A/N: Hi kay FLUFFYPRINCESS na masipag magvote.. hahaha! Here we go..
Veronica's POV
Hayss, ngayon na yung Contest..
I arrived in school just in time.. Dumiretso muna ako dun sa locker ko para ilagay yung damit ko para mamaya.. Baka kung ano na naman ang gawin ng ng iba ee.. -__-
Pagkatapos ko dun ay pumunta na ko sa classroom at dun ko nakita ang buong barkada..
"Oh ayan na pala yung isa!" sigaw ni Janess nang makita ako..
Bakit kaya?
Ah baka tungkol dun sa kahapon.. Hahaha.. Lumapit na ko sa kanila...
"Oh anong meron?" tanong ko sa kanila..
"Samin wala! Ee sainyo? Meron ba?" tanong ni Cherice.. Imba talaga to ee.. Daig pa host ng talk show kung makapagtanong... Hahaha..
"Wala nga! Kulet din ng lahi nyo ee! Kanina nyo pa ko tinatanong nyan!" sigaw ni Ren..
"Ee di naman ikaw yung tinatanong namin ee! Feeler neto!" sabi ni Janess.. "So back to the question.. Ano na?"
"Wala! Wala as in!" sabi ko
"Ahh talaga lang ha! Lihim namin kayong sinundan ni Cherice kahapon" sabi ni Lance
"Oo nga alam namin.." sabi ni Ren
"Ayun nung sinun-- Teka alam nyo?!" ang benta ng reaksyon ni Lance.. hahaha! ;)
"Ako lang ang may alam kasi manhid yung kasama ko.. Kung di ko pa sinabi, di pa nya nalaman" sabi ni Ren
"Hahaha.. Oo kaya nga tinagalan ni Ren ang pamimili ee! Kaso ayun as usual, di pa rin kayo nagpatinag!" sabi ko
"Kaya ayun, pinagtripan namin kayo!" sabi ni Ren
"Sinakyan lang namin trip nyo no! Apir!" sabi ko kay Ren at nag-apir nga kami.. Ang mga itsura nina Lance.. o_O
"What the hell?!" sabi ni Cherice.. Tumawa na lang kami ni Ren...
"Ahh pinatripan pala ha! Mga siraulo kayo ee kung batukan ko kayo dyan!" sabi ni Lance kaya natahimik kami ni Ren.. Sadista yan ee! >.<
"Yuko!!!!" sigaw nya kaya ayun sumunod kami at binatukan nya kami.. Ang sakit kaya! Tinawanan lang naman kami nung iba.. Lesheng mga kaibigan to.. -__-
"Aww!" sigaw ko
"Aray!" reklamo ni Ren, pareho kaming napahawak sa ulo namin..
"Yan magtanda na kayo! Leshe to!" sabi nya
"Yan kasi! Hahaha!" pang-aasar ni Patrick
"Ano Patrick gusto mo din?" tanong ni Lance
"Sabi ko nga ee, tatahimik na ee!" tas umakto sya na zinip nya yung bibig nya.. Takot rin pala to ee!
Ren's POV
Matapos ang batukan este usapan... Hahaha...
Nagkayayaan na mag-foodtrip muna..
Yan lang naman ang bonding ng barkada..
So ayun pumunta kami dun sa corridor na puno ng mga stall ng mga pagkain...
Yung mga babae, diretso sa "Waffle House".. Tsk, paborito nila ata yan ee..
Kami naman pumunta kami dun sa "Spicy Tuna Pie".. Mukhang masarap ee... Hahaha.. Bumili kaming 4 tas nagsimula na kaming kumain..
Kala ko mild lang yun pala SUPER anghang!!! Namumula na yung mukha ni Patrick..
"Gu-guyss tu-tubig" sabi nya.. Katulad rin pala to ni Cherice.. Mahina sa maanghang...
BINABASA MO ANG
Loving Secretly [Completed]
RomancePaano kung ang taong mahal mo noon at hanggang ngayon... ay mahal ka rin pala... pero sa oras na sinabi nya sayo ang lahat ng mga dahilan... Ay napakagulo ng lahat.... Anong gagawin mo? (based on true facts XD) Date Started: February 4,2014 Date End...