Chapter three

10.7K 321 10
                                    


"Anak,may alam ka ba,kung bakit nagpalipat ng ospital ang kapatid mo?"

Pinuntahan siya ng nanay niya sa opisina,alam na niya ang sadya nito. Nakakaramdam na rin siguro ito ng kakaiba tungkol sa kakambal niya.

"Why don't you ask him,mom? I'm sure he will tell you" nagpailing iling ang Ina.

"How can I do that,anak? Palagi siyang wala o hindi kaya ay abala,sa tuwing tinatawagan ko ay palaging unattended ang kanyang mobile,sa ospital naman ay sinasabi na busy pa rin daw ito,pwede bang kausapin mo ang kapatid mo? Hindi ko na siya napagkikikita,,kahit si Una ay naghahanap na din sa kanya"

Parang stress na stress ang mommy niya,naawa tuloy siya dito. Kung ano ano na naman kasi ang pinagkakaabalahan ng baliw na yon e.

"Sige,mom,I'll talk to him" gumaan ang aura ng kanyang ina sa sinabi niya.

Everything for his mom.

"Thank you,anak,ang bait mo talaga at napakamaunawain pa" umikot ito sa kanyang lamesa upang yakapin siya ng sobrang higpit,may kasama pang kurot sa pisngi.

"Mom! Don't do that again,,I'm not a kid anymore!" Hinimas niya ang pisngi na nasaktan.

"But,darling,you are still my baby"

"Mom,naman! Kapag narinig ka ni daddy,ako na naman pag iinitan non e,gurang na nga,napaka seloso pa rin,lalo na kapag nilalambing mo ako" napapailing iling siya ng maalala ang ama.

Sa tatay yata nila nagmana ng pagiging siraulo ang kakambal niya.

"Hayaan mo na iyong tatay mong tanga at bobo,,,namimiss ko na kasi kayo noong mga bata kayo,,lalo na ikaw,,,ikaw ang pinaka kakaiba sa niyong magkakapatid"

Napangiwi siya.

"Yeah,,,kakaiba talaga ako,,ako lang naman ang mataba sa aming anim noong bata pa kami,,,,"

"At ikaw din ang pinakamadaldal at pinaka balahura ang bibig,kung kanino mo iyan namana" pagtutuloy pa ng mommy niya.

Ngumisi na siya sa pahayag ng ina na iyon tungkol sa kanya.

"Kay Lolo?" Patanong niyang sagot sa ina.

"Hindi,anak,sa tingin ko,natural mo na yan,,snob ang Lolo mo,,mabait naman ang mga lola mo,ang tatay nyo naman,tanga lang at bobo pero tahimik na tao,,malabo naman na sa akin ka nagmana kasi matino ako,,ako lang ang matino sa pamilya natin" binuntutan pa iyon ng nanay niya ng mahinang tawa. Yumakap siya dito,he feel safe when his mom is around. Pinapagaan nito ang kanyang pakiramdam sa tuwing may mabigat siyang dinadala.

"Thank you mom,,you are the best mom in the whole wide world,,and I love you so much"

Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagkabata,iyong kapag may nambubully sa kanya. Pinapatulan niya at kapag siya na ang nakakasakit ay tatakbo siya sa mommy niya at doon magsusumbong. Kahit minsan siya ang may kasalanan,siya oa rin ang kinakampihan nito.

Sabi ni Ruzzo noong mga bata pa kami,kapag nag aaway kami,ako daw ang paborito ni mommy. Palagi kasi itong napapagalitan,kasi naman mahilig manakit si Ruzzo. Kahit nga babae,sinasapak non e,I remember one time,grade three kami. May sinabunutan iyong classmate namin,nainis daw siya e,ang arte nong babae.

Kaya ayon,grounded siya,nagalit si daddy at mommy sa kanya. Ako naman,mabait ako,kumain lang ako ng cookies na baked ni Lola Dolor.

"Hay nako,ang baby ko,naglalambing na naman"

"Honey!?" Sabay pa silang napatingin sa boses na iyon ng kanyang ama.

"Hi dad" kumaway siya dito ng isara nito ang pinto ng opisina niya.

Reeve Sanders Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon