Sophia's POVSumisigaw si chloe sa sobrang sakit nang ulo niya hangang sa mawalan siya nang malay kaya tinulungan ako ni tj na pahigain ito hangang sa pumasok na ang doctor
"Ma'am mas maganda kung pagpahingahin niyo muna ang pasyente dahil hindi porket sinabi ko sainyong stable na siya ay nakarecover na siya sa aksidente, wag niyo munang hayaang mastress ang pasyente." Sabi nito sakin
"Sige po doc. Pwede na ba siyang madischarge bukas?" Magalang kong tanong
"Oo naman kung makakapagpahinga siya ngayon madidischarge na siya" sabi nito at nagpaalam na
Katahimikan
Tinitignan lang namin si chloe hangang sa magsalita ang nobyo ko
"Bibili lang ako nang makakain natin ha?" Paalam nito sakin at lumabas sila ni tj
Biglang umupo si nay piling sa tabi ni chloe at mahahalata mong nalulungkot siya para sa kaibigan ko lalo na't hindi iba si nay piling sa pamilya nito
"Naaawa ako sa alaga ko iha, Tama naman si sandra eh hindi deserve ni chloe ang sakit at hirap na nararanasan niya ngayon. Sobrang bait nang batang yan at alam kong alam mo yan, walang ginawa yan kundi isipin ang mga mahahalagang tao sa paligid niya kahit wala nang natitira sa kanya basta maging masaya lang ang taong mahalaga sa kanya kaya nga kahit ayaw niyang mahiwalay sa pamilya niya ay nagstay padin siya para sa nobyo nito eh. Kung ako masusunod gusto kong pumunta na si chloe sa france para makasama niya na ang pamilya niya" sabi nito sakin
"Kapag pumunta siya nang ibang bansa nay malalayo siya satin" malungkot kong tugon dito
"Kahit malayo siya satin pero alam kong nandito siya sa puso natin." Sabi nito
Hindi nako sumagot sa kanya kasi diko alam kung anong dapat kong isagot sa kanya. Kung ako tatanungin ayokong umalis siya, mula bata kami magkasama na kami at hindi ko alam kung handa naba akong magkalayo kami.
"Boo" tapik sakin ni jc "kain na tayo" dagdag pa nito
"Sige boo" malungkot kong tugon dito
"Okay lang ba?" Nag-aalalang tanong nito sakin
Tumango lang ako sa kanya saka pumunta na sa may lamesa para sabay sabay na kaming makakain nila nay piling
"Pagkatapos nating kumain, umuwi na kayo mga iha at iho para makapagpahinga nadin kayo" sabi ni nay piling
"Sure ba kayo nay na ikaw na magbabantay kay chloe" tanong ko dito
"Oo iha. Wag kang mag-alala aalagaan ko nang mabuti yang kaibigan mo" nakangiting sabi nito sakin
Tumango nalang ako dito saka pinagpatuloy ang pagkain namin.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang saglit at nagkwentuhan lang bago naming maisipang umalis na sa hospital
"Nay piling uwi na po kami, punta nalang po kami sa bahay niyo bukas para dalawin si chloe" paalam ng nobyo ko
"sige iho mag-ingat kayo ha?" Paalala nito samin
"nay sunduin ko kayo dito bukas ni chloe" sabi ni tj habang nakatingin kay chloe saka tumalikod palabas ng room kaya sumunod nalang kami
Habang nasa byahe ako ay tahimik lang ako habang nakatingin sa bintana dahil hangang ngayon iniisip ko padin yung gusto ni nanay piling na pumunta nang ibang bansa si chloe.
Nagulat nalang ako nang hininto ni jc ang sasakyan s gilid nang park.
"Boo bakit? May bibilhin ba kayo ni tj?" Tanong ko dito
"Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo? Anong problema?" Nag-aalalang tanong nito sakin
"Ah wala boo" sagot ko dito at umiwas ng tingin sa kanila
"Alam kong nagsisinungaling ka sakin boo" matipid nitong sagot sakin
"Wala nga boo, umuwi na tayo" pilit kong sagot dito
"Wag mong paandirin ang sasakyan habang di nagsasalita yang nobya mo dude" sabi ni tj kaya napatingin ako dito kaya tinaasan lang ako nang kilay nito
"Fine" pagsuko ko sa mga ito "Nagkausap kami ni nay piling na gusto niyang pumunta nalang nang france si chloe" mahina kong sagot
"And?" Tanging reply ni tj
"tj hindi mo ba ko naintindihan kapag pumunta si chloe sa ibang bansa mahihiwalay siya satin, hindi kaba natatakot na mahiwalay satin si chloe? Mahal mo siya diba?" Sabi ko dito
"I can wait" balewalang sagot nito sakin
"Boo ayaw mong umalis si chloe?" Tanong .ang nobyo ko
"We are bestfriend since birth boo, sa lahat nang bagay ay magkasama kami at magkasundo and if ever na umalis nga siya nang bansa ito yung unang beses na magkakalayo kami at hindi ko maimagine ang araw na hindi kami magkasama" malungkot kong sabi saka pinunasan ang kumawalang luha sa mata ko
"Makinig ka sophia ha? Hindi naman porket aalis si chloe nang bansa ay kakalimutan niya na tayo eh, paano kung ayun lang ang tanging paraan para makalimot at maghilom ang lahat nang sugat niya" sabi ni tj
"Besides boo alam nating dalawa kung gano niya minahal si gabriel kaya for sure di ganon kadali para sa kanya ang makalimot" sabi naman ni boo sakin "saka wala pa namang desisyon si chloe diba kaya wag ka nang malungkot" dagdag pa nito
Sumang-ayon nalang ako sa kanila saka nagsimula na uli siyang mag-drive ang una naming hinatid ay si tj.
Pagdating namin sa bahay ay nagpaalam na kami sa isa't isa, hindi nadin siya bumaba dahil gabi nadin naman.
After 2 hours
Kasalukuyan kong tinitignan ang album namin ni chloe nang biglang may magsalita sa likod ko
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Mahinahon nitong tanong
"Nagpapaantok palang po ako mommy" mahina kong sagot
"May problema ba nak? Si chloe kumusta na?" Tanong pa nito habang tinitignan ang hawak kong album
"My selfish bako kung sasabihin kong ayokong malayo sakin si chloe" naiiyak kong tanong
"Aalis ba siya?" Balik tanong nito sakin
"I don't know" malungkot kong sagot "pero mom kasi y-yung ate niya at si nay piling gusto nilang magpunta nalang si chloe sa france eh" sagot ko pa
"Anak alam mo namang may pinagdadaanan ang kaibigan mo ngayon diba? Kaya gusto nilang nasa tabi sila ni chloe kasi alam nilang kailangan ni chloe ang masasandalan" sabi nito sakin
"That's why I'm here mom. I won't leave my bestfriend, I won't sacrifice our friendship *huk*" sagot ko at tuluyan nang umiiyak
"Naiintindihan kita sophia pero hindi mo padin maiaalis kay chloe kung gugustuhin niyang makasama ang pamilya niya. Anak sa lahat nang tao sa paligid ni chloe ikaw ang kauna-unahang tao na DAPAT makakaintindi sa kanya since magbestfriend kayo diba? Matagal siyang nalayo sa pamilya niya dahil pinili niyang mag-stay para sa good for nothing niyang nobyo. Hindi madaling maghilom ang sakit na dinulot nang taong minahal mo sa loob nang tatlong taon na hindi naman pala totoo ang lahat and being a bestfriend you need to support her no matter what. Hindi porket iniwan ka niya or umalis siya ay ibig sabihin nun hindi na kayo mag-bestfriend anak." Sabi nito habang nakatingin lang sa mata ko
"Mamimiss ko siya mom *huk* but I want to be a supportive bestfriend" sabi ko at ngumiti nang matipid
"Matulog kana anak beside hindi pa naman nakakapagdesisyon ang bestfriend mo eh. Goodnight anak and I love you" sabi nito saka kiniss ang cheeks ko
"Goodnight mom and I love you too" sabi ko saka binuksan nalang ang lampshade at pinatay ang switch sa gilid nang headboard nang kama ko kaya tuluyan nang lumabas si mommy
BINABASA MO ANG
Forever EXIST? [ONGOING]
RomanceAng PAIN ay laging parte ng pagmamahal, ang PAIN ang nagsisilbing main ingredient sa pagmamahal. Simple ang buhay ko, ako yung tao na kuntento sa maliit na bagay. Ako yung taong masaya sa katiting na nagawa ng taong mahalaga sakin at ako yung taong...