ILMB 7

1K 20 1
                                    

Chapter seven: SUGGESTED PLAN

PRINCESS

'Haaaaaays, ba't pa kasi ako umasang magiging maganda ang trato nya sa akin?'

Naka uwi ako sa bahay na naka simangot, wala naman kasing dahilan para maging masaya ako.

'Bakit nga ba ako aasa sa taong alam kong wala akong pag asa??'

Pagkapasok ko ay agad kong ibinagsak ang sarili ko sa sofa at nakahalumbaba. Yung nangyari kanina sa rooftop?? Aish never mind.

Wala nga pala sina mom and dad dito, nasa Japan inaasikaso ang dapat na asikasuhin. Si ate naman, wala pa sya at tska bihira ding umuwi dahil kadalasan ay dun sya sa condo unit nya umuuwi dahil mas malapit ang unit nya sa school nila. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin dahil first time ko lang namang magka-POV. May kapatid ako, dalawa. Si ate Cherry Anne, fourth year college at magka iba kami ng university dahil ayaw nya daw dun sa school namin, sobrang arte kasi. Ako naman yung pangalawa at yung bunso ay si Vince Jorelle, grade five pa lang. Anyway, sabi ko nga nandito ako sa sofa namin nagpapahinga at pilit na inaalis sa isip ko ang kung anumang bagay na nangyari kanina sa rooftop.

Naabutan naman ako ni Manang Felly sa ganoong sitwasyon. Sya nga pala ang nag alaga sa amin since baby kami kasi laging wala ang parents namin kaya napalapit na ang loob namin sa kanya.

"Oh Princess hija, ayos ka lang ba? Ang tamlay mo naman ata ngayon?" Aniya at lumapit sa akin. Agad ko naman syang hinarap na parang naiiyak na.

"T-teka, umiiyak ka ba??" Nagaalalang tanong nya.

"Iiyak palang po manang.." sabi ko habang iiling iling pa.

"Ikaw talagang bata ka, may problema ka na naman ba?"

"Sya kasi po eh.." patungkol ko kay Cooler.

"Wag mong sabihin na yung lalaking natitipuhan mo ang dahilan kaya ka nagkaka-ganyan??" Tanong nya na may inis. Si manang nga pala ang pinaka close ko dito sa bahay, lahat ng nangyayari sa akin sa school ay alam nya kaya wag na kayong magtaka kung bakit may alam sya tungkol sa akin.

"Hmm mm, opo manang." Malungkot na sagot ko at tska yumuko para di nya ako makitang naluluha na naman. Eto kasi ang pinaka ayaw kong nakikita nya sa akin eh, umiiyak dahil sa taong mahal ko.

Oo, sa maniwala kayo't sa hindi, I think Im already falling inlove with him. Ewan ko ba sa sarili ko, sa dami ng taong pwede kong magustuhan ay yung play boy pang yun wala man lang pakialam sa'kin. Dati iniisip ko na mapapansin nya rin ako since play boy sya at kung sino sinong babae ang kinakalantari pero mali ako, kung sino pa ang sikat sya pa ang di pinapansin. At si Kuya Crist, kaibigan ko yun pero di halata kasi di kami nagpapansinan tuwing nandyan ang mga kapatid nya at kaibigan ko. Kaya nga ganun na lang ang ginawa nya kanina ng makitang nasigawan ako ni Cooler. Maliban kay manang, isa sya sa mga nakaka alam ng nararamdaman ko, kwento ko na lang mamaya kung bakit sya ganun sa akin.

I LOVE MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon