3rd Person's POV 👑
"Kailangan na natin siyang ilagay kung saan siya talagang nararapat." wika ng isang babaeng kakikitaan na ng katandaan.
"Ikaw ang bahala. Ikaw din naman ang may dahilan kung bakit siya naroroon. Hindi ko nga alam kung ano ba talagang balak mo sakanya, eh." Lintanya naman ng babaeng naka-ngalumbaba sa harap niya.
"May pagkakataon na hindi mo talaga kailangang malaman ang isang bagay. Ang masasabi ko lang, eto na ang tamang panahon para sakanya." Naka-ngiti nitong wika sa kaharap niyang hindi na maipinta ang mukha.
"Nilagay mo siya mundong hin—" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng biglang natahi ang kanyang bibig kaya nagdabog ito palabas ng kwarto ng babae.
"At may mga bagay na kinakailangan mong itago na lamang kung iyo itong nalalaman." Seryoso nitong saad habang nakatingin na sa bintana at pinagmamasdan ang magandang tanawin.
Naupo siya sa harap ng isang lamesang maliit kung saan sa gitna nito'y may malaking lalagyanan ng tubig. Mayamaya lang ay mayroon na siyang mga binabanggit na hindi maintindiham at umilaw ang tubig saka lumabas ang imahe ng isang babaeng mahimbing na natutulog.
"Malaya kana, at sa pagkakataong ito ay kina-kailangan mo na talagang mag-ingat." Seryoso nitong saad habang nakatingin sa babae saka nawala rin agad.
Akira's POV 👑
Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman ngayon. Hindi ko maintindihan, masiyado na akong naguguluhan. Lahat na ng tao iniiwasan ko, kahit ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit, parang pakiramdam ko kailangan kong gawin 'yon.
Isang tao lang kinaka-usap lalo na sa ganitong mga pagkakataon, siya lang. Kahit noon ko lamang siya nakilala, parang napaka-tagal ko na siyang kilala. Agad akong bumangon sa hinihigaan ko at nag-ayos ng sarili saka nag-teleport papunta sa lugar kung saan naging komportable ko ng tambayan. Kaya lagi ako nawawala dahil naroon lang ako sa lugar na 'yon. Naka-upo at iniisip ang lahat ng nangyayari saakin ngayon.
Nagulat ako ng madatnan ko siyang naka-higa sa isang sanga na nasa harap ko. Nandito ako ngayon sa mataas na puno rito sa Forest of Despair, tama kayo, nandirito nga ako sa lugar kung saan muntikan na akong mamatay at kung saan ko siya nakilala.
"Psst!" Naka-ngiti kong sitsit sa taong naka-higa sa sanga sa harap ko.
"What?" Natuwa naman ako sa hindi malamang dahilan.
"Ginagawa mo rito?"
"What do you think?"
"Uhh. Naka-higa at nagpapahinga?"
"Exactly."
"Psh. Sungit. Alis nga muna ako." Naiirita na naka-ngiti kong sambit.
Agad akong nag-teleport sa field pero naka-invisible mode ako. Marami akong natutunan noong mga panahon na nawawala ako, dahil nag-eensayo ako mag-isa.
Nagulat ako dahil walang katao-tao sa field. Kahit isang anino ay wala akong namataan. Tanging malakas na hangin lamang ang sumalubong saakin. Tinanggal ko na ang invisibility ko at ginamit ko ang super speed para libutin ang buong academy, pero wala talagang katao-tao, kahit ang kasulok-sulokan nito.
Hindi ko maintindihan pero bigla na lamang ako kinabahan, bumilis ang tibok ng puso ko at parang nahihirapan na akong huminga. Napa-upo nalang ako bigla at napahawak saaking ulo dahil sa sakit. May naririnig akong nagsasalita sa ulo ko pero hindi ko naman maintindihan.
"Ywain" bigla ko na lamang nabanggit saaking isipan habang unti-unti na akong napapa-pikit.
May nakita akonh bulto ng tao sa harap ko at kahit hindi ko ito masiyadong aninag, alam kong siya 'yon. Kahit napaka-labo ng imaheng nasa harapan ko, sigurado ako.
"You need to sleep now. Don't worry, I'm always with you, waiting for your comeback. Always take care, meli." Ito na ata ang pinaka-mahaba niyang sinabi saakin so far. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
—Skip
Sumalubong saakin ang papalubog na araw, at ang pusa na prenteng nakapatong sa dibdib ko habang nakatitig saakin. Purong puti ito at kakaiba ang kulay ng kanyang mga mata, nakaka-hipnotismo ang mga ito.
Nang makita niya atang naka-dilat na ako ay umalis na siya at naglakad paalis na hindi tumitingin saakin. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nagulat ako dahil mukhang pang horror film ang paligid, walang kabuhay-buhay ang paligid, patay ang mga halaman, at malamig na simoy ng hangin. Tinitigan kong mabuti ang lahat at nanlumo ako ng naisip ko na eto ang pinapa-sukan kong eskuwelahan.
"Bilisan mo at kumilos kana riyan. Aalis na tayo sa lugar na 'to. Hindi ito ang totoong paaralan na nararapat mong pasukan. Isa lamang itong gawa sa purong ilusyon." Naguluhan naman ako sa sinabi ng kung sino man 'yon. Hindi ko masiyadong naintindahan at hindi ko rin alam kung sino ang nagsabi 'non.
"Anong ibig mong sabihin? Atsaka sino ka ba at nasaan ka?" Takang-taka kong wika sa kung sino man 'yon.
Nahagip ng mata ko ang pusang naka-upo sa malayo at nakatingin saakin. Ayas ko mang isipin na siya 'yon ay wala naman ng iba pang tao rito maliban saakin at sa pusang 'yon.
"Ako si Silhoueska, pinadala ako para sunduin ka at ihatid sa nararapat mong puntahan. Ang ibig ko namang sabihin tungkol dito, ay sa loob ng ilang buwan mong pamamalagi rito sa mundong ito ay isa lamang ilusyon. Narito ka sa mundong hindi naman totoo. Pero totoong nahasa mo ang iyong mga kakayahan at talagang lumakas ka." Bigla akong nanlumo sa mga pinagsasabi niya.
Hindi ako makapaniwala. Parang ayaw kong tanggapin kung sakaling iyon ang katotohanan.
"Huwag mong sabihin hindi rin totoo ang mga taong nakilala ko rito?" Gulong-gulo ko ng tanong sakanya.
"Parang ganon na nga. Pero malalaman mo rin kapag naka-rating kana sa totoong, Heroes Academy." wika saka tumalikod saakin at dahan-dahan nang naglakad.
Parang nagising na ako sa isang masayang panaginip, panaginip na kung saan ayaw ko ng maulit muli dahil ito'y nagdulot ng matinding sakit. Hindi ko matanggap na ang lahat ng mga nangyari ay isa lamang napaka-gandang panaginip.
–––––––––––––*
(A/n: At last nakapag-update riiiin! Namiss ko kayong lahaaaat! Wooooo! Sana patuloy niyo paring subaybayan. Eto na talaga yung totoo. Hahahahaha. Sama-sama tayong pumunta sa nararapan na lugar para saatin. I love you guyssss!Vote, Comment and Follow!
Thankyou and god bless you all!
~Elle ❤
BINABASA MO ANG
Heroes Academy: Not An Ordinary Girl
FantasíaTittle: Heroes Academy: Not an Ordinary Girl Is it really true that she's just a girl? Well... Why don't you find it out. Paalala: "Hindi sa unang kabanata nagsisimula ang tunay na istorya." Language: Tagalog/English Categories: Fan...