Chapter 10

31 3 0
                                    

CHAPTER 10

(Shena's POV)

Ako si Shena Cambridge. Isang abandonadong anak. Lumaki ako sa ampunan kasama ang iba pang mga ulila. Marami nang nagtangkang umampon saken na mayayamang pamilya. Pero sa tuwing nangyayari yun ay ako na mismo ang gumagawa ng paraan para maturn-off sila sakin. Yung huling umampon saken? Nilayasan ko sila. Oo, sa puder nila ay nabibili ko ang gusto ko. Lahat ng gusto ko. Pero di ako masaya. Kaya naman lumayas ako nun grade 6 palang ako.

Naghanap ako ng bahay na pwedeng bilhin, marami kasi akong dalang pera galing dun sa pamilyang kinupkop ako. Mayaman naman sila eh, at hindi kawalan to. Nakahanap ako ng bahay pero maliit lang na sakto sa akin.Hindi nagtagal ay naubos ang pera ko kaya naghanap ako ng trabaho.

Nagtrabaho ako habang nag-aaral. Hanggang ngayong 3rd na ako ay working student ako. Sa umaga pumapasok at sa gabi ay nasa isang department store ako bilang cashier. Magaling ako sa math eh. Kahit working student ako hindi ko pinapabayaan pag-aaral ko. Kaso kahit anong pursigi ko ay lagi akong pangalawa dahil kay Shanine. Kaya galit ako sa kanya. Pero ngayong kaibigan ko na siya ay nagbago na ang lahat.

"Oh Shena andito ka rin?"tanong ni Yuri saken

"Oo. Masama ba?" Sagot ko

"Akala ko ba galit ka kay Shanine? Sinisiraan mo pa nga siya dati diba?" Leche, bakit kasi andito siya? Tiningnan ako ni Shanine kaya napayuko ako. Nahihiya ako. Sobra.

"Totoo ba yun, Shena?" Tanong ni Shanine. Tumunghay ako at nagsalita. Bahala na si Batman

"Oo. Galit ako sayo at siniaraan kita."

"Shena? Pati ba naman ikaw?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Shanine.

"Pero noon yun kasi naiinggit ako sayo. Kasi hindi kita matalo-talo sa honors. Lagi nalang ikaw ang una. Kaya naiinis ako. Pero ngayong naging magkaibigan tayo, nagbago na ang tingin ko sayo. Kung ayaw mong maniwala, ayos lang."

"Shena, naniniwala ako sayo." Tiningnan ko si Shanine at nginitian niya ako. Kaya nginitian ko rin siya. Niyakap ko siya pero..

"Ara-ouch! Ansaket!"

"Ay sorry. Hehe sige iwan ko muna kayo para makapag-usap kayo." Kaya umalis na ako.

(Shanine's POV)

Umalis na si Shanine at naiwan kami nila Yuri at Rence sa loob. Awkward

-__-

"Kamusta ka naman?" Tanong ni Rence

"Wag mo ako kausapin" nagulat siya sa sinabi ko. Pero kahit naman ako ay nagulat rin.

"Sha, galit ka parin ba samin ni Rence?" Tanong ni Yuri.

"Galit? H-hindi ah. B-bakit naman ako magagalit? Huehue." Hindi ako galit promise. :-3

"Naku Shanine. Kilala kita. Sorry na kasi. Ha! Akala ko ba ok na tayo." Aba at may paghawak pa sa kamay ko ang bruha. Ay leche. Bakit ba ansama ko? Ok na kame diba? Hayst.

"Oo naman."

"Sorry na ha."sabi ni Rence.

"Ah. Ok" sagot ko. Tapos inakbayan niya si Yuri. Aww. Selos ako.

"Babe. Ibigay mo na yung pasalubong natin." Sabi ni Rence kay Yuri.

"Ay oo." At inilabas niya yung laman ng plastic bag.

"Ice cream?"

"Diba paborito mo yan?"

"Oo Yuri. Salamat."

A Rainy Night and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon