ILMB 9

882 29 3
                                    

Chapter nine: DATE

MERY

Ilang araw din ang lumipas simula nang nangyari sa rooftop. Ang pagkawala ng malay ni Princess at yung mga narinig at nakita namin. Hanggang ngayon ay di pa talaga ako makapaniwala sa mga narinig at nakita ko. Nitong nakaraang araw naging maayos naman na ang lahat, maliban na lang sa mga nakita at narinig namin ni Ange, walang kinu-kwento si Cess kaya di na namin sya kinulit kung ano ang meron sa kanila dahil alam naman namin na kapag gusto nyang ipaalam ay gagawin nya. Nga pala, sunday ngayon, of course saturday kahapon. Ano ba ang meron kahapon??

Gosh, kahapon yung lumabas kami ni Cyfer. Walang ibig sabihin sa akin yun ah, pero yung nangyari talaga, nakakahiya pero masaya. Gumala lang kami, masaya sa bawat lugar na pinuntahan namin. Parang nakita ko ang isang side ng kuya ni Ange na madalas di nya pinapakita.

~Saturday

Saturday ngayon at nagising ako dahil sa ring na paulit ulit ng phone ko, kaya kahit inaantok ay sinagot ko ito kahit di ko tinitignan ang caller.

"Ye?" Wala akong planong mag goodmorning dahil nga inaantok pa talaga ako.

"Cant you say good morning first??" Tanong nung nasa kabilang linya, di ko naboses-an kaya tinignan ko kung sino pero nunber lang ang nakarehistro dito.

"Who is this??"

"Oh, how bad you forgot about our date today.." nanghihinayang na tono nito. Agad akong napabangon dahil sa sinabi nito, it cant be.

"C-cyfer??" Pagkukumpirma ko kung sya nga. Tumawa ng mahina ang nasa kabilang linya.

"Yeah, so you better wake up and fix yourself para sa lakad natin ngayon."

"Ugh, pwede pa bang umatras??" Umaasang tanong ko pero tumahimik lang sya kaya tinanong ko uli sya. "Hey, still there??"

"Yeah and you cannot back out now cause Im here already inside your house. Im actually talking to your parents, they're infront of me." Pagbibigay alam nya.

Bigla akong napatayo at lumabas sa kwarto ko at dumungaw sa sala. Tama sya, nandun na nga sya kaharap ang parents ko na di ko man lang alam na darating sila.

I LOVE MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon