(Revised Version of Chapter 29)
CHAPTER 29
Zeke's POV
"Oh hey bro ? 2 days ka ng naglalasing ah. Naku, magkwento ka na kasi. Nagkaaway kayo ni Moullsivairia noh ?" tanong ni Troy sakin pagbaba niya dito sa sala ng bahay niya.
"We didn't fight."
"Oh Hindi naman pala. Eh bat ka naglalasing ?"
"We broke up. She doesn't want to see me again." sabi ko sakanya at tinungga ang isang bote ng alak na hawak ko.
"Ano ? Bakit ? Dalhan mo ng flowers o kaya malaking teddy bear. Ano ? Laos na ba mga damoves mo ? So ako na pala ang matinik sa babae ngayon at Hindi ikaw ?"
"Tsk. Iba si Moullsivairia. Pagsinabi niyang ayaw na niya, ayaw na niya talaga. I just want to move on. I want to forget her."
"Kaya mo ba ?"tanong niya.
Napatingin ako sakanya at tinungga ang alak at tumungo.
"See ? Di mo kaya. Bahala nga kayo. Aalis muna ako at may kadate pa ako." sabi niya at umalis na. Loko talaga yun, nagkakaproblema na nga sa kaharian nagawa pang lumandi tas iniwan ako ditong broken hearted putcha !
Bakit ba kasi Wala akong matandaan ? Pano ba nangyari na magkahalikan kami ni Farah ? Argh !
"Dahil ginamitan ka niya ng hypnotism para pagselosin si Moullsivairia. " napatingin naman ako ng biglang makita ko si Zallienn sa harap ko.
"How do you know ?"tanong ko sakanya at tinungga ulit ang alak at tumingin sa malayo.
"Dahil si Farah at Falica ay iisa."
Napatingin ako sakanya.
"You must be kidding me."
"Totoo ang sinasabi ko, si Farah ang anak ni Dracula. Yun ang nakasulat sa propesiya."
"Pero paano ? Ang Ama niya ay si Mariuk Fredmourk Bornick at Hindi si Dracula."takang tanong ko.
" Ampon si Farah. Nakita ng Asawa ni Mr. Mariuk Bornick si Farah nung sanggol pa ito matapos ang digmaan sa pagitan ng Lolo ni Moullsivairia at ni Dracula. Hindi nila alam na anak ni Dracula iyon. Ang kaluluwa ni Dracula ang nagsabi Kay Farah na siya ang Ama niya. Tinago ni Farah ang pagpapakita ng Ama niya sa kanyang panaginip. Nalaman din niya na Hindi lang fire at electricity ang kaya niyang kontrolin ngunit pati Hypnotism, at Acid. Kaya ngayon ay binabalak na niyang sirain ang kaharian na dapat daw ay siya at ang Ama niyang si Dracula ang namumuno."
"Ano ? Choidnick Vampires ang dapat mamuno ng kaharian, Hindi sila ! Sino ang nagsabi sakanyang sila dapat ang mamuno ng kaharian ?" inis na tanong ko.
"Nilason ni Dracula ang utak ni Farah at pinapaniwalang siya dapat ang nasa pwesto ni Moullsivairia ngayon para patayin ni Farah si Moullsivairia at para mabuksan ni Farah ang lagusan sa ilalim ng palasyo kung saan nanduon ang labi ni Dracula, pagnagawa ni Farah yun at napainom ni Farah ng dugo ang labi ni Dracula ay mabubuhay ulit ito at sila ang maghahari sa buong kaharian at lulusubin nila ang mundo ng mga tao. At Hindi pwedeng mangyari yun."
"Kailangan malaman ito ni Moullsivairia." agad akong tumayo at pumunta sa palasyo.
-
"Prinsipe Ginomiell ! Ipagpaumanhin niyo po ngunit bawal po laying pumasok sa loob ng palasyo." sabi ng ilang Solnick Vampire na nasa gate ng palasyo.
"At sinong nagsabi ?" Nakakunot noo Kong tanong sakanila.
"Mahigpit pong pinag-uutos ng Kamahalang Moullsivairia." Sagot naman ng isa pang Solnick Vampire.
"Papasukin niyo siya."biglang sabi ng isang lalaki.
" Pero Prinsipe Yohanmiell, baka patayin kami ng Kamahalang Moullsivairia pag nalaman niyang sinuway namin ang utos niya."tugon ng isang Solnick Vampire na ikinatango ng ilang mga Solnick na naroroon.
Sino siya ? Bakit prinsipe ang tawag sakanya ?
"Ako na ang bahala kay Moullsivairia. Wag kayong mag-alala." sabi ulit nang lalaki.
Pinapasok naman ako ng mga Solnick kaya agad akong naglakad papasok ng palasyo.
"Ano bang kailangan mo at naparito ka ?" tanong ng lalaki.
"Kakausapin ko si Moullsivairia. Sino ka nga pala ?"tanong KO sakanya.
" Ako si Yohanmiell. Maaaring Hindi mo ako kilala. Ikaw si Ginomiell diba ?"
Tumango naman ako bilang sagot.
"Si Moullsivairia ay nasa silid-aklatan. Maaari mo na siyang puntahan duon. Alam mo ba kung saan ?"
"Oo alam ko."naiinis kong sabi sakanya at naglakad na.
Nakita ko pang nagpapacute sakanya ang ilang mga Solnick Vampire. Tss. Mas gwapo pa ko dun eh. Si Moullsivairia kaya ? Nagpapacute rin kaya siya dito sa kumag na to ? Tsk. Malamang Hindi. Sakin nga di nagpapacute yun eh sakanya pa kaya eh mas gwapo ako dun. Baka naman itong lalaking to ang nagpapacute kay Moullsivairia ? Tsk. Nakakainis.
Nang makapunta na ako sa library ng palasyo ay dahan-dahan kong binuksan ang malaking pinto nito.
"Anong ginagawa mo dito ?" rinig kong tanong ni Moullsivairia habang nagbabasa ng libro.
"Nandito ako para sabihin ang tungkol kay Farah at Falica."
"Wala akong pake. Umalis ka na ! Ayokong makita ka pa !" Malamig na sabi niya habang hindi parin tumitingin sakin.
Umalis na ako at iniwan siya.
Ayaw na niya akong makita. Baka mamaya mapamahal siya dun sa Yohanmiell na yun habang Wala ako at lq pa kami. Tsk. Hindi pwede !!
---
COMMENT, VOTE, SHARE AND BE A FAN ! :*
![](https://img.wattpad.com/cover/12144763-288-k878283.jpg)
BINABASA MO ANG
She's dating a...Vampire?! #Wattys2016
Vampiri[[ Highest Rank: #1 in Vampire, #18 in Romance]] Isang simpleng babae lamang siya... Akala niya iikot lang ang mundo niya sa mga kayamanan nila.. Ngunit isang araw,makikilala niya ang tunay niyang pagkatao na magpapabago sa kanyang buong buhay... Ka...