(Revised Version of Chapter 4)
CHAPTER 4
Monique's POV
It's already 3pm at nandito parin ako sa kwarto ko, mamaya pa kasi nang 6pm ang pasok ko sa bago kong school.
Hindi ko nga alam kung bakit ganun yung oras ng pasok sa school na yun eh. Angcreepy kaya tas hanggang 11:30 ng gabi pa ang tapos ng last subject ko !
Right now, I'm still thinking of that tattoo. Pilitin ko mang wag isipin, kusa namang pumapasok sa utak ko.
Mukha kasi talagang pamilyar yung tattoo. Parang naging parte ng buhay ko yung tattoo na yon. And I think I just saw it somewhere.
Narrator's POV
Habang iniisip ni Monique kung saan niya nakita yung tattoo na nakita niya sa kamay ni Ginomiell ay ang biglang pagsakit ng ulo niya.
Napapikit at napahawak siya sa ulo niya sa sobrang sakit.
Then, images flashes in Monique's mind.
'Baby crying.... RBV tattoo .... PBV tattoo .... V tattoo .... Fangs .... Blood .... Vampires ....'
"Aaaaaaahhhhh!!!!" sigaw ni Monique sa sobrang sakit ng kanyang ulo.
"Binibining Monique !! " sigaw ng mga katulong na dali-dali siyang binuhat.
"Dali ! Tawagin niyo ang hari !"
"Bilisan niyo !"
"Ang prinsesa !!"
Then everything went black.
Monique's POV
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na nakatapat sa mukha ko.
Tumayo ako sa kama ko.
Ano bang nangyari ?
Agad akong pumunta sa banyo para maghilamos.
Lumabas ako ng kwarto ko at tinahak ang madilim na pasilyo ng aming bahay.
Lahat kasi ng bintana sito sa bahay ay may malaki at makapal na kurtina at nakasara ito lagi sa umaga at sa gabi na bubuksan. Utos kasi yun ni Daddy eh.
"Magandang Umaga Binibining Mearxyl !" bati ng mga katulong namin.
Binigyan ko naman sila ng isang matamis na ngiti.
"Nasan po si Daddy ?"tanong ko sa isa sa mga katulong namin.
"Maaga pong umalis ang inyong ama, binibini." sabat naman ni Mr. Andreid, ang 'butler' namin.
"Ahh ganun po ba ? Uhmm... Mr. Andreid ?.... Ano po ba ang nangyari sakin kahapon ? Wala po kasi akong maalala eh. Ang naaalala ko lang po ay biglang sumakit ang ulo ko. Yun lang. May iba pa po bang nangyari ?" takang tanong ko.
"Masyado ka lang pagod binibini kaya sumakit ang ulo mo at ikaw ay nawalan ng malay."
"Ganun po ba ? Osige po. Kakain na ko."
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay biglang nagsalita ulit si Mr. Andreid.
"Binibini ? Wala ka bang napapansing kakaiba sa bago mong unibersidad ?"
Oo nga pala ! Hindi ako nakapasok dahil nga hinimatay daw ako kahapon.
"Wala naman po. Bukod sa mga weirdong schoolmates ko at antique na school building ay wala na akong iba pang napapansin. Bakit po ? Bakit mo naman naitanong ?"
"W-Wala. Wala naman, binibini."
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko at bumalik saaking silid.
Hay !
May kakaiba nga ba sa paaralang iyon ?
---
BINABASA MO ANG
She's dating a...Vampire?! #Wattys2016
Vampire[[ Highest Rank: #1 in Vampire, #18 in Romance]] Isang simpleng babae lamang siya... Akala niya iikot lang ang mundo niya sa mga kayamanan nila.. Ngunit isang araw,makikilala niya ang tunay niyang pagkatao na magpapabago sa kanyang buong buhay... Ka...