ILMB 20

704 18 1
                                    

Hallo guys, this part is dedicated to AshleyLanceTRopero, swordprincess_15, Queen_ayssa.
Hello sa mga na mention ko😘 thanks sa support...Ilove u

CHAPTER 20: Unexpected Scenery

*sighs*

"Nakailang buntong hininga ka na Ange. May problema ba?" tumabi sakin si Mery dala yung pagkaing kabibili lang nya.

Sila yung mga kaibigan na talagang mapagkakatiwalaan sa panahon ng problema pero di ko magawang i-share. Di pa kasi nila alam eh.

"Nah, dont mind me."

Humiwalay muna kami sa boys pero si Incess out of the sight na kaya dalawa na lang kami dito sa canteen.

"Okay sabi mo eh!"

Hay ano ba yan akala ko pa naman kukulitin niya akong sabihin ang problema ko.😔

"Nakita mo ba si Incess? Lagi kasing wala eh " umiling nalang ako bilang sagot sadyang wala lang ako sa mood para makipag usap.

"Sige alis na ko ah"- halla iiwan niya din ako pambihira naman si Mery oh!!!.

Tanga tanga ko kasi eh! bakit ba ako nag-aalangan na sabihin sakanya ang problema ko? Hay! Pero sobrang hirap at bigat din kasi sa pakiramdam.

*Imagination*

" I think alam na ni kuya na may gusto ako sakanya!"

"What?! How? Baka naman kasi masyadong halata ang aksyon mo gurl!? O di naman kaya may nalaman siya"

Napapaisip tuloy ako sa imahinasyon na yun!-,-

Paano na? Ano na gagawin ko? Kung tuluyan niya ng malaman?
Paano kung---kung layuan niya ako

Hindi ko makakaya!!!

"HUY! GINAGAWA MO?"-JUSMIO MARIMAR bakit ba nang gugulat ang isang to.

"Bakit ba nanggugulat ka!?Bakit ang tagal mong nawala ha! babae."

"Naghahanap ng bagong boyfriend"

Medyo asar na banggit ni Incess nakakapag taka ang babaeng to ilang weeks siyang wala tapos ganyan ang mood niya ngayon.

"Asan na ang clingy and psychotic na Princess ha?"-tinignan niya ako ng 'Nasa harapan mo tanga!' look Tsk!.

"Ang haggard mo kasi ngayon Cess mukha ka ng gurang sa kalye"

"Same to you! Mukha kang Panda!"
sabay kaming natawa sa mga pinagsasabi namin.Buti nalang nandito siya panandalian ko ding nakalimutan ang problema ko.

"Ano palang nangyari sayo? Pinapupunta kasi ako ni Mery dito eh-- wait galing ba siya rito"- kaya ba siya umalis para hanapin si incess? Eh ba't iniwan niya ako? Hays.

"H-hehe Oo galing siya rito pero umalis din agad.Anong nangyari sakin w-wala naman eh! Loko lang ni Mery yun😊"- Ngumiti nalang ako pero sa totoo lang napakabigat ng pakiramdam ko... Naaasar ako sa sarili ko at napakatanga ko.

Hindi naman maling magmahal diba? Magmahal at mahalin ang sarili kung kapatid?*Magmamahal ka na nga sa kapatid mo pa?* sabi ng iisip ko.Oo kausap ko sarili ko ngayon.

"M-mali ba? Mali bang mahalin ko si Colin?"

"Hindi naman"- Ay! Syet! Napakadaldal talaga ng bungangang to!.Ba't ko ba binulalas ay pero alam naman niya eh so okay lang hihi.

I LOVE MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon