Rain, rain don't go away
Come again another day.
Rain, rain don't go away
Little Dada wants to watch.Rain, rain don't go away
Come again another day.
Rain, rain don't go away
Little Dada wants to watch."Oy Dada,anong emote yan?" Hindi niya nilingon ang kanyang roommate na si Silver.
Nakapangalumbaba lang siya sa tapat ng bintanang gawa sa salamin. Maulan at hindi niya mawari sa sarili kung bakit gustong gusto niyang pinagmamasdan ang ulan. Bata palang siya ay nakasanayan na niya iyon.
Noon,imbes na malungkot dahil maulan at hindi siya makakapaglaro sa labas ay naging masaya nalang siya sa panonood ng ulan.
Nadala niya iyon mula pagkabata hanggang ngayon na matanda na siya.
"I'm just watching the rain,it feels so nice and calming" sagot niya dito na hindi manlang ito nililingon.
"Hay nako,ayan ka naman sa ulan moment mo,dinaig mo pa iyong mga nabroken hearted na nag eemo" napangiti ako ng lihim.
"Hayaan mo na nga ako,this is the only moment that I could find solitude and freedom"
She started to draw heart shapes on the glass,on the cold moist.
"I know,girl,pero di ba may work ka today,,may presentation ka pa next week" napabuntong hininga ako.
Magiging abala na naman ako nito sa mga susunod na araw.
Napabuntong hininga siya,muling pinagmasdan ang pagpatak ng ulan mula sa labas bago tuluyan tumayo sa kinauupuan.
"Hay,life is full of uncertainty,,but I love living,do you,Silver?" Nakangiti na siya ng humarap sa roommate niya,kumunot naman ang noo nito.
"You are really something,Dada" napapailing na tinalikuran siya nito.
Siya naman nagsimula ng maghanda sa kanyang pagpasok sa trabaho.
Ilang buwan palang siya sa trabaho niya,nag enjoy naman siya. This is the something that she was looking for in her life,so far,so good naman.
At iyon si Silver na roommate niya ay dito lang din niya nakilala. Mabait naman ito at nakukuha na din nito ang kanyang weirdo na ugali.
Sa trabaho niya ito talaga nakikilala ng magpaskil siya ng note sa IAB,she was looking for a place to rent that time. Bago palang siya sa bansang ito,wala pang masyadong kakilala. Nagkataon naman na bakante na ang isang room sa apartment ni Silver. Umalis na ang dati nitong roommate ng ipalipat daw sa ibang bansa dahil sa promotion nito.
That is where it all started,few months ago.
Mas mataas ang katungkulan ni Silver kaysa sa kanya,matagal na din kasi itong nagtatrabaho sa kompanyang iyon. Masasabi niyang magaling ito sa trabaho nito,kaya humahanga siya dito ng sobra.
Pero magkaiba sila ng departamentong pinagtatrabahuhan.
Magkaedad lamang sila,pero madami na itong achievements na nakamit sa buhay. Hindi tulad niya na bago pa lamang tinatahak ang totoong buhay sa sarili niyang sikap.
Nakahanda na siya ng lumabas sa kanyang silid,inabot ang cover all coat niya mula sa coat stand nila na nasa katabi lamang ng pinto. It's Autumn pero maulan ngayong araw,kaya mas malamig sa pangkaraniwang araw tuwing Autumn.
At dahil may oras pa siya,makakapaglakad pa siya sa ulanan. Napangiti na naman siyang muli,nakablack leather boots siya. Water proof naman iyon kaya okay lang na maulanan.
Twenty minutes ang layo ng opisina sa apartment nila,kung lalakarin,at five minutes naman kung naka sasakyan.
"Sumabay ka na sa akin,umuulan pa rin" mula sa kusina ay lumabas si Silver na may hawak na tasa na siguradong kape.