Chloe's POVPag-akyat ko dito pagkatapos naming magtalo ni sophia ay napagdesisyonan kung tumawag nalang kay ate sandra.
Nagriring lang sa kabilang linya kaya pinunasan ko nalang ang luha ko sa mga pisngi ko
"Chloe bakit?" Sagot ni ate
"Ate sandra asikasuhin mona ang ticket ko, gusto ko nang umalis tomorrow evening" sabi ko dito
"Talaga? Papayag ka nang pumunta nang france?" Masayang tanong uli nito
"Opo ate" malungkot kong sagot
"Ano naman ang nagtulak sayo para magdeisyon nang ganyan ha?" Tanong uli nito sakin kaya kwinento ko nalang ang nangyare
"Hindi ko gusto ang ginawa mong pagmamakaawa pero I am happy na aalis kana jan" sabi nito saka pinatay ang kabilang linya
Habang inaayos ko ang maleta ko nang may kumatok sa pinto bago niluwal nito ang ninang ko, ang mommy ni sophia
"How are you anak?" Nakangiting tanong nito
"I'm fine po ninang" mahina kong sagot
"Nalaman ko kay sophia na nagtalo kayo?" Tanong pa nito
"Nagkaron lang po nang maliit na hindi pagkakaintindihan ninang" sabi ko naman
"Iha sana wag kayo magkasira nang dahil lang sa walang kwentang lalaki at naikwento sakin ni sophia ang nangyare sayo and she even blame herself dahil nasasaktan ka" malungkot nitong saad
"Wala naman pong kasalanan si sophia ninang sadyang ganito ata talaga ang buhay, hindi lahat nang lalaking mamahalin natin ay mapapasayo" mapait kong tugon saka pinagpatuloy ang ginagawa ko
"Aalis ka?" Naguguluhan nitong tanong
"Uhmm. Opo ninang and sana wag mo munang sabihin kay sophia, ako nalang po ang magsasabi" mahina kong sagot kaya tumango lang ito saka umuwi na nang tuluyan si ninang
Pagkatapos kong mag-ayos ay nagtungo nalang ako sa veranda nang aking kwarto para magpahangin kasi ang totoo niyan nagdadalawang isip ako kung aalis ba talaga ako nang bansa
*TOK* *TOK*
"Pasok po" sigaw ko
"Iha nakausap ko ang ate sandra mo at sinabi niyang aalis ka nang bansa?" Tanong nito
"Opo nay" malungkot kong sagot
"Alam na ba nang mga kaibigan mo iha?" Tanong ni nanay piling
"Nay gusto mo bang sumama sakin sa france?" Balik ko namang tanong
"Nako iha wag na saka hindi ko pwedeng iwan ang bahay niyo para kapag umuwi kayo dito ay malinis padin" paliwanag nito sakin
"Pero nay mag-isa ka dito *pout* saka wala nang mag-aalaga sakin sa france" malungkot kong saad
"Iha nandun ang pamilya mo, ang mommy at daddy mo? Hindi ka nila papabayaan iha. Hangang doon ba naman aagawin ko ang oras mo na dapat para sa kanila" natatawa nitong sagot sakin
"Mamimiss kita nay piling, basta kapag gusto mpng sumunod sabihan mo lang ako ha? Wag mong pababayaan ang sarili mo dito" paalala ko dito
"Alam naba ng mga kaibigan mo ang pag-alis mo?" Tanong nito sakin uli
"Mamaya po sasabihin ko sa kanila" sagot ko "sa tingin mo nay tama bang umalis ako?" Tanong ko uli
"Nagdadalawang isip ka ba?" Tanong nito
"Opo nay. Hindi ko ma-imagine na iiwan ko si sophia at ang ibang friends namin, ikaw din nay" malungkot kong saad saka tumingin sa labas
"Iha maiintindihan ka namin sa desisyon mo yan" sabi nito saka hinawakan ang kamay ko
BINABASA MO ANG
Forever EXIST? [ONGOING]
RomanceAng PAIN ay laging parte ng pagmamahal, ang PAIN ang nagsisilbing main ingredient sa pagmamahal. Simple ang buhay ko, ako yung tao na kuntento sa maliit na bagay. Ako yung taong masaya sa katiting na nagawa ng taong mahalaga sakin at ako yung taong...