ILMB 14

586 12 0
                                    

Chapter 14: HE DOESN'T LIKE ME


Mery

"Is everything ready?" tanong ni Cess habang hawak ang tab nya. "night clothes, check! midnight snacks, check! shorts, check! undergarments, check! make up kits, check! ano pa ba? oh wait, I forgot my perfume!!" napataas ang kilay ko. really? dalawang araw lang kami kina Ange pero pang isang buwan na ang nakaimpake na damit nya!

"Aren't you finish yet? Nilalamok na ako dito oh, tska halerr! two nights lang tayo doon, ba't andami mong dalang gamit?"

"of course, para laging presentable no. I always bring my stuffs with me. Unlike you na di man lang mag ayos ng buhok, like duuuuh!" sabay haplos ng buhok. tsk, kainis na babae to.

nandito ako ngayon sa bahay nila para sabay na kaming pumunta kina Ange, but heck! I spent my boring two hours here yet she's still not finish packing her stuffs.

"bahala ka nga," pumasok na ako sa loob ng sasakyan. "kuya, tara na po!" I said to our driver.

"yaaaah! wait for me!" agad syang pumasok sa back seat. "gah, I hate you Mery! di ko tuloy dala ang aking scented royal blue imported from paris hair brush! my gee! how about my hair!!"

"tsk, may suklay naman na siguro sina Ange dun noh, di mo kailangang mag-OA para dyan sa suklay na yan!" sinamaan nya ako ng tingin.

"No way, di ako basta basta gumagamit ng suklay ng iba, tska wag mo ngang nilalait ang hairbrush ko, it's way different to an ordinary brush no!!" napairap na lang ako sa hangin. she's really ridiculous. suklay lang kaya yun, nagtataka tuloy ako kung paano ko naging kaibigan ang isang tulad nya.

"just keep your mouth shut until we get there!" inismiran na lang nya ako tska bumubulong sa sariling upuan. childish!!

pagkarating namin don ay sinalubong agad kami ng mga maids. na-inform na pala sila na pupunta kami dito today. buhat ko ang back pack ko papunta sa loob while si Cess ay nagpatulong pa dahil sa dami ng dalang gamit.

"hoooh! I think di yata kasya yang dala ko para sa stay natin dito!" she said pagkapasok nya sa loob. sa dami nyan di pa talaga kasya?

iniwan ko na sya doon at pumunta sa sala. alam na namin ang pasikot sikot dito, malamang eh madalas kami dito eh. and it is not the first time na mag i-sleep over kami dito.

"ate, nasaan po si Ange?" tanong ko dun sa isang maid  na may dala sa gamit ni Cess.

"pababa na po." I give thanks before sitting on the couch.

after ilang minutes ay naaninag ko na ang pigura ni Ange pababa sa hagdan. I was about to approach her ng may bumunggo sa akin tska dumiretso papunta sa kanya at niyakap.

"angeeeeeeee!!" sino pa ba ang may ganyan ka-OA ang reaction? malamang si Princess..

"Cess, nu ba!?" singhal ni Ange kaya naman kumalas si Cess sa pagkakayakap.

"ito namana ng Kj, namiss lang naman kita eh!" wika nya.

"Ceeeess! magkasama kaya tayo kanina, actually sawa na ako sa pag mumukha mo eh.!" hinampas naman sya ni Princess. barado ang Prinsesa.

"ganyan ka na pala ah, pinagtutulungan nyo ako ni Mery." she crossed her arms tska umupo.

"anyway, Ange, dun ulit kami sa room mo!" napabaling ang atensyon nya sa akin.

"yep, kaka-ayos ko nga lang kanina eh kaya medyo natagalan ako sa pagbaba."

"okay, i-akyat ko lang ang gamit ko. pa-tulong na lang rin pala si Cess sa pag aayos ng gamit nya."

I LOVE MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon