"Good morning,love" isang matamis na halik ang sumalubong sa akin ng magmulat ang aking mga mata.
Ipinulupot ko ang aking mga braso sa leeg nito.
"Morning,love" bati ko dito.
Nakangiti ako habang pinaglalaruan nito ang tungki ng ilong ko gamit ang labi at ngipin nito na kinakagat kagat ang ilong ko.
Gaano na ba sila katagal magkasama ngayon? Two weeks? Hindi na niya mabilang. Tumigil na siya sa pagbibilang ng mga araw sa tuwing magkasama sila. Being with him is always fun,he always make her happy,content and love.
Wala na talaga siyang mahihilang pa sa lalaking nagpupuno sa lahat ng kanyang kakulangan. Sa lalaking pinangarap ng maraming babae pero siya ang babaeng pinangarap nitong makasama,habang buhay.
Kung iisipin ko ang mga ginawa ko noon ay masasabi ko sa sarili ko na ang tanga tanga ko. I let go of the person who cared and loved me for every shortcomings I did. And I'm so stupid for hurting him countless of times dahil sa mga takot na nakatanim sa aking puso at isipan ko.
Kailangan pang iwan ako nito bago ko pa marealized ang mga pagkakamali ko.
Kaya hindi ko na ito iiwan pa,habang ako ay nabubuhay sa mundong ibabaw.
"Aww!" Napasigaw ako sa sakit na naramdaman.
"Penny for your thoughts,Darlene Sanders" sinamaan ko ito ng tingin.
"It hurts!" Singhal ko dito,pero ang loko,kinagat kagat na naman ang pang ibabang labi ko.
I wanted to hit him,pero hawak nito ang dalawang kamay ko sa itaas ng aking ulo. Nasa ibabaw ito ng aking katawan na nababalutan ng comforter. Walang milagrong nangyari kagabi,pareho kaming pagod sa trabaho.
We just cuddled until we fell asleep last night and it felt so right.
"Ang lambot ng labi mo,nakakagigil" ngumisi ito.
"Isa! Reeve,masakit na e,kagabi mo pa pinanggigigilan ang labi ko,namamaga na tuloy yan"
"Okay lang yan,love,para hindi mo na kailangan ang gumamit ng lipstick,ang pula na oh,natural na natural,,ang sarap pa,,"ngumisi na naman ito "paghalik pa nga" maagap ako umiwas,ang sira ulo nahuli kaagad ang aking mukha gamit ang isang kamay nitong malaya,tuwang tuwa pa talaga ito.
"Para kang bata,Reeve" pilit niyang suway dito.
"Bata pa naman ako ah" leeg ko naman ang pinapapak nito.
"Bata ka dyan,thirty ka na soon" pinandilatan ako nito ng mga mata.
"E ikaw naman gurang na" napamaang ako "pero ikaw pa rin ang pinaka sa lahat para sa akin,pinaka maganda,pinaka mabait,pinaka matalino,pinaka childish" he chuckles "pinaka masungit" muli na naman itong tumawa "pinaka paasa" Sinamaan ko ito ng tingin "pero syempre,kahit may mga ganon kang katangian,ikaw pa rin iyong babaeng pinaka mamahal ko ng sobra sobra pa sa buhay ko,,kaya gurang kong pinaka mamahal,mahal na mahal kita,kahit mauuna kang tumanda sa akin"
"Siraulo!"
Tawang tawa ito na parang tanga,hanggang sa pinakawalan na ako nito.
Sa inis ko dito ay dinambahan ko ito at kinagat ang tenga nito.
"Aray! Gurang!"
Lalayo na sana ako pero nahuli nito ang aking katawan,gumulong gulong kami sa kama.
"Huli ka,gurang" humagalpak ito ng tawa ng muli ako nitong kubabawan at nahuling muli ang aking mga kamay sa likod.
Nakadapa ako sa kama,ang mga kamay ay nasa aking likod na hawak nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/97057169-288-k523222.jpg)