Chapter 17: The Challenge at Forest of Despair (Pt.1)

1.7K 57 14
                                    

Akira's POV 👑

-One Month Later

"This is your last day here in the Last Section. Now, I'm going to challenge you. Para malaman ko kung talagang may bunga ang mga training niyo for 2 months." Naka-ngising sabi saamin ni MT. Wala akong idea kung anong sinasabi ng taong 'to sa harap namin. Kahit ang mga kasama ko ay walang alam.

Nandito na naman kasi sa gitna ng field, habang siya ay naka-hawak pa sa kaniyang bewang habang seryosong nagsasalita. Naka-pang-traning kami na uniform at handa na sa kung ano mang kalokohan ang iniisip ni MT. Eto na ang last day namin dito sa loob, maari na kaming lumabas pagka-tapos ng challenge niya.

"Yosh, lalabas tayo." MT saka siya naglakad papunta sa napaka-laking gate.

"Why?" Nagtatakang tanong ni Neshka. Hindi rin maitago sa mga mukha ng kasama ko ang pagtataka.

"We'll go to the Forest of Despair. Doon gaganapin ang hamon ko sainyo." Lumingon siya sa gawi namin at halata mo ang pagka-seryoso niya sa boses palang.

Napa-tingin ako sa mga kasama ko na parang naka-kita ng multo. Takot, kaba, at alinlangan ang mababasa mo sa mga mukha nila. Lalo akong nagtaka dahil hindi ko pa naman naririnig ang tungkol doon. Magtatanong pa sana ako pero bumukas na ang napaka-laking gate kasabay ng nakabi-binging tunog nito. Sumalubong saamin ang malakas na hangin at ang maaliwalas na tanawin. Bigla namang tumigil sa paglalakad si MT kaya napa-hinto rin kami.

"I'll just teleport all of you there. All you have to do is; kill every forest monster you'll be able to encounter. And this is a tracker watch, 'wag niyong iwa-wala 'yan. Kapag naka-patay na kayo ng mahigit sa 20 agad kayong ilalabas sa forest. At pagka-tapos non feel free to do what you want to, malaya na kayong malalabas pasok mula dito hanggang sa araw ng Level-up Competition. So 'yon lang, handa na ba kayo?" Sinuot na namin agad yung binigay niyang parang bracelet pero may kung ano na hindi ko mapaliwanag. Ah, basta 'yon na yun. Tumango lang kami sa gawi niya.

"Oo nga pala. Hindi kayo mapupunta roon ng magka-kasama. Magkaka-hiwalay kayo ng location na mapupuntahan. Good luck." Walang sabi na tineleport na kami.

-

3rd's Person's POV 👑

Malamig na ihip ng hangin, nakaka-kilabot na tunog na hindi alam kung saan nangga-galing, mabigat na aura na pumapalibot sa buong kagubatan, at napaka-dilim na paligid kahit umaga palang. Dahil 'yon sa nagta-taasang mga puno sa buong kagubatan. Matinding kilabot ang naramdaman ni Akira pag-tapak pa lamang niya dito.

"Anong klaseng lugar ba 'tong pina-puntahan saamin ni MT? Huhu. Katakot naman." Sa isip na lamang nakapag-salita si Akira dahil sa takot na baka may kung anong biglang lumabas sa paligid.

*screeeeech*

Agad na napalingon si Akira sa pinang-galingan ng tunog, isang kahoy na natapakan. Hindi malaman ni Akira ang dapat gawin, ngunit pina-kalma niya ang kaniyang sarili sa loob ng ilang segundo at nag-isip kung ano ang dapat niyang gawin. Mayamaya ay agad siyang tumalon sa taas papunta sa sanga ng mataas na puno. At mula sa taas ay pinagmasdan ni Akira ang paligidi sa baba, ginamit niya ang kaniyang night vision na mata para mas malinaw niya itong makita.

Biglang binalot ng matinding takot si Akira ng makita niya ang isang hindi kapani-paniwalang halimaw sa baba. Hindi niya ito maatim na tingnan dahil sa nakaka-pangilabot at nakaka-diring hitsura nito. Sunod-sunod na nag-datingan ang mga halimaw at tila ba parang may inaamoy o hinahanap. Kumikislap ang purong puti na mga mata, nagla-labasan ang mahahabang mga dila at katawan na maiha-halintulad sa isang halimaw.

 Kumikislap ang purong puti na mga mata, nagla-labasan ang mahahabang mga dila at katawan na maiha-halintulad sa isang halimaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi naman napansin ni Akira ang unti-unting pag-fade ng kulay ng buhok niya. Biglang siyang naka-ramdam ng matinding pagka-pagod na para bang may humihigop ng enerhiya niya at nanlalabo na ang kaniyang paningin. Napasandal na lamang siya sa puno at nanatiling tahimik upang hindi siya mapansin ng mga halimaw sa baba.

Samantala, isang napaka-lakas na enerhiya ngayon ang bumabalot sa buong kagubatan. Napaka-lakas na hindi mo gugustuhing malaman kung sino ba ang nagma-may-ari.

Akira's POV 👑

Hindi ko na kaya. Wala na akong makita, nahihilo na ako, at hindi ko na kaya pang panatilihin ang sarili ko dito sa sanga ng puno. Napa-hawak ako sa ulo ko at pinilit na balansehin ang katawan ko upang hindi mahulog.

Nagulat ako ng mag-labas ng nakaka-takot na tunog ang mga halimaw kaya muntikan na akong mahulog, mabuti nalang at napa-hawak ako sa sanga. Pero naka-lambitin naman ako. Nakuha ko ang mga atensiyon ng halimaw sa baba kaya lalo akong nanginginig habang naka-kapit, lalong humaba ang mga dila nila na tila inaabot ako.

"Tulong! Kung may tao man diyan, pleaseee tuloooong!!" Pagsusumigaw ko sa isipan ko. Isang kamay na lang ang gamit ko sa pagkapit. Wala na akong lakas. Hindi ko na kaya, tumutulo na ang pawis ko pati na rin ang luha ko.

Matinding kaba at takot ngayon ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Isa-isa nang bumibitaw ang mga daliri ko sa pagka-kapit, kahit sugatan na nga ay lalo ko lang hinihigpitan kaya mas lalong huma-hapdi.

Tuluyan ng nag-blurred ang paningin ko kasabay ng pagka-bitaw ko sa pagka-kapit sa sanga. Parang nag-slow mo ang lahat at isa-isa kong naalala ang mga alaala ko kasama sila Fiona. Natawa nalang ako ng ma-realize ko na mamamatay na pala ako.

3rd's Person's POV 👑

Tuluyan ng babagsak si Akira sa kamay ng mga halimaw. Naka-abang na ang mga ito habang naka-labas ang kanilang mga dila. Napaka-dami nilang nag-aabang sa pabagsak na pagkain. Napa-pikit nalang si Akira habang patuloy sa pag-agos ang kaniyang nga luha sa takot.

Ngunit laking gulat ng mga halimaw ng biglang mawala ang kanilang inaabangan na pagkain. Naglaho ito na parang bula. Napa-dilat naman agad ng mata si Akira ng maramdaman niyang may kamay na naka-hawak sakanya.

Isang matipunong lalaki ang may hawak sakanya. Ibinababa siya nito sa malapad na sanga at sinandal sa puno. Umupo ito sa harap niya kaya nakita niya ang napaka-gwapo nitong mukha. Matangos na ilong, medyo singkit na mga mata, medyo makapal na mga kilay, at labing mukhang kay sarap halikan. Iyan lamang ang nasa isip ni Akira habang tinititigan ang isang estrangherong nagligtas sakanya mula sa kamatayan.

Nalimutan na niya ang panghihina ng kaniyang katawan at pati narin ang biglang pagka-ubos ng enerhiya. Naalala niya bigla ang kaniyang buhok ng maalala ang kaniyang enerhiya. Tinignan niya agad ito at laking gulat niya ng makitang bumalik na ito sa tunay nitong kulay. Napa-tingin siya sa lalaking nasa harap niya habang hawak ang kaniyang buhok. Hindi niya na alam ang gagawin niya.

"Who are you?" Nagitla siya ng marining niya ang napaka-lamig na boses mula sa lalaking nasa kaniyang harapan.

---------------*
(A/n: Iyaq na aq wala na aq maisip. Malapit na yung pasukan. Huhu. Hope you enjoy this chapter. Btw, may karugtong po itech. Hakhak.

Vote, Comment and Follow. Thankyou and God bless you all! Iloveyouuuu! 😊

Elle~ ❤

Heroes Academy: Not An Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon