ILMB 23

746 19 27
                                    

Chapter 23: "DECIDE FOR YOUR SELF"




"And remember nung time na nag-joke ka sa akin tungkol sa date namin ni Cyfer, Ange, I actually confronted him. Inaway ko siya noon sa SSG park noong uwian tas yung hitsura niya todo tanggi na hindi niya sinabi yun. Pero syempre di ako naniwala dahil sayo na galing mismo yun so sayo ako naniwala. Grabe yung mukha niya, parang nalugi sa isang business deal. Hahaha"

Kanina pa kwento ng kwento si Mery tungkol sa mga pinaglilihim niya sa amin ni Cess dati, at ang gaga, madami na palang inililihim samin. Si Cess naman, nakalaan talaga yung tenga para sa mga kwento ni Mery. Thou kahit ako naa-amaze din dahil wala sa ugali ni kuya Cyfer ang mga pinagsasabi niya. Inluv kasi.

"Then, what happened?" Cess ask

"Well, ilang araw din niya akong kinukumbinsi na walang katotohanan yun pero nasense niya yata na ayaw ko ng i-bring up yung topic na yun kaya tumigil na lang siya. Then one time nagpatulong ako sa kanya sa math sub natin noon kahit pwede naman na si JayVee ang magturo, ewan ko ba, mas naging komportable ako sa kanya everytime na magkasama kami. That time actually, masyado akong na-down sa sinabi niya na ayaw nya sa mga estudyanteng kagaya ko na tinutulugan ang klase."

"Studious kasi" singit ko

"Oo nga, medyo lumayo ang loob ko sa kanya dahil doon pero siya parang wala lang kaya naasar ako. Noong pumunta kami doon sa bahay niyo Ange para mag sleep over, tinatanong niya kung bakit ba ako nagkakaganito pero di ko masabi kasi nahihiya ako."

Asus, nahihiya daw pero kung magkwento samin wagas.

"Remember the night na naglalaro tayo ng tagu-taguan?"

Cess and I both nodded. Syempre naman, yung time na yun nangyari yung over confrontation namin ni Colin tungkol sa relationship ko kay MJ.

"Hinila ako ni Cyfer that time kasi naiinis na siya sa inaasta ko na parang wala lang daw siya sa akin." ngumiti siya na parang kinikilig.

"Ano hinalikan ka niya?" pang-iintriga ni Cess.

Namula naman si Mery at umiwas ng tingin. Guilty. "P-paano mo nasabi?"

"I heard some moans coming from the library ni kuya Cyfer, so I assume."

"Grabe kayo Mery ah, di ko alam na nasa next level na kayo ni kuya!" I exclaimed

Sino ba naman kasi ang mag aakala na may ganyan na palang nangyayari pero di kami informed.

"Oo nga, e ano naman yung eksena kagabi doon sa lib?"

"Ah yun ba, nag-text kasi si Cyfer na pumunta raw ako doon kaya iniwan ko kayo. On the way ako sa lib ng makasalubong ko si kuya Cris, then yun, tinanong lang niya kung saan ako pupunta e di sinabi kong kay Cyfer then ngumiti siya ng nakakaloko tas inakbayan ako at sinamahan pa papunta kay Cyfer. Take note na nakangiti pa ako niyan pero nabigla ako ng mismong pagkapasok namin, sinuntok ni Cyfer si kuya Cris. Di ko alam pero may pinag usapan sila pero di ako nakafocus doon kaya di ko narinig pero nakadalawang suntok pa si Cyfer tska yung eksenang naabutan mo."

Grabe naman pala mag selos si kuya Cyfer, kahit sa kapatid! Haha mukhang delikado lahat ng aaligid kay Mery na lalaki mula ngayon.

"Ang savage ng kuya mo Ange!" ani Princess

"Aba, malay ko bang may side pa lang ganyan si kuya. Ngayon ko lang din nakita na ganyan siya."

Bago pa sila makapag react ay dumating na si Ma'am Zamora at inumpisahan agad yung exam.

I LOVE MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon