ILMB 10

777 24 3
                                    

Chapter ten: DATE 2

ANGELICA

What a boring week end!!

Sabado ngayon at mag isa ako sa bahay, nakakapraning ang katahimikan. Wala si mama nasa company, sina kuya naman may kanya kanyang gagawin. Si kuya Cyfer maaga raw umalis sabi nung maid, si kuya Cris hindi umuwi kagabi, malamang nasa condo nya, si kuya Cooler siguro nambabae na naman wala sya dito eh, at si Colin naman may group project kasama ang clastmates nya. First week na first week may group project kasi. Kaya eto ako mag isa sa bahay kasama ang mga maids na walang ibang ginawa kundi pag-silbihan ako.

Yung mga friends ko naman may lakad din, si Mery may i-me-meet daw at si Cess naman may lakad daw sila ni ate nya.

Lumabas muna ako sandali para sana magpahangin sa park ng mahagip ng mata ko si MJ, naiinip din siguro mag isa. Nilapitan ko sya.

"Huy!!" Tawag ko sa kanya at bigla naman syang napatayo sa gulat. Grabe yung mukha nya, namutla.

"Huy ka rin, ba't ka ba nanggugulat hah?!" Tinawanan ko lang muna sya bago maupo sa kinauupuan nya kanina.

"Hehe, wala lang, di ko naman alam na magugulatin ka pala." Umupo rin sya sa tabi ko. "Ano nga pala ginagawa mo dito??" Tanong ko at bahagyang sinulyapan sya sandali.

"Pahangin lang, nakakabagot sa bahay eh. What about you??"

"Same as you, lahat sila may kanya kanyang lakad at tska maids lang kasama ko sa bahay." Nayayamot na tugon ko. Actually isa sa dahilan kung bakit ako nababagot ay dahil dun sa narinig namin ni Mery sa infirmary, yung about kay Cess. Di pa rin ako maka-paniwala na may kung ano mang koneksyon sya kay kuya Cooler. Isa pa nakaka-bobo ang mag isip ng dahilan kung bakit at anong ibig sabihin nun.


"Wanna hang out?" Nabigla ako sa tanong Emj kaya gulat akong napalingon sa kanya. Di na ako naiilang sa kanya kahit pa sabihin nating may gusto ako sa kanya.

"W-what?!"

"Im asking if you wanna hang out, with me??" Napatitig ako sa kanya, makikita mo ron ang umaasang mga mata nya. Ano naman kayang sumapi sa kanya??



'Di kaya gusto nya rin ako??'

Ayy asuming lang te!!

Bigla naman akong napailing dahil sa mga naiisip ko. Para akong nababaliw dahil dito eh.

"A-h, kung ayaw mo ayos lang naman." Parang nahihiyang aniya. Namis-interpret nya.

"No, no, no, di yun ang ibig kong sabihin..." nag mukha tuloy akong desperada. "Ayos lang naman sa akin. Napailing lang ako--kasi... may sipsip--tama tama, may sipsip nga, hehe." Di talaga ako marunong mag palusot eh.

"A-ah ok.." nawiwirduhang aniya. "Ok sige, kunin ko lang yung kotse ko na nakapark don." Turo sa labasan, tumango ako at hinintay syang makarating. Di ko na kailangang mag bihis pa dahil madalas akong lumalabas ng naka-t-shirt at jeans na syang suot ko ngayon.  Ganun din naman si Emj.

After that sumakay na ako sa kotse nya at nag drive papuntang mall. Ewan ko kung bakit nya ako dito naisipan dalhin eh hindi naman ako katulad ng ibang babae na mahilig sa mga ganitong gamit.

"What made you think na dito mo ako dalhin??" Naglalakad lakad kami ngayon sa mall. Window shopping lang dahil wala naman talaga akong balak na bumili ng gamit.

"Ahhh, I thought guys usually bring girls to the malls. Why? Dont you like it here?"

"No, its not like that. Its just that Im not a typical girl who always wanna go shopping."

I LOVE MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon