Chapter 8: What happened?

1.9K 66 0
                                    

HM Anihno's POV 👑

Nandito ako ngayon sa bahay. Tinatamad na ako sa office ko eh. Btw, ako nga pala si Anihno Amano bestfriend ko ang mama ni Akira. And to assure you abnormal yung babaeng yon.

Naramdaman kong parang may gustong kumonekta saakin kaya pinakonekta ko na.

'HM!! *panting* Merong mga... Ha.. Ha.. Taga-dark academy ang.. Nakapasok sa academy.. Ha.. Ha..' Sabi ng estudyante ko saakin. Nagulat ako sa sinabi nya. May nakapasok! Sila Akira! Nako lagot ako kay Rossette pag nagkataon.

Agad akong nag-teleport papunta sa nararamdaman kong gulo. Dinala ako neto sa field. Nakaka-gimbal na senaryo ang sumalubong saakin. Si Zyra na napapaluputan ng matinik na baging na may lason. Si Allison na nangingitim ang hita na paniguradong dahil sa lason at may mga dugo sa paligid niya. Si Fiona na nasa lapag at may dugo din. Agad hinanap ng mata ko si Akira. Nakita ko agad siya

Naka-yuko lamang siya. Tinignan ko ang paligid at nakita ko naman ang isang babaeng may cloak na pula na may mga baging ding nakapulupot sakanya. At dalawang babaeng may kulay pulang cloak na nakalutang sa ere. Ang Poison Sisters. Nanggugulo nanaman sila.

3rd Person's POV

Nagulat ang lahat sa pagdating ng kanilang Headmaster, salubong ang kilay nito at naka-tingin sa hindi imbitadong mga bisita. Ramdam ang galit sa mga mata dahil sa mga nanggulo. Ngumisi lamang ang dalawa sa HM na parang naghahamon.

Lalong naasar ang HM sa inasta ng dalawa kaya nagtaka ang lahat sa biglang pagtaas ng kanyang kamay sa ere at dahan dahan itong kinumpas. Gulat ang lahat ng makitang tumalsik ang dalawang babae at bumagsak ang mga ito sa lupa.

Iyon ang unang beses na nakita nilang kumilos ang HM para makipag-laban. Seismic Burst ang ginamit ng HM doon sa mga kalaban. May kakayahan ang ability na 'yon magpalabas ng shock wave sa isang kumpas lamang ng kamay, maari nitong patalsikin ang sino man o kung ano man dahil sa lakas nito.

"Hindi ko gusto ang mga pagmumukha ninyo dito sa loob ng teritoryo ko. Dahil unang-una hindi ko kayo inimbita. Maari na kayong umalis dito, bago pa magbago ang isip ko." Seryoso at ma-awtoridad na sabi ng HM.

Agad namang tumayo ang dalawa kahit na medyo nanghihina dahil sa natanggap na atake. Masamang tingin ang ipinukol ng dalawa sa HM atsaka nangaasar na ngisi ang ipinakita nito.

"Matapos ng ginawa mo saamin?! Akala mo ganon-ganon lang 'yon. Ha! Nagkakamali ka!" Nangaasar na sabi ni Venom kay Anihno.

Lalong naasar ang Head sa inasta ng bata, ngunit pinakalma na lamang niya ang sarili, upang pigilan ang maari niyang magawa sa mga bata. Pumikit na lamang ng dahan-dahan at humawak sa sintido niya.

"Aaaaahhh!! Ackk—" Gulat na napatingin ang lahat sa pinanggalingan ng sigaw na iyon.

Isang istudyante ang nakalutang sa ere habang hawak ang leeg na para siyang sinasakal. Maluha-luha na ito at namumutla na.

"HAHAHAHAHAHA! GANITO BA KAHINA ANG MGA TAO DITO?! MGA WALANG KWENTA!" SI Levi habang naka-taas ang kamay sa ere. Siya ang sumasakal sa isang student gamit ang ability niya.

"Tigilan mo na iyan." Isang mahina ngunit may awtoridad na boses ang narinig ng lahat. Si Akira, naka-yuko lamang ito at hindi mo makikita ang kanyang ekspresiyon pero ramdam mo sa kanyang awra ang galit.

Agad binitawan ni Levi ang sakal-sakal niyang student at bumagsak ito sa lupa na agad umubo ng dugo. Walang gusto lumapit dahil sa hina ng loob na taglay. Biglang tumawa ng mala-demonyo si Levi sa narinig. Isang nangaasar na tawa. Wari'y sinasabi kay Akira na isang napakalaking biro ang kanyang binatid.

Heroes Academy: Not An Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon