Chapter 7:

8 2 0
                                        


Nang makarating kami nang Stalwart University makikita mo agad ang iba't ibang booth may wedding booth, jail booth at madami pang iba mayamaya lang din dumating na sila sophia.

"Chloe are you okay now?" Nag-aalala niyang tanong at biglang napatingin kay gabriel "bati na pala kayo nang playboy na yan?" Mapakla niyang tugon

"Oo naman sophia ^_^ nag-usap na kami kagabi ni hon!" sagot ni Gabriel pero inirapan lang siya ni sophia sanay nadin naman yang si Gabriel kasi una palang naman ay ayaw niya na kay gabriel eh napatingin nalang ako kay gabriel nung bumulong siya

"Magpapakasal tayo mamaya hon ^___^" sabi niya at kinindatan pako kaya namula ako "you're blushing" natatawa niyang dagdag

"I'm not! *pout* let's go na sophia! Magbabantay na tayo ng booth ^_^" sabi ko kaya naglakad na kami pero siyempre nagpaalam muna ko sa boyfriend ko saming barkada bukod kela Gabriel ay si cath nahiwalay samin napunta siya sa booth na malapit sa gym kaya nga swerte niya eh mapapanuod niya si Gabriel at Jc eh.

"Babye Cath ^_^" sabi namin at pumasok na nang booth namin nagsimula nadin namin ayusin ang mga gamit don sa booth para makapagbukas nadin.

"Chloe hindi kaba manunuod nang laban ni Gab?" Tanong ni timothy

"Gusto ko pero tayo ang bantay dito eh, Swerte nga ni cath na malapit siya sa Gym kaya makakapanuod siya eh" sagot ko

"Wag kang magaalala makakanuod din naman tayo bukas chloe ^_^" sabi ni sophia kasi bukas iba na ang magbabantay dito

Pagkatapos nang ilang minuto ay nagbukas nadin kami at nagantay nalang nang lalapit sa booth namin, ang naisip kasi naming booth yung parang souvenir. Ang daming tao ngayon samantalang dati konti lang ang pumupasok para sa foundation day, Mayamaya lang madami nang pila at naging busy nadin kami pero may estudyanteng nakapila na nag-uusap na nakapukaw nang attention ko.

Girl1: "Grabe ang galing talaga ni martinez magbasketball 'no? I'm sure na proud yung girlfriend niya" napangiti ako sa narinig kong yun pero sa sinabi sa huli ang hindi ako natuwa

Girl2 : "oonga eh! palaging 3points ^__^ ang swerte sa kanya ni cath!"

Girl3 : " ano kaba? Hindi si cath ang girlfriend ni martinez, si Chloe yung girlfriend niya stupid!"

Girl2 : "huh? But how come? Nakita ko nung isang araw si cath at martinez sa mall na magkaholding hands?"

Hindi na nila natapos ang pagkwekwentuhan nila nang maibigay na ni sophia ang binili nila pero ako natigil sa ginagawa ko. Si cath at gabriel? Nasa mall? Anong meron?

"Chloe, umupo ka nalang don kami na ang bahala dito malapit nanaman tayong palitan kaya makakain na tayo ^__^" sabi ni timothy kaya umupo na nga lang ako

After 1 hour

"Oh kayong tatlo! Kumain n kayo kami naman dito ^__^" sabi ng president namin

Ngumiti nalang ako dahil hangang ngayon wala padin ako sa ulirat, hindi ko nga alam kung paano ako nakadating ng canteen nang walang nabangga eh at si timothy nadin ang nag-order nang pagkain ko hangang sa may tumawag sakin.

"Hon ^__^" paglingon ko ay si Gabriel kasama si cath pero hindi ko sila pinansin binalik ko nalang ang attention ko sa pagkain "we won hon ^__^ sayang wala ka kanina pero diba mapapanuod mo naman ako bukas?" dagdag niya

"Uh! Congrats" tipid kong sagot "bumili ka nang pagkain tsaka kumain kana" alam kong nakatingin sakin ngayon si sophia pero hindi ko pinansin

"Ah sige ^_^" sabi niya at bumili na ngang pagkain samantalang si cath hindi tumatayo mukhang wala siyang balak kumain

Forever EXIST? [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon