Chapter 15

4.9K 94 3
                                    

(Revised Version of Chapter 15)

CHAPTER 15

MOULLSIVAIRIA'S POV

"Moullsivairia, okay ka na ba talaga ?" tanong sakin ni Farah habang naglalakad kami palabas ng nasabing ospital.

"Ilang beses ko bang dapat ulitin sayo, okay na okay na ko. Atsaka kailangan ko ng asikasuhin ang kaharian bago pa muling bumalik ang mga Dreixo. Siguradong babalik iyong mga yun."

"Baka lang kasi makasama saiyo ang masyadong pakikipaglaban, baka kung mapano ka."

"Minamaliit mo ba ang kapangyarihan at kakayahan ko, Farah ?"

"Hindi naman sa ganun, Moullsivairia. Nag-aalala lang ako sayo."

Napabuntong hininga nalang ako sakanya. Ayoko ng magsalita pa dahil mukhang lalabas ang pagiging Legendary Vampire ko dahil kay Farah.

Nang makarating kami sa palasyo ay agad akong pumunta sa kwarto ko para magpahinga sandali.

ZEKE'S POV

Dapat kong maka-usap si Moullsivairia. Kailangan ko siya para masalba ang kaharian.

Agad akong pumunta sa palasyo para sana kausapin siya ngunit ng makita ako ni Farah ay hinarang na niya ako.

"Bakit ba ayaw mo kong papasukin ? Dati akong prinsipe ng kahariang ito kaya wala kang karapatan para pagbawalan ako." ma-awtoridad kong sabi sakanya.

"Hindi ka na prinsipe Ginomiell. Wala ka ng karapatan sa trono. Kaya umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa mga Solnick Vampires."

"Sa tingin mo ba ay kaya nila akong kaladkarin, Farah ?" nakangisi kong sabi sakanya. Walang sinoman ang pwedeng pumahiya sakin.

Nanatili siyang nakatitig sakin ng masama.

Nginisian ko muna siya bago naglakad papasok ng gate ng palasyo.

"Zeke !" paglingon ko kay Farah ay agad akong napa-ilag dahil sa apoy na ibinato sakin.

Napatawa ako ng mapakla at itinuloy ko ang paglalakad ko papuntang palasyo.

Sunod-sunod ang ipina-ulang bola ng apoy sakin si Farah. Ilag lang ako ng ilag .

Ano bang problema niya ? May galit ba sakin si Moullsivairia at inutusan niya si Farah na paslangin ako ?

Nang malapit na ako sa hardin ng palasyo ay lumingon ako kay Farah at pinatay ko ang apoy na ibinato niya sakin gamit ang kamay ko.

"Stop these nonsense, Farah ! Ganyan ba kagalit sakin si Moullsivairia kaya gusto mo na akong patayin ?"

"Oo !! Galit na galit siya sayo at sabi pa niya ay sana mamatay ka na !!"

"I don't believe you." seryoso kong sabi sakanya.

"Zeke !" parehas kaming napalingon ng marinig namin ang boses ni Moullsivairia.

"Anong ginagawa mo dito ?" casual na tanong niya sakin nv makalapit na siya sa kinaroroonan namin ni Farah.

"Gusto sana kitang maka-usap."

"Tungkol saan ? Gaano ba ito ka-importante at hindi maaaring ipagpabukas ?" natatawang tanong niya. How I miss that laugh.

"Gusto ko sanang kausapin ka ng pribado." sabi ko sakanya na may diin sa pribado at tinignan ko ng masama si Farah na nakikinig samin.

"Ganun ba ? Sige."

MOULLSIVAIRIA'S POV

"Ngayon ? Anong gusto mong mangyari ? Na magpapakasal tayo at magkakaroon ng Anak para lang sa Lairah na yun ?" seryoso kong tanong sakanya habang nakakunot ang aking noo.

Bahagya naman siyan napa-tango.

"Hindi ba't dapat muna nating ipagbigay-alam ito sa aking Ama at Lolo ?"

"Sige. Bukas, babalik ako dito sa palasyo ng umaga para sabay nating sabihin sakanila ang solusyon ng problema sa kaharian." sabi niya sabay tayo sa couch na kanina ay prenteng inuupuan niya.

"Aalis na ako, kamahalan." sabi niya sabay bow. Tumango lang ako at lumabas na siya.

Nanatili ako sa silid para makapag-isip-isip sa sinabi ni Zeke.

"Kailangan nating magpakasal sa lalong madaling panahon at hangga't maaari ay magkaroon agad tayo ng anak."

Kung magkaka-anak ako at si Zeke ang Ama ng magiging Anak ko, bakit hindi ? Payag ako. Kahit anong mangyari ay payag ako. Para sa kaharian at sa pagmamahal ko sakanya.

----
Hi guys ! Tag-landi si Ate Moullsivairia mo, payag agad. Hahaha.

Guys ? Sa mga nagtatanong kung na-post ko na yung Chapter ganito, ganyan. Ipagpatuloy niyo lang. Haha PM niyo lang ako para ma-inform ko kayo kung kelan ako mag-U-UD pero usually Friday or Saturday ako nag-U-UD kaya PM lang kayo ha. :) Chapter 16 will be post soon.

P.S.: Bed scene Alert !! For those readers na hindi open-minded, next chapter is not suitable for you. Pero kung open-minded kayo, you can continue reading Chapter 16. Ako nga, I'm just 13 turning 14 in July pero wala lang sakin yun. This is just a fictional story kaya walang masama but if your doing it in real life, mali na yun except kung kasal ka na at nasa tamang edad ka na.

P.P.S.: Always remember that you need to 'Know your limitations in life.' ;)

Okay, so don't forget to...

COMMENT, VOTE AND SHARE ;)

She's dating a...Vampire?! #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon