CHAPTER 25

3 0 0
                                    


Timothy's POV

Kasalukuyan kaming nasa bahay nila chloe kasi biglang hindi na pumasok si chloe after lunch tapos mababalitaan namin sa gagong yun na after nilang kausapin si chloe ay umalis na ito pero pagdating namin dito wala naman si  chloe.

"Dapat di na tayo pumunta dito sophia eh, binigyan lang natin nang alalahanin ai nay piling" naiiling kong sabi kela sophia and jc

"Ano bang nangyayare kay chloe! I don't know her anymore. Kahit kailan hindi nag-cutting yun" nag-aalalang sabi nito habang nasa tabi ang nobyo

"Iho kumain muna kayo, gabi nadin eh. Wala padin bang balita sa alaga ko?" Nag-aalalang tanong nito habang nilalapag ang pagkain

"Wala pa po nay piling eh, kami nalang po mag-aantay magpahinga na po kayo" sabi ko sa kanya

"Hindi ko kaya iho, nag-aalala ako sa batang iyon" tanging sagot sakin

*RING* *RING*

"Akin yun" sabi ni sophia tas tinignan niya tas tumingin bigla kay nanay piling "si ate sandra po nay" mahina nitong tugon

Sinagot niya saka niloud speaker

"Sophia asan nanaman yung bestfriend mo ha?" Mataray nitong tanong

"Uhm ate" tanging naisagot ni sophia

"What? Nangako siyang magvivideo call kami at 2 hours nakong nag-aantay and she donesn't even answer my calls" dire-diretsong sabi nito

"Ate kasi.." sabi nito at tumingin samin "baka busy lang po si chloe" dugtong niya pa

"Ano ba talaga nangyayare jan at sa kapatid ko sophia? I know you're lying sophia at wag mokong galitin ha? Masyado mong kinukumbinse yang bestfriend mo" sabi nito habang si spphia ay nakatingin kay nay piling pero uiling lang si nay piling

"I'm sorry! *huk*" sabi ni sophia habang nakatingin kay nay piling "ate sandra si chloe" naiiyak na panimula ni sophia

"Anong problema? At bakit ka umiiyak?" Nag-aalala nang tanong

"Ate niloko ni gabriel si chloe at sobrang nasasaktan *huk* s-si chloe ngayon, kahapon umuwi pong lasing si chloe tapos--" napahagulgol si sophia kaya di niya na tapos ang sinasabi

"Tapos?" Malamig na tanong ni ate sandra

"Tapos po ate ngayon nagcutting si chloe after niyang makausap si gabriel sa rooftop *huk* and hangang ngayon wala padin siya dito sa bahay niyo" sabi ni sophia at yumakap sa nobyo nito

"Panong wala? Asan na siya sophia? Sisiguraduhin kong malalaman ni kuya alex kung anong ginawa nang lalaking yan sa kapatid ko" galit na galit na sigaw nito

*RING* *RING*

"Kanino yun? Baka yan na yung alaga ko" nagaalalang tanong ni nay piling

"Si chloe po tumatawag" anunsyo ko

"Iloudspeaker niyo" utos ng ate nito kaya sinagot ko saka niloud speaker

"Chloe where are you? Umuwi kana chloe please naman" nag-aalala kong tanong

"H-help me! Open your GPS and look for me. I really need your help timothy" nanghihina nitong sabi hangang sa mamatay ang tawag

"Anong nangyare sa kapatid ko ha? Hanapin niyo ang kapatid ko" nag-aalalang utos ni ate sandra

"Ito na po ate hinahanap kona po" sagot ko habang tinitignan ko sa gps ko.

"Nasa daan lang siya pauwi na dito, malapit sa bar sa school" sabi ko at tumayo "tara na guys" dagdag ko

"Ate sandra papatayin ko muna yung call ha?" Paalam ni sophia

"Okay okay. Ivideo call niyo ko once na kasama niyo na ang kapatid ko ha? Mag-ingat kayo" sabi nito at pinutol ang linya

Habang nasa byahe kami ay walang nagsasalita samin, napakatahimik hangang sa papalapit na nang papalapit ang sasakyan namin nang mapansin ko yung kotse ni chloe na nakabanga sa poste

'Shit!'

"Chloe! Hey chloe" pagtapik ko dito

"Tj let's go dalin nanatin siya sa ospital" sabi ni sophia kaya sinakay kona siya sa sasakyan namin

Forever EXIST? [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon