ILMB 24

273 5 4
                                    

CHAPTER 24: WEEKEND VACATION

Di ko alam kung manhid ba si Colin o ano. Alam na nga niya na si Sheana ang dahilan ng awayan namin pero dinala niya pa rin. Kaya pala antagal niya kanina, sinundo niya si Sheana dahil isasama daw niya. Wala naman daw kaso yun kay mama kaya mas lalo akong nainis.

Katabi ko si Mj na kanina pa walang kibo. Sina Mery at kuya Cyfer naman sa harap na wala ring kibuan, sina kuya Cris at Cooler naman kasama si Cess ang nasa harap namin, nasa pangatlong upuan kami. Sa likod naman namin si Colin at Sheana na kanina pa parang bubuyog sa pagbubulungan. Si mama naman ang nasa tabi ng driver.

Tahimik lang ang byahe ng basagin iyon ng group nila Cess.

"Alam kong magkapatid tayo pero kung hindi mo pa aalisin ang kamay mo sa beywang niya baka makalimutan ko at masakal kita." Mahina lang ang boses ni Cooler pero ramdam ang talim. Di ko alam ang nangyayari sa harapan namin pero sigurado akong may ginagawa na namang kalokohan si kuya Cris.

"Whatever you say brother." rinig kong sagot ni kuya Cris. Rinig ko ang mahinang pagdaing niya pero wala naman akong nakitang reaction sa mukha niya.

Ewan ko ba sa kuya ko na yan, pagkatapos kay Mery ngayon naman ay si Cess. Pero maganda rin naman na ganito siya keysa nung dati. Masyado siyang masungit at bibihira ko siyang makitang ngumiti pero ngayon nagiging madalas na ang pagngiti niya.

Hindi kami inabot ng isang oras sa byahe. Totoo nga yung sinabi ni mama na malapit lang ang resort sa kumpanya.

Kanya kanyang kuha kami ng gamit pero may umagaw nun sa kamay ko. Ng lingunin ko kung sino, si Mj pala.

"Let me take this." aniya. "Pasensya na pala kung tahimik ako kanina, may iniisip lang."

Natawa naman ako, "Ano ka ba, ayos lang yun. Di naman ganun kahaba ang byahe."

Ngumiti siya tska nauna ng maglakad. Lumingon ako sa likod pero mali pala ang paglingon ko kasi parang pinipiga ang puso ko habang inaalalayan ni Colin si Sheana na akala mo ay mababasag kapag di inalalayan sa pagbaba.

"Kung hindi mo kaya ang sakit, pwede ka namang tumalikod na lang." gulat na napabaling ako kay kuya Cris. Gulat dahil hindi naman siya yung tipong madalas akong nilalapitan kahit na alam niyang nasasaktan ako.

"K-kuya..."

"Tch." walang emosyon niya akong hinila ng banayad hanggang makarating kami sa entrance. "Punasan mo muna yang luha mo dahil baka ako na naman ang pagkamalan na nagpaiyak sayo."

Natatawa akong pinunasan ang luha na hindi ko man lang namalayan na tumutulo na pala. Oo nga naman, tanda ko nung mga bata pa kami. Basta nakikita akong umiiyak si kuya Cris agad ang kinukwestiyon kasi siya lang naman ang nagsusungit sa akin noon.

"Dont laugh." aniya tska nagpatiuna na sa pagpasok.

Sumunod ako sa kanya na may ngiti sa labi. Ngayon niya lang ako in-approach na may kasamang care pero sobrang saya nun sakin. Masasabi kong isa itong progress sa relationship ko kay kuya at sana ay magtuloy tuloy na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I LOVE MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon