CHAPTER 42: Messed Up

888 15 1
                                    

A/N: Hello! Maiksi lang to pero very heavy & pasabog! XD Here we go...

Kendrick's POV

Kung akala nyo, perfect ang lahat-lahat.. At sayang-saya kami sa mga nangyayare..

Well, nagkakamali kayo..

Nangyare to 2 weeks ago.. Ganto kase yun..

~Flashback~

Nagkayayaan kaming boys na pumunta kina RC.. Well, di pa kase kami nakakapunta dun..

So ayun, after class pumunta na kami sa bahay nila..

Katulad ng ini-expect ko, mansyon ang bahay nila...

Sinalubong kami ng sandamakmak na guards at maids.. Grabe nman dito!

Umakyat kami sa kwarto nya.. At daig pa ang babae sa linis.. At yung kwarto nya parang sala na namin.. Di ko inakala na ganto sila kayaman..

++++++++++++++++++++++++++++

Nagkwentuhan lng kami at yung kwentuhan na yun, napunta sa topic about girls...

"Ikaw RC, anong type mong babae?" tanong ni Jerome..

"Syempre maganda, maganda boses, mabaet, cute at Chinita" sagot nya..

"May type ka ba sa barkada?" tanong ni Patrick...

"Oo naman!" sagot ni RC..

"Sino?" tanong ko.. Syempre, baka si Janess ko yung tinutukoy nya.. Ayoko nga maagawan!

"Si....." he paused...

"Si Lance?" tanong ni Ren... Umiling si RC. Patay! Ibig sabihin isa sa 3.. Ee lahat yun may ka-M.U. na at si Janess, GF ko na!

"Sino nga?!" tanong ko..

"Si Veronica" I sighed in relief.. Pero si Ren, he look so d*mn mad!

"Seryoso?" tanong ni Ren.. Yung tingin ni Ren, parang anytime makakapatay na..

Etong si RC, parang mas lalo pang gusto asarin si Ren. Nag-smirk sya..

"Bakit? Anong masama dun? Di pa kayo diba? You're just courting her kaya wala kang karapatan na bakuran sya!" sigaw ni RC..

"She's mine!" sabi ni Ren

"Talaga?! Wehh?! Bakit may pangalan mo?!" pang-aasar ni RC..

Susuntukin na sana ni Ren si RC pero pumagitna ako sa kanila.. Habang si Patrick nakahawak kay RC at si Jerome naman kay Ren.. Mukhang onti na lang talaga.. Magkakasakitan na lang tong dalawang to! -.-

"Wala kang alam sa pinagdaanan namin!" sigaw ni RC.. Buti na lang sound-proof tong kwarto ni RC kundi baka narinig na kami..

"Alam ko ang lahat ng tungkol sa mga nangyare sa inyo! Kahit ang pinakamaliit na detalye! Alam ko" sagot naman ni RC.. Ano?! Alam nya?!

"Pa-pano?" mahinahong sabi ni Ren.. Alam kong kahit sya nagulat dahil alam ni RC ang lahat..

"Malalaman nyo rin balang araw" sabi ni RC..

"Mahal ko si Veronica!" sabi ni Ren..

"Pero di mo sya pag-aari.. Di ikaw ang magsasabi kung kayo talaga.. Tandaan mo Ren.. Pwede kang paglaruan ng tadhana pero di mo sya kayang kalabanin.. At AKO ang TADHANA Ren.." sabi ni RC..

Nakatingin lang kami sa kanya.. Ibang-iba yung RC na kaharap namin ngayon kaysa sa RC na kinaibigan namin noon..

He's totally different..

"Mabuti pa umalis na kayo.. Baka umabot pa sa sakitan tong usapan na to!" sabi ni RC samin..

Aalis na sana kami kaso si Ren, nagsalita..

"Di ko hahayaang mapunta sayo si Veronica, RC.. Walang kaibi-kaibigan pagdating sa kanya.. Handa akong kalabanin ang tadhana para sa kanya.."

"Try me then.. Tandaan mo tong araw na to, Ren.. I warned you..Better prepare, cause DESTINY will ruin your lives..." sagot ni RC..

Umalis na kami sa bahay nila...

Sinabi namin kina Cherice, Janess at Lance lahat.. Minus the drama, yung muntik magsuntukan at yung totoong RC na nakaharap namin...

~End of Flashback~

Nakakagulat?? Oo, kahit kami nagulat!

Di ko inaakala na yung taong hinayaan naming pumasok sa buhay namin ang taong muling gugulo rito...

Kung napansin nyo na lagi naming tinitignan si Ren... Well, that's because of this.. Tinitignan lang namin kung kaya nyang pagtimpian si RC.. Kase walang alam ang girls lalong-lalo na si Veronica...

Ayaw nyang ma-disappoint ang mga to pag nakilala nila ang totoo RC..

Akala ko RC is the 'Good Boy' but its the other way around....

Kase dahil sa kanya... All of the things and all of our lives are now MESSED UP...

_____________________________________

Oh ayan @inspirit_writer, buong Chap, POV ni Kendrick.. Hahaha! XD

So ayan, nakilala na natin ang tunay na RC..

Bale, intro pa lang uli to sa 2nd conflict.. Di pa talaga eto lahat...

Thanks for 1.6k reads!

Saranghae~! Byee!

OUT~!

P.S. Baka walang UD tom! Gagala si Author! XD Kaya ako nag-Double UD! :))

P.P.S. Prepare for RaNica invasion!! XD

Loving Secretly [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon