay ko at kasalukuyang dadalhin kung saan. Hindi parin talaga ako makapaniwala na mahal din ako ng taong mahal ko. Totoo ba 'to?

Nang medyo makalayo-layo na kami ay piniringan niya ako.

"Ano bang pakulo to?" Tanong ko.

"Basta, wag ka nalang magulo. May surpresa ako."

Ngayon, tinutulak naman niya ako para makarating sa sinasabi niyang surpresa. Ang layo ha. Naka high heels pa naman ako.

"Andito na tayo"masaya niyang sabi.

Tinanggal niya ang piring ko.

Medyo nanlalabo pa ang paningin ko. Pero naaaninag ko ang isang punong napapalibutan ng liwanag.

"SURPRISE!"

Nawala ang panlalabo ng mata ko at bumungad sakin ang punong lagi naming tinatambayan malapit sa soccer field. Punung-puno ito ng liwanag mula sa mga nakasabit ditong christmas lights. May mga nakaayos pang kandila sa paligid nito. May mga petals pa ng iba't ibang bulaklak sa damuhan at malapit sa puno ay may nakalatag na hugis pusong parang makapal na tela, ay ewan basta ganun. Nagsilbing daanan ang pagitan ng mga nakaayos na kandila.

Hinawakan ako ni Shone sa kamay at dinala sa nakalatag na tela at umupo doon.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya

"Tinatanong pa ba yan? Siyempre naman nagustuhan ko. Ikaw ba naghanda lahat nang ito?"

"Oo, pinagisipan ko talaga at pinaghandaan ito para sayo. First time ko kasi gawin to sa isang babae"

"At first time din itong gawin sakin ng isang lalaki." Napangiti siya sa sinabi ko. Kaya napangiti rin ako.

"Hindi na ako nakapagprepare ng table for dinner. Sorry ha"

"Naku mabuti pa nga yun eh, at least hindi masasayang. Nabusog kaya ako sa prom kanina."

"Mabuti naman. Pero siyempre may prinepare ako para sayo. TADA!"

At nilabas niya ang isang container.

"Ice cream?" Tanong ko.

"Yup! Our favorite, double dutch." Ang saya naman. Anumang oras pwede nang mahalit ang mga labi ko sa sobrang saya.

Naglabas siya ng isang kutsara.

Teka bakit isa lang??

"Kain na!" Paanyaya niya

"Asan yung spoon ko?"

"Ah eh, sorry ha. Isa lang nadala ko."

"You mean kakaen tayo gamit ang isang kutsara lang?"

"Oo, ano ka ba. Ok lang yan. Diba ginawa narin natin to sa ospital nung naconfine ka?"

"Tss. Oo, halos ubusan mo nga ako eh. Pero basta ayoko. Magkakahalo laway natin."

"Ang arte naman neto. Kiss kita jan eh." Ano daw?. O_o

"Joke lang. Kain na. Oh, subuan kita. Aaa." Sinubo ko narin, baka magtampo pa bestfriend ko. Ay mali, boyfriend ko. ^_^

"Shone"

"Bakit Shanine?"

"Mahal mo ba talaga ako?"

"Oo naman. Ano bang klaseng tanong yan."

"Akala ko ba mahal mo parin si Yuri?"

"Yun din ang akala ko Shanine. Pero simula nung naging bestfriend kita at tumira ka pa sa bahay namin, masyado na akong napalapit sayo. Tayo lagi ang magkasama, sa bahay man o sa school o kaya dito sa punong to. At sa tuwing mag-isa ako sa kwarto ko, hindi na si Yuri ang naiisip ko, kundi ikaw. Ay ewan, masyado ka kasing mabait kahit na ang sungit ko sayo. Sorry kung ang sama ng pakikitungo ko sayo noon ha."

A Rainy Night and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon