Chapter 23

3 0 0
                                    


Sophia's POV

"Iha hindi niyo padin ba makontak ang alaga ko?" Nag-alalang tanong ni nay piling

"Hindi pa nga po nay eh" sagot ko habang patuloy na tinatawagan ang bestfriend ko

Mula nang umalis siya sa university at patayan ako nang tawag ay diko na uli siya matawagan tas idagdag pang pagpunta namin dito ay hindi pa umuuwi ang magaling kong kaibigan

"Tj sure kabang hindi nagtext sayo si chloe, nagaalala nako sa kanya" tanong ko

"Hindi padin eh. Baka pauwi nadin yun. Antay lang tayo nang saglit" sagot niya at mahahalata mong di din siya mapakali

*BLAG*

Nagulat kami sa biglang pagbukas nang pinto at pumasok ang driver nila na akay-akay si chloe

"Chloe" sabay sabay naming sigaw habang nilalapitan siya

"Carding anong nangyare sa kanya? San mo siya nakita" nag-aalalang tanong ni nay piling

"Hindi ko alam sa batang yan piling at nagulat nalang akong may taxi at sinasabing lasing na lasing ang pasahero, pagtingin ko siya pala at sabi nang taxi driver galing daw sa bar eh." Pagpapaliwanag nito

"Uhm. Akin na po tay carding buhatin kona siya" nag-aalangang sabi ni TJ

Nakasunod lang kami nila nanay piling at jc kay Tj nang biglang magsalita si Chloe

"Gabriel" Chloe

"Iho ilapag mona ang alaga ko dito oh?" Sabi ni nanay piling na may hawak na bimpo

"Nay ako nalang po ang gagawa niyan" pagboluntaryo ni Tj kaya nagkatinginan lang kami ni Jc

Habang pinupunasan niya ang kaibigan ko ay hindi ko maiwasang hindi maiyak para sa bestfriend ko

"Boo why are you crying?" Nagaalalang tanong sakin ng boyfriend ko

"She doesn't deserve this! My bestfriend doesn't deserve this *huk* mabait siya boo pero bakit kailangang maranasan niya ito? Ang gago nila!" Naiiyak kong sabi

"Shh! Stop crying" sabi niya habang yakap ako perp si Tj tanging seryoso lang habang pinupunasan ang bestfriend ko nang biglang magsalita uli siya

"Gabriel *huk* ako nalang p-please! I-i love you hon. Wag mokong iiwan ha?" Sabi niya habang hawak ang kamay ni tj

Nakita ko sa mukha ni tj yung sakit habang pinapakinggan yun saka nagsalita "I won't leave you chloe!"

Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami daming lalaking pa bakit sa lalaking yun pa nainlove ang bestfriend ko samantalang walang ginawa si chloe kundi magmahal at magbigay.

*RING* *RING*

"Jusko po" O.O nay piling

"Nay sino yan?" tanong ko kasi mababakas mo sa kanya ang pangamba

"Si Sandra ang ate ni chloe tumatawag iha?" Nag-aalala niyang sagot

"Ako nalang po ang kakausap nay" sabi ko

"Sige iha pero sana wag mo munang sabihin sa kaniya ang nangyayare sa alaga ko, dahil sigurado ako uuwi dito si alex kapag nalaman yan at hindi magugustuhan ni chloe yan" sabi niya sabay abot sakin ng cellphone niya

"Nay piling! Asan ba si chloe? Bakit diko siya makontak?" Mabilis na tanong ni ate

"Uhm. Ate sandra?" Tanging sagot ko

"Sophia? Asan ba yang magaling mong bestfriend ha? I'm so worried!"

"Ate tulog na po si chloe, nagpapahinga na eh." Kibit balikat kong sagot

"At bakit nakapatay ang cellphone niya? May problema ba jan?" Tanong niya uli

"Uhm. W-wala po ate, siguro nadeadbat lang yun" sagot ko

"Osige. Magpahinga kana din ha? Pakisabi kay chloe tawagan niya ko agad bukas" paalala niya sakin

"Opo ate sandra" sabi ko nang papatayin niya na ang tawag ay bigla ko siyang tinawag "ate sandra?" Tawag ko uli

"Uhm"

"Kapag nakausap mo po si chloe, ask her something ate ha? She needs you ate" sabi ko saka pumatak ang luha ko

"What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong

"Kumustahin lang ate. For sure namimiss niya na kayo ate eh. Sige na bye ate" sabi ko at pinatay na ang tawag

Hindi ko kayang magsinungaling kay ate sandra kaya pinili ko nalang patayin ang usapan.

'You'll be fine soon bes. I believe in you'

"Dito na kayo matulog mga bata ha? Magpahinga na kayo" sabi ni nay piling at lumabas na kaya naglatag nalang din kami para makapagpahinga na

Forever EXIST? [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon