Pumikit ito ng mariin,alam niyang ayaw na nitong marinig pa ang katagang iyon. Marahil nga ay naumay na ito sa mga paghingi niya ng tawad ng paulit ulit.
"Please tama na,sawang sawa na akong marinig ang mga sorry mo" akmang tatalikuran siya nito ng maagap niyang sinapo ang mukha nito.
"Don't please..I know I've asked too much from you already,pakinggan mo muna ang mga paliwanag ko,please,love" pumikit ito at napabuntong hininga ng malalim.
And again,I made him weak.
"Iiwan mo na naman ba ako?" Umiling siya kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.
Nasabi na niya sa sarili na hindi siya iiyak para lang kaawaan nito. Pero heto at lumuluha na naman siya sa harap nito. Nasasaktan dahil alam niya sa sarili na siya ang nagdudulot ng sakit dito.
"No..no,I won't"
She don't know where to start,she's afraid that anything she say would make their situation worse.
Life without him seemed pretty grim every waking morning of her life,then. She don't want to wake up another morning without him by her side.
She don't wanna be alone again.
"I knew even before that something is not right,I didn't pushed you to tell me every time I asked why,kasi ayokong pilitin ka,naniniwala kasi ako na isang ay lalapit ka sa akin para sabihin ang mga dahilan mo,pero dumaan na ang isang dekada,nagkaanak na tayo at ikakasal na tayo pero wala pa rin,I don't like to assume dahil ayaw kong husgahan ka,I trust you kahit may mga doubts na sa puso ko kasi nga mahal kita and that love I'm sure will never fade"
Hindi na niya ito napigilan ng kumawala ito sa kanyang pagkakahawak. Nanghihina siyang pinagmasdan na lamang ito na napapagod na umupo sa mahabang sofa. Nakatukod ang dalawang siko sa mga hita nito habang nakatakip ang mga kamay sa mukha. Para itong basang sisiw na lulugo lugo,bigong bigo ang itsura nito.
Sinundan niya ito,nakatayo siya sa harapan nito ng tanggalin nito ang mga kamay sa nakatabing sa gwapo nitong mukha. Lumuhod siya sa harapan nito,humakbang siya ng dalawang beses ng nakaluhod.
Sa pagitan ng mga biyas nito,hinuli ng mga kamay niya ang mga pisngi nito. Malungkot ang mga mata nito na tumitig sa akin.
"Love,sa loob ng mga taon na lumipas,ikaw lamang ang tanging naging lakas ko para mabuhay muli,ikaw iyong naging inspirasyon ko upang lumaban sa buhay na unti unting kinikuha sa akin,I'm sorry kung sinarili ko ang bigat sa puso ko na hindi ka makasama habang lumalaban ako para mabuhay..."
"What do you mean? Darlene?" Bakas ang pagtataka sa tinig nito at sa mga mata nito.
Kahit nahihirapan na muling magsalita ay pinilit niya.
"May heart defect ako since bi..."
"Oh Jesus! Love? Nagbibiro ka lang hindi ba?" Kinagat niya ang pang ibabang labi at umiling ng paulit ulit.
"I wish I am,para sana hindi ko na kinailangan pang iwanan ka ng mga panahon na sana nasa tabi mo ako at ng ating anak"
Ito naman ang sumapo sa kanyang mukha,nababanaag sa mga mata nito ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Niyakap siya nito ng sobrang higpit at halos hindi na siya makahinga.
"Why didn't you tell me?" Tanong nito ng pakawalan siya at pinagmasdan ang kanyang kabuuan na waring may sinusuri.
"Natatakot ako na iwanan mo kapag nalaman mo ang lagay ko.."
"No! I would never do that to you" umiling ako.
"You don't understand.." kontra ko dito.
"No,love,ikaw ang hindi ako naiintindihan,kung alam ko lang na may ganon,hindi na ako pumayag na malayo ka pa sa akin,hinding hindi ako papayag" pinahid nito ang kanyang mga luha na umaagos "tahan na,Mahal ko"