Chapter 4

26 4 0
                                    

CHAPTER 4

(Shone Michael's POV)

Simula nung nakipagusap ang Shanine na yun sa tita ko, lagi nalang nya ako sinusundan. Lagi nalang niya ako kinukulit! Pinipilit niya akong sundin ang mga rules na gawa nya. Bwiset,sino ba siya? Tss naiirita na ako.

"SHONE!" Speaking of. Ayan na naman siya. Siya lang naman tumatawag saken nyan eh.

"Pag kinakausap ka, harapin mo!"

Bahala sya jan. Basta malalakad ako pauwe.

"Teka lang!" Napahinto ako sa paglakad dahil hinila nya ang braso ko.

"Pinapabigay nga pala ng tita mo. Mag-uniform ka daw bukas. May bibisita kasi sa school natin bukas."

Hindi ba sya napapagod? Kanina pa nya ako sinusundan ha.

Pilit nyang isinabit sa kamay ko ang handle ng paper bag at tumakbo na siya palayo. Ang kulit talaga. Basta di ko susuotin yan.

Nang makarating na ako sa bahay, nagpalit lang ako ng damit, kinuha ang mp3 at notebook ko at umalis na.

Habang nagsasoundtrip ako sa ilalim ng puno malapit sa soccer field ay nagdradrawing ako. Ewan ko ba, basta narerelax ako pag nagdradrawing.

"Peram!" Ay palaka. May lahi bang kabuti ang babaeng to? Umupo sya sa tabi ko at biglang inagaw ang isa sa earphones ko.

"Ang epal mo talaga!" Yun nalang ang nasabi ko at inagaw ko ulet sa kanya ang earphones ko.

"Nagdradrawing ka pala? Patingin nga!" At bigla nyang inagaw ang notebook ko. Bwiset!

"Akin na nga yan!" Kaso tumakbo sya. Kaya hinabol ko.

"Hahaha, ang pangit ng drawing mo!" Aba! Sumosobra na sya ha! Eh mas pangit pa nga siya sa drawing ko eh.Binilsan ko ang takbo ko at naagaw ko sa kanya ang notebook ko pero...

(Shanine's POV)

Nang maagaw ni Shone ang notebook nya sakin ay may nalaglag na kung ano. Pinulot ko ito at tiningnan. Picture sya. Pero bakit ganun? Bakit sya may picture niya? Bakit?

"YURI?" Napasigaw ako sa sobrang gulat.

"Kilala mo ba si Yuri?" Tanong ko kay Shone. Pero sa halip na sagutin niya ako ay bigla niyang inagaw sakin ang picture. Hindi ko alam pero nanghihina ako.

"Y-yuri!" I fainted.

(Michael's POV)

Inagaw ko sa kanya ang picture. Kilala niya si Yuri?

"Y-yuri!"

Iiipit ko pa sana ito sa notebook ko pero bigla namang nahimatay si Shanine. Agad ko naman siyang sinambot. Lalo akong naguguluhan. Bakit bigla nalang siyang nahimatay?

Hindi ko alam ang bahay niya. Kaya dinala ko muna siya sa bahay namin.

"RENCE!"

A Rainy Night and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon