Kira's POV 👑
Habang nagla-lakbay ako sa portal na 'to, may sinabi nanaman si Mama na pinagta-taka ko. Ang sabi nya lang naman ay,
'Anak 'wag mo nga palang gamitin ang apelyidong Azeranai at Urameshi. Hindi natin alam kung sino ang mapagka-katiwalaan. Magpapa-kilala ka lang ng tunay mong pangalan kay Anihno Amano. Makikilala mo din sya. Sige, bye.'
Kahit na hindi ko maintindihan ay tinatak ko nalang sa isip ko. So, ang gagamitin ko parin pala ay Lozano. I wonder kung anong meron sa apelyido kong Azeranai at Urameshi. Hayaan na nga.
Bigla akong nasilaw sa liwanag kaya napa-pikit ako. Nang alam kong sobrang lapit na ay parang bigla akong niluwa ng portal, at napa-dilat ako 'don. Alam nyo kung bakit?? Mala-laglag lang naman ako. Ano ba yan?! Hinanda ko na ang sarili ko sa pag-landing ko sa baba. Ayan na!
*booggsshhh*
Thanks god! Saktong nalaglag ako sa kumpol ng mga dahon kaya hindi masyadong masakit. Ang ganda ko talaga. Hoho. Agad akong tumayo saaking pagkaka-salampak at tinignan ang lugar na nalaglagan ko.
Panigurado akong gubat 'to. Ano ba 'yan?! Mamaya may kung anong nilalang dito eh. *pout* Ang creepy masyado. Kailangan ko ng kumilos. Agad akong nag-lakad ng..
*screeechh*
Tunog ng kahoy na nabali, paniguradong natapakan eto! Agad akong tumingin sa paligid. Naglakad parin ako. Ma! Ano ba 'tong pinagbagsakan ko?? Hindi ka manlang naawa sa magandang mong anak. Sabi ko sa utak ko. Para ako ewan dito. Natatakot na talaga ak-
"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Isang nakaka-takot na malaking boses ang narinig ko sa likuran ko. Sabi ko na nga ba may monster dito eh! Mamaya katulad yan sa naruto! Yung halimaw! Huhu.
Agad kong nilingon kung sino ang nag-salita, mababakasan talaga ng takot ang mukha ko. Para akong nanalo sa lotto ng makita ang taong nasa harap. Dahil tao sya! Hindi halimaw!
"Nako manong! Maraming salamat at nakita nyo ako! Hindi po ako masamang tao, sigurado po ako! Kayo po ba manong sino po kayo?" Tuwang-tuwa kong sabi dito kay manong. May bandana sa noo nya. Tapos sout nya ay parang suit na kulay black tapos parang may pocket bag sa likod nya. Yung parang kela Naruto na lagayan ng mga kunai.
Eto na nga ba epekto ng panonood ko ng anime. Nanonood pa kasi ako ng latest episode ng naruto bago mangyari ang mga kalokohang 'to. Hahahaha. Tinaasan nya ako ng kilay at hinawakan ako sa braso. Nagulat naman ako sa ginawa nya at nanlalaking mata ko syang tinignan.
"Sumama ka saakin. Ipupunta kita kay Master para masigurong hindi ka nga delikado o kaya naman ay hindi ka espiya. Isa akong Night Soldier mula sa Heroes Academy. Naandito ka ngayon sa gubat na teritoryo ng Akademya. Dalian mo na!" Nawala ang kabang naramdaman ko kanina ng sabihin nya na mula sya sa Academy.
BINABASA MO ANG
Heroes Academy: Not An Ordinary Girl
FantezieTittle: Heroes Academy: Not an Ordinary Girl Is it really true that she's just a girl? Well... Why don't you find it out. Paalala: "Hindi sa unang kabanata nagsisimula ang tunay na istorya." Language: Tagalog/English Categories: Fan...
