Chapter 26

3 0 0
                                    


Chloe's POV

Anong nangyare bakit napakasakit nang ulo ko, may hang over nanaman bako? Saka bakit puro puti ang nasa paligid ko

"Chloe are you okay?" Nag-aalalang sagot ni sophia

"Anong nangyare?" Nanghihina kong tanong

"Ikaw ang dapat tanungin namin niyan kung pano ka nabanga sa poste na yun at bakit ka naglasing kung alam mong magmamaneho kapa" pagalit sakin ni timothy

"I'm just tipsy! Ang naaalala ko ay nagtatalo kami ni gabriel sa cellphone hangang sa manlabo na ang mata ko sa luha" paliwanag ko

"Si gabriel?" Madilim na tanong ni timothy sakin "ano pa bang gusto nang lalaking yun sayo ha?" Dagdag pa sa sinasabi niya

"I don't know" tanging sagot ko "pwede bang tulungan mokong makaupo?" Tanong ko

Inaalalayan niya na ko hangang sa makaupo nako nang maayos habang si sophia naman ay may kinakalikot sa laptop niya

"Hello ate sandra, gising na po si chloe. Ibibigay kona po sa kanya" sabi nito habang naglalakad papunta sakin "gusto ka niyang kausapin bes" sabay lapag nang laptop sa table ko sa kama

Nakita ko kung pano sumama ang tingin nang ate ko sakin pero tumahimik lang ako

"Wala ka bang sasabihin?" Mataray na tanong nito

"Uhm. Ate sorry di tayo nakapagvideo call last night may ginawa lang--" naputol ako nang biglang sumigaw si ate

"Bullshit chloe! Hindi yan ang tinatanong ko!" Sigaw nito "hangang kailan mo itatago kung pano ka ginago nang ex mong yun ha?"

Nagulat ako kaya tinignan ko si sophia pero nag-iwas siya nang tingin

"Wag mo siyang sisihin kase tinakot ko siya para sabihin sakin ang totoong nangyayare sayo jan sa pilipinas" sigaw pa nito sakin

"Ate magpapahinga nako ha? Tatawag---" pinutol niya ko ang sinasabi ko

"Wag mong subukang patayin chloe. I'm telling you malalaman ni daddy ang ginagawa mo" banta nito sakin

Tinititigan ko lang ang ate ko habang pilit na kinakalma ang sarili niya dahil hindi ko din naman alam kung anong dapat kong sabihin.

"Hangang kailan mo itatago sakin yang nangyayare sayo?" Tanong nito sakin

"Wala namang rason para sabihin pa sayo ate eh, wala pading magbabago. Nasasaktan padin a-ko" malamig kong sagot

"Alam mong handa akong makinig sayo diba? Hindi porket nandito ako sa france ay hindi nako nag-aalala sayo chloe. Sinabi sakin ni sophia kung paano ka nasisira dahil sa lalaking yun. Nagpapakalasing ka, nagcucutting at umuuwing gabi tapos ngayon naaksidente kapa, for godsake hindi lang kay gabriel umiikot ang mundo mo" pagsesermon nito sakin

"I'm okay now ate" mahina kong sagot

"Okay ka nga ba talaga ha? You don't need to pretend that you're okay chloe. Nandito kaming pamilya mo, kaibigan at si nay piling" mahinahon nang sabi nito kaya naiyak nako nang tuluyan

"I-im sorry *huk* I just wanted to be okay ate kasi ang sakit na eh, ang sakit sakit na *huk* hindi ko a-alam kung hangang kailan ako magiging ganito kaya ayokong idamay kayo sa pagiging miserable ko *huk* ang u-unfair naman kase ate three years kong inakalang mahal ako ay ginago ako. Hindi ko alam kung pano ko haharapin eh." Hagulgol ko sa kanya

"Chloe He doesn't deserve your tears. Walang pwedeng magpaiyak sa mga chua alam mo yan diba? Uuwi jan si kuya alex kapag natapos niya na ang business proposal niya dito." Nagulat ako sa sinabi nito sakin

"What? Ate anong gagawin ni kuya alex dito?" Natataranta kong tanong

"Chloe sinabi ko sa kanya ang nangyayare sayo jan at alam mong ayaw niya sa lalaking yun kaya alam mo na ang reaksyon non nung malaman niya." Sabi nito

"Ate sana hindi mona sinabi, awatin mo siya please ate besides I can manage myself." Pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi magandang idea ang pag-uwi ni kuya alex sa pilipinas dahil for sure aawayin niya lang si Gabriel

"Don't tell me chloe na prinoprotektahan mo padin yung lalaking yun ha?" Di makapaniwalang tanong nito sakin

"Ayoko lang nang gulo kaya please pigilan mo si kuya" mahina kong tugon

"Pumunta ka nalang dito sa france chloe" sagot nito sakin

"Ate ayoko" sagot ko dito

"Chloe dati ayaw mo kasi nanjan ang boyfriend mo pero ngayon wala na kayo, so ano pang reason mo para mag-stay jan ha? Nandito kaming pamilya mo." Sabi nito

"Ate nandito ang kaibigan ko" paalala ko naman sa kanya

"Pag-isipan mo yan at susubukan kong pigilan ang kuya mo. Sige na babye na" paalam nito sakin

Hindi ko alam kung dapat ko bang takbuhan ang lahat nang masasakit na pangyayari sa buhay ko dito sa pilipinas.

Walang nagsasalita saming lahat hangang sa bigla nalang bumukas yung pinto at niluwal nito si Gabriel at si cath na magkahawak kamay kaya napatayo naman ang mga kaibigan ko

"Anong ginagawa niyo dito?" Malamig kong sagot saka hinawakan sa braso si timothy para  pigilan

"Nag-alala kasi ako I mean kami nung naaksidente ka habang magkausap tayo sa cellphone" paliwanag ni gabriel

"I already told you that I won't forgive you and cath right? So stop pretending that you are really concern" Pabalang kong sagot

"We're not pretending chloe, we are really concerned to you" sabi nito sakin

"I won't believe you since the last time na naniwala ko sayo nauwi lang akong luhaan" malamig kong sagot

"Umalis nalang kayo dito" pagpapalayas nang kaibigan ko sa kanila

"Chloe Gusto kitang makausap, parehas kami ni gabriel" singit ni cath samin

"Para saan pa? I already congratulate you for stealing gabriel away from me." Sabi ko habang nakatingin nang masama sa kanila 'I need to be strong'

"I'm sorry chloe, I don't want to hurt you. Sino bang matinong kaibigan na saktan ang taong walang ginawa kundi pahalagahan ang koneksyon nila sa isa't isa diba?" Sabi nito sakin

"Kaso dika matino kaya pinatulan mo padin ang boyfriend ko" natatawa kong sagot sa kanya "and for the record you are not my friend" dagdag ko pa

"Chloe" tawag sakin ni gabriel

"What? Totoo naman diba gabriel? Simula nang pinili niyang sirain ang relasyon natin ay isa lang ibig sabihin nun ay sinakripisyo niya ang friendship namin." Malamig kong sagot

"I'm sorry chloe *huk* I'm really sorry" pagmamakaawa nito sakin

"Sorry? The damage has been done cath! Your sorry can't fix everything. like what I've said when you choose to destroy me and gabriel, you.already.break.our.friendship! Kahit ilang beses mong sabihing ayaw mo kong masaktan *huk* y-you still hurt me bigtime! I still feel the pain." Sigaw ko dito habang hawak ako ni timothy

"Ilang beses kong sinubukan na pigilan yung nararamdaman ko kay gabriel chloe pero natalo ako nang puso ko eh" mahinahon nitong sagot

"Tumigil kana! *huk* I won't believe to your f*cking excuses!" Sigaw ko dito "umalis na kayong dalawa and I hope this is the last time na makakausap ko kayo" malamig kong dagdag sa sinasabi ko

"Chloe naman" pagsusumamo ni gabriel

"Leave" malamig kong sagot habang tinuturo ang pinto pero tila bingi silang hindi gumagalaw sa pwesto ko kaya sumigaw nako at binato ang vase sa table ko "I SAID LEAVE! GET OUT! PLEASE LANG UMALIS NA KAYO PATI SA BUHAY KO!"

Lalapitan pa sana nila ko pero tinulak na sila ni timothy palabas nang room habang yinakap ako ni sophia.

Forever EXIST? [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon