Chapter twelve

7.2K 256 28
                                        

Katatapos lang nila mag usap ng kapatid niya,parang may narinig siyang ingay mula sa labas. Hindi niya sigurado kung sa may unit nga niya iyon,he have that urged to check.

After he walked Vitoria in her hotel,he went straight to his apartment. It was not far,not near too,but he managed. He needed time to think and to be alone too,it was a very toxicating night for him.

Nang buksan niya ang pinto ay wala naman siyang nakitang tao sa labas. Isasarado na sana niya ang pinto ng makarinig siya ng mahihinang paghikbi.

Muli niyang iginala ang paningin,wala talaga. Lumabas siya sa may pintuan,tinalunton ang daan patungo sa may elevator. Napansin niya ang fire exit na nakaawang ng konti,tinungo niya ang direksyon.

Napatda siya ng may makitang babae na umiiyak,pero mas lalo siyang napatda ng mapagsino iyon. Nakaupo ito sa unang baitang ng hagdanan,sa tabi nito ay ang maayos na pagkakahilera ng black boots nito. Nakatukod ang mga siko nito sa hita,ang mga palad ay nakatakip sa mukha nito.

Marahas siyang napabuntong hininga,nilapitan niya ito.

Walang kaabaog abog na pinangko niya ito sa kanyang mga braso. Nagulat ito pero saglit lang,ikinilong nito ang mukha nito sa kanyang dibdib at mahigpit na kumapit sa kanyang leeg.

Yumuko siya upang abutin ang boots nito.

Diretso siyang naglakad sa hallway hanggang sa makapasok na siya sa apartment niya. Ibinababa niya ito sa kama niya,hinubad niya ang suot nitong fur coat. Naiwan ang suot nitong bestida,napansin niya na hindi ito komportable.

"Huwag mo akong iwan" hinila nito ang braso niya,kukuha na sana siya ng damit na pamalit nito.

"Kukuha lang ako ng pamalit mo" saka palang siya nito pinakawalan.

Napapailing siya habang kumukuha ng damit para dito. Ang dami na naman pumapasok sa kanyang isipan ng mga oras na iyon.

Bumalik siya kaagad dala ang damit,nakainom ito,amoy pa niya ang alak mula dito. Nagtataka siya kung bakit ito nagtungo sa kanya,gayong mukha naman itong okay kanina.

Hinubad niya ang mga saplot nito,wala siyang itinira kahit ano. Walang halong pagnanasa na binihisan niya ito,inayos din niya ang pagkakahiga nito sa kama. Napansin niya ang napaka pula nitong mga paa,para ng malalapnos ang hinliliit nito.

Nang hawakan niya iyon ay dumaing ito,napamura siya ng palihim.

Muli niya itong iniwan,nagtungo siya sa bathroom upang kumuha ng ointment na ilalagay sa mga paa nito.

Dahan dahan ang ginawa niyang pagpahid ng ointment sa bahagi ng paa nito na alam niyang masasaktan ito. Nang matapos na ay kinumutan niya ito,ginawaran ng halik sa noo bago ito iniwan upang magpalit ng sariling damit.

Naguguluhan na naman siya,pero wala siyang magawa. Hindi niya ito basta kayang talikuran kahit ilang beses pa siya nitong iniwan at sinaktan.

"Love!" Narinig niya ang pagtawag nito mula sa labas ng banyo. Dali dali siyang lumabas upang tingnan kung ano ang nangyari dito. Kinakabahan siya,pero ang kaba niya ay nawala,napalitan iyon ng pagkahabag.

Lumuluha ito na nakaupo sa kama,nilapitan niya ito upang aluin.

"What happened love?" Masuyong tanong niya dito.

Yumakap ito sa kanya.

"Akala ko,iniwan mo na ako" muling tumulo ang mga luha nito.

Ayaw man niyang magpaapekto ay wala siyang kapangyarihan upang balewalain nalang ito.

He never have.

"Hush,I'm not leaving you,you knew that" pinipilit ko itong mahiga muli pero may takot siyang nababanaag sa maganda at maamong mukha nito.

Reeve Sanders Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon