3rd's Person's POV 👑
Nagharap na ang mga maglalaban na sina; Zyra at Fiona laban kina Alli at Neshka.
"Sino sa'yo Zy? Hehe." Malokong turan ni Fiona. Napatingin naman sakanya si Zyra tapos ay ngumisi.
"Kung sino yung makaka-tapat." Naka-ngising turan nito.
"Okey, may 20 mins. kayo para mag-tagisan ng lakas. Make sure na hindi kayo magho-hold back, ah. Start!" Naka-ngiting anunsiyo ni Akira.
Nagpakiramdaman muna ang magkaka-tapat, pero maya-maya lang ay tumakbo na papalit kay Fiona si Neshka, naging alerto na ang apat na naglalaban. Sinalubong ng sapak ni Neshka si Fiona na agad din naman nitong na-sangga gamit ang mga braso. Napa-ngiti ang dalawa at sabay na kumilos. Kung anong bigay ng isa ay ganon din ang kapalit, talagang nagtatagisan ng lakas.
Si Zyra naman ay naka-tikim ng isang napaka-lakas na sipa galing kay Alli, kaya agad siyang bumagsak. Ngunit laking gulat naman ni Alli ng bigla itong nawala at lumitaw sa likod niya para ibalik ang sipa na nagawa nito. Lumipad si Alli sa lakas ng sipa pero na-compose niya agad ang kaniyang sarili at saka sila nagpalitan ng mga atake.
Dahil hindi sila maka-gamit ng magic ay talagang lakas at bilis ang panglaban nila sa isa't isa. Kahit friendly fight lang ang nangyayari ay hindi sila nagpipigil at talagang nilalabas nila lahat ng makakaya nila. Salit-salit ang pag-bagsak ng apat saka babawi, walang nagpapatalo hanggang sa naubos na ang oras. Agad na napa-salampak ang dalawang grupo at habol-habol ang hininga. Pero kita ang ngiti sa kanilang mga labi.
"Si Akira na ang lalaban. Excited na ako!" Hiyaw ni Fiona na sinangayunan naman ni Neshka at saka sila nag-high-five.
"Teka, kayo ang maglalaban, diba?" Takang saad ni Neshka kay Fiona na siyang pagka-gulat nito.
"Oo nga pala. Huhu." Nanlulumong sabi nito.
"So, simulan na natin?" Naka-ngiting saad ni Khan na nagbigay naman kilabot kay Fiona. Napa-tawa naman ang ilan sa naka-kita.
Ang magka-tapat ay sina; Akira at Zyra tapos ay si Khan at Fiona. Agad na tumakbo si Akira at Khan sa tapat nila na naging dahilan ng pagiging alerto nila Fiona. Nang malapit na at handa sa pag-atake pabalik sila Zyra ay laking gulat nila ng biglang nag-palit ng pwesto sila Akira kaya nagbigay advantage 'yon sakanila.
Isang solidong suntok sa sikmura ang natanggap ni Zyra galing kay Khan at si Fiona naman ay tumalsik sa lakas ng sipa ni Akira. Napa-ngisi naman ang dalawang bumagsak saka agad na tumayo para gumanti, ngunit laking gulat ng mga ito ng biglang nawala sa paningin nila ang dalawa. Lumitaw ito sa likod nila at target ang mga batok nila, sa huli'y tulog ang dalawa. Nag-high-five naman si Akira at Khan.
"Hahahaha. Ikaw mag-buhat niyan, ah." Natatawang wika ni Akira kay Khan na agad napa-taas ng kilay sa gawi niya. Agad naman siyang nag-kibit-balikat habang nagpipigil ng tawa.
Sila Alli naman ay parang naka-ramdam ng kaba matapos ng makita nila. Nag-mistula kasing invisible ang dalawa kapag nagsama. Kakaibang pair up, napaka-lakas. Partida at wala pa ang mga kapangyarihan nito.
"Tara na!" Sigaw ni Akira. Nanlumo naman ang dalawang natira. Pero agad silang tumakbo sa gawi nila Akira na hindi pa handa.
Isang solidong suntok ang tumama sa katawan ni Khan pero parang wala man lang itong naging reaksiyon doon. Napa-ngiwi naman si Neshka sa isiping 'yon. In-upper-cut siya ni Khan kaya agad siyang tumalsik pataas, nilagay ni Khan ang pwersa sa kanyang mga paa saka tumalon pataas para bigyan ng final blow ang babae. Agad na bumagsak ito, kita naman ang bitak sa pinag-talunan ni Khan.
BINABASA MO ANG
Heroes Academy: Not An Ordinary Girl
FantasyTittle: Heroes Academy: Not an Ordinary Girl Is it really true that she's just a girl? Well... Why don't you find it out. Paalala: "Hindi sa unang kabanata nagsisimula ang tunay na istorya." Language: Tagalog/English Categories: Fan...