ILMB 8

891 23 5
                                    

Chapter 8: EAVESDROP



ANGELICA

Morning chin-goos, maaga akong nagising dahil sa katok sa pintuan ng kwarto ko. Kahit di na sya mag salita alam kong isa yun sa mga maid na madalas gumigising sa akin. Pagkatapos kong gawin lahat ng kailangan ko gawin ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba, naabutan ko silang lahat doon na naghahada na ng pagkain at hinihintay na lamang ang pagdating ko.

"Ohayo gosaimasu Okaasan, kyoudai!!" Masiglang bati ko sa kanilang lahat. Madalas akong gumagamit ng iba't ibang lenggwahe sa twing binabati ko sila kaya sanay na rin ang mga yan. Bumaba ako sa hagdan at ginawaran sila ng isang halik sa pisngi.

"Good morning din hija, lika na't kumain para di kayo mahuli sa klase nyo."

Habang kumakain di ko maiwasang mapatingin kay kuya Cooler, sa twing titingin ako sa kanya ay naaalala ko yung nangyari kagabi na di ko maiwasang pamulahan ng pisnge.

~Flashback 'to yung sa nangyare kagabe

Pagkauwi namin ay agad kong kinuha ang laptop ko at ililipat sana yung nakuhanan kong litrato nina Mery at kuya Cyfer pero lowbat ito kaya naisip kong hiramin yung laptop sana ni Colin kaso nakacharge daw kaya pinuntahan ko si kuya Cooler na kasalukuyang nasa sala nagpapahinga.

"Ah Cooler ani, can I borrow your laptop?? Lowbat kasi yung akin, yung kay Colin naman nakacharge din samantalang wala naman si kuya Crist kaya di ako makapagpaalam kung pwede kong hiramin at si kuya Cyfer naman malamang ginagamit yung kanya dahil sa business presentation daw nya..."

"Sige na sige na, dami mo pang sinabi eh. Pwede namang sabihin mo na lang na 'kuya pahiram ng laptop' tsk. Kunin mo na lang sa kwarto ko." Di na nya ako pinatapos sa sasabihin ko. At dahil nga masunurin akong bata ay sinunod ko ang sinabi nya. Pumasok ako sa loob at hinanap yun, tinignan ko ang drawer nya at nakita ko ang dalawang laptop do'n. Hmm, san dito ang hihiramin ko??. Di naman nya nabanggit na dalawa pala yung laptop nya eh.

Sa huli ay kinuha ko na lang yung isang nakapa-ibabaw. Pumasok na ako sa kwarto ko at binuksan yun. After mag start ay kitang kita ko kung anong klase ang ginagamit nyang wallpaper sa laptop nya. Wala sa sariling napasigaw ako at nabitawan ang laptop na hawak ko at bumagsak sa kama ko.

"Kyaaaaaaaaah, waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!" Malakas na tili ko habang nakatitig sa wallpaper nung laptop ni kuya Cooler. May mga narinig akong yabag ng sapatos na papunta sa direksyon ng kwarto ko. Bumukas yung pinto ng kwarto ko at lumuwa don ang naglalakihang mata nina Mama, Colin, kuya Cyfer at kuya Cooler, nag aalaang nakatingin sa akin na nakaupo malapit sa study table ko at nakatingin pa rin sa wallpaper ni kuya. Tinignan naman ni kuya Cooler yung tinitignan ko agad na nanlaki ang mata ng makita ito.

"What the!! Why did you open this?!" Galit na tanong nya sa akin at kinuha ang laptop at isinara ito ng malakas. Pero di ko pa rin makalimutan yung hitsura nung nakita ko kaya di ako naka sagot agad. Isang babaeng hubad na subo ang 'ano' nung lalaki. Clear pa masyado yun sa utak ko kaya pawang wala akong naririnig sa kanila. Paulit ulit akong niyuyugyog ni Colin samantalang si kuya Cyfer at si Mama ay patuloy sa pagtatanong at nanlilisik ang mga matang nakatingin kay kuya Cooler na mukhang naiinis pa rin.

"Hey, Ange, 'you okay??" Patuloy pa rin sa pag yugyog si Colin sa akin at bumaling sya kay kuya Cooler. "Bakit naman kasi may ganyang litrato sa laptop mo at pinahiram mo pa sa kapatid natin!" Galit na singhal nito.

"Aish, damn it! I admit it that I let her borrow my Laptop but I forgot to say that she should picked the bigger one!" May pingaka-iba rin yung laptop nya in size, mas maliit nga naman yung kinuha ko kumpara sa isa.

I LOVE MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon