CHAPTER 53: Truths About RC

1K 16 0
                                    

A/N: Hey dur! Eto na yung kalahati sa mga sikreto ni RC! Here we go...

Tristan's POV

Ako si Tristan Franco Villamor.. Gangster na kaibigan ni RC.. Nagkakilala kami ni RC sa kakaibang paraan..

15 ako nun.. Hindi pa ko ganto, hindi pa ko ganto katapang.. Di ko pa kayang ipaglaban ang sarili ko.. Until this happened..

~Flashback~

Sinusuntok ako ng walanghiyang Steven na yun dahil napagtripan nya na naman ako..

"That serves you right loser!" sabi nya.. Paalis na sana sila nung tropa nila nang biglang may lalaking nagsalita..

"You're too coward" cool na sabi nung lalaki.. Malabo ang paningin ko dahil may dugong dumadaloy mula sa kilay ko na sinuntok nung tang*nang Steven na yun..

"Hey what the f*ck did you say?!" sabi ni Stephen..

"I said you're too coward! Can't you understand those f*ckin' simple words?!" sabi nung lalaki..

"You're testing my patience, huh?" sabi ni Steven..

"Yeah right!" sabi nung lalaki.. Ang tapang nya...

On cue, sumugod yung mga tropa ni Steven at inatake nila yung lalaki..

But they were left injured.. None of them can even move..

"Is that all that you got?" tanong nung lalaki, nagsmirk pa sya.. At dahil dun, sumugod si Steven.. Lahat ng suntok ni Steven naiilagan nung lalaki..

At sa huli, naiwan rin nakahandusay sa sahig si Steven katulad ng mga kasama nya..

"You're too coward Steven.. You're just hurting people who can't even fight for themselves.." sabi nung lalaki.. Pagkatapos nya dun, lumapit sya sakin..

"You okay?" tanong nya..

"Yes, thanks..." sabi ko..

"I'm Ralph Christian Ramos or RC for short" sabi nya..

"Tristan Franco Villamor" sabi ko sa kanya..

"Filipino?" I nodded in reply..

"Tang*na naman yan o! Ang hirap mag-english! Di mo pa sinabi agad! Lika na nga, tulungan na kitang tumayo!" sabi nya tas inalalayan nya ko..

"Salamat RC" sabi ko..

"Welcome pero may kapalit to!" sabi nya..

"H-ha? Anu yun?" sabi ko..

"Simula ngayon, tuturuan na kitang ipagtanggol ang sarili mo.. Magiging mas magaling ka pa dun sa Steven na yun na parang baklang sumuntok.. I'll change you from a loser to a winner" sabi nya..

~End of Flashback~

Mabaet ni RC.. He just became a gangster because gusto nyang ipagtanggol ang pamilya nya..

Minsan na nyang naikwento sakin yung buhay nya at para sakin parang pelikula ang nangyare sa buhay nya..

Nagsimula daw ang problema nila nung umalis si Tita papunta sa Pilipinas.. Ayaw ng mga magulang ni Tito Stanley sa Mama nya kase anak lang ito ng katulong.. Pinapalayas daw si Tita Eliza ng parents ni Tito Stanley pero ayaw ni Tito but sa huli, umalis pa rin si Tita at sinama pa nya ang kuya ni RC na si Trevor..

Dito sa Pilipinas, namatay-- no, pinatay si Tita Eliza at late na nalaman nina RC at Tito Stanley ang nangyare.. Hindi naman daw napatunayan sa korte na yung kakompetensya ng business nila ang pumatay kay Tita.. Di na rin nalaman kung anong nangyare kay Trevor.. Some said, na namatay rin daw ito but Tito and RC didn't buy it..

Loving Secretly [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon