Mataman niyang pinagmamasdan ang malalaking alon na humahampas sa malalaking bato sa may dalampasigan. Napaka delikado nitong tingnan at nasisiguro niyang hindi iyon ligtas.
Mula sa kinaroroonan niyang bahay bakasyunan ay maririnig ang malakas na hampas ng mga alon. Maririnig din ang ingay ng mga seagulls,malakas din ang ihip ng hangin kahit mataas ang sikat ng araw.
Dito siya napadpad sa bahay bakasyunan na pag aari ng Lolo ni Janna,ang girlfriend ng kakambal niya.
One time na nagkausap sila ng kakambal ay nabanggit nito na patungo nga ang mga ito dito upang bisitahin ang ama ni Janna. Dito na daw kasi mas piniling manirahan ng ama nito,na binibisita madalas ng kapatid ni Janna na dito na sa America nakabase.
He don't know where to go yet,he can be in the Philippines,his mom will worry again. He don't want to see his mom looking at him with those lonely eyes,as if he was the most pitiful person in the world.
"It's too windy out here,come inside" he heard Janna's voice on his back.
Nang hindi siya nagpatinag ay napilitan siyang sumunod dito dahil sa paghila nito sa braso niya.
"You are stubborn" sita nito ng isara ang pinto at nilock iyon.
"Have a seat" pinaupo siya nito sa stool na gawa sa kahoy,pagkatapos ay inabutan siya nito ng tasa na may mainit na tsaa.
Nakakunot ang noo niya na pinagmasdan ito ng may pagka mangha.
"What do I need the tea for?" He asked in amazement.
"That's chamomile tea,para kumalma ka naman,you need a rest,you a had long flight yesterday,,puro buntong hininga nalang ang naririnig ko sayo e" ngumiti ito sa kanya bago tumalikod.
Sometimes,naisip niya na maswerte ang kakambal niya kay Janna. This girl is everything,she have everything a man could have ask for.
Beauty,brain and wealth.
But she remain grounded,siguro dahil na rin sa sa mga pinagdaanan nito sa buhay. Sa sarili nitong pamilya at sa kamay na rin ng sarili niyang kapatid.
Nang malaman niya ang ginawa dito ng kakambal niya ay talagang nagalit siya sa kapatid niya. Sinadya niyang ipakita dito na may gusto siya kay Janna upang tingnan kung ano nararamdaman nito para sa babae. Hindi siya nagkamali,Ruzzo the psycho is in deep shit.
Sa mga pinaggagawa nitong katarantaduhan kay Janna ay nahulog pa ang puso nito dito. Janna on the other hand,fell for his brother too,kahit pa hindi maganda ang naging trato nito sa kanya.
"Baby,Victor is hungry,,nagwawala na naman,,baka atakihin sa puso ang daddy mo sa katigasan ng ulo ng anak natin" out of nowhere,his brother appeared. Nilapitan nito si Janna,hinapit ang bewang at hinalikan sa noo.
Halata sa mukha nito ang saya habang nagkukwento kay Janna ng ginagawa ni Victor.
Nag iwas kaagad siya ng tingin sa mga ito,he misses his lady love,may kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib.
Masakit pa rin."E di sana kinuha mo kay daddy,,Ruzzo ha,para-paraan mo na naman," dinig niya ang mahinang pagtawag ng kapatid niya "umayos ka nga,andito ang kapatid mo" muli na naman itong tumawa na parang kinikiliti ang kanyang kapatid.
Ibang iba na ito kumpara noon,mas showy na ito ng nararamdaman ngayon. Janna made his brother a real human being,their whole family are very happy for both of them.
"Tsk,,,hayaan mo yan,broken hearted lang yan,baby,he wouldn't mind" napapailing siya sa sinabi ng kakambal.
Tatalikuran na sana niya ang mga ito ng pigilan siya ni Ruzzo niya.
