Chapter 10

8 2 1
                                        


Mula nang sabihan ako ni sophia kung pwede kaming mag-usap ay nandito lang kami sa garden ng school namin, Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para magsalita na siya.

*BEEP*
One message received
~Timothy
Wala tayong prof kaya okay lang na magusap lang kayo at ayusin niyo na yan. Antayin ko kayo sa canteen okay? Ingat!

"Uhh! Sophia wala daw tayong prof at antayin nalang daw tayo ni timothy sa canteen" alanganin kong paglilitanya

"I'm Sorry" hindi yun ang ineexpect kong sagot na makukuha kaya napatingin ako sa kanya

"No sophia, I am sorry" sagot ko sa kanya

"Ako ang nagsimula nun chloe eh kaya I'm sorry! Nag-sosorry ako dahil ayaw kong nagkakatampuhan tayo pero hindi ako nag-sosorry sa mga sinabi ko tungkol sa boyfriend mo." Sagot niya

"Sophia" tangi kong sagot

"Alam ko pinakita ko sayo na simula't sapul na ayaw ko sa boyfriend mo because he's a playboy pero hinayaan kita kase masaya ka! Hindi ko ipipilit sayo ang nakita ko pero tandaan mo sa oras na makita mo o malaman mo na ang katotohanan? I'm always here for you! We are! Hindi ko isusumbat sayo na hindi ka naniwala subalit kadamay mo ko sa sakit na mararanasan mo. Siguro talagang hindi pa ngayon ang time para malaman mo ang katotohanan" sagot niya

"Yes sophia he WAS a playboy! but everyone deserves a chance na magbago at nagbago siya para sakin sophia and I'm thankful na bestfriend kita" sagot ko sa kanya at nagyakapan lang kami hangang sa maging magaan na ang feeling naming dalawa

"Tara na chloe? Baka tumirik na ang mata nila timothy don" nakangiti niyang pangaaya sakin

Nang makadating kami sa canteen ay hinanap na agad namin sila timothy pero si timothy at Jc lang ang nakita namin tsaka nanaming nilapitan.

"Where's cath and my boyfriend?" tanong ko

"Uhhh! Si Gabriel siguro umuwi na tapos si cath umalis nadin siya saktong pag-alis niyo" sagot ni Timothy

"Ahhhh" sagot ko

"Bakit di kaya boo tambay tayo sa bahay ngayon?" Suggest ni Jc sa girlfriend niya

"Sige boo! Sama kayo ha?" Pagsang-ayon ni sophia "boo order ka nalang ng pizza ha?" Dagdag niya

Kasalukuyan kaming nasa byahe ni timothy dahil sa kanya ako sumabay papunta kay jc dahil malayo ang bahay ni jc sa university ay naabutan kami nang traffic.

"Malayo paba tayo timothy?" tanong ko

"Medyo eh!" Sagot niya

"Ang layo naman pala nang bahay nila" sagot ko nang biglang tumigil ang kotse ni timothy sa gilid "what happen timothy" tanong ko

"Wait! Titignan kolang ha? Hindi ko pa naman alam itong lugar na ito dahil nag-shortcut tayo" sagot niya at lumabas ng kotse kaya sumunod ako sa kanya

"Hala? Na-flat ang gulong mo timothy" sabi ko

"Shit! Wala pa naman akong reserba. May pantawag kaba?" Tanong niya

"Deadbatt na ang phone ko? Yung sayo?" Sagot ko

"Same! Mag-antay nalang tayo dito nang dadaan." Sabi niya kaya pumasok nalang uli kami sa loob ng kotse

Hindi ako mapakali sa passenger seat dahil alam kong nag-aalala na sakin si nanay piling dahil 11pm na pero wala naman kaming magagawa dahil until now wala pading dumadaan dito.

"Gusto mo matulog ka muna?" Sabi niya sakin

"hindi pa ko inaantok" tangging sagot ko "timothy! Sa tingin mo totoo kaya yung mga sinabi ni sophia sakin?" Tanong ko

"Anong sinabi?" Naguguluhan niyang sagot

"Yung may relasyon sila cath at ang bf ko?" sabi ko

"Maniniwala kaba kapag sinabi kong naniniwala ako sa bestfriend mo? Nagseselos kaba kay cath?" Sagot niya

"selos? I dont know! Kase isang tao lang naman pinagseselosan ko pagdating kay gabriel eh" sabi ko at bumuntong hiniga

"Sino naman yun?" Tanong niya

"Yung niligawan niyang binusted lang siya" tangging sagot ko at tuminggin lang sa wrist watch ko three hours na pala kaming nag-aantay dito

after nang usapan na yun ay wala nang nagsalita samin kaya nagmuni muni nalang ako hangang sa hindi ko namalayang nakatulog nako.

"Chloe!" Tawag sakin habang tinatapik ang braso ko pagtingin ko ay si timothy pala at umaga na pala so ibig sabihin dito kami natulog sa kotse.

"Nakatulog pala ako. wala padin bang gagawa?" Tanong ko sa kanya

"Okay na ang kotse ko, sorry talaga chloe" sabi niya

"It's okay! Let's go home" pang-aaya ko at umalis na kami sa lugar na yun nakakasigurado akong malalagot ako nito kay nanay piling at tumawag na yun kay gabriel

"We're here! Let's go" sabi niya at bumaba nang kotse

Pagpasok namin sa bahay ay nagtataka ako bakit may ibang kotse sa harap nang bahay namin ngayon at pagbukas ko nang pinto napatingin lahat sila samin.

"Ghad! Chloe san kayo nanggaling?" Nag-aalalang tanong ni sophia

"We're sorry guys and nay piling na-flat yung gulong nang car ko eh tapos parehas pa kaming deadbatt eh" pagpapaliwanag ni timothy sa kanila kaya nakahinga sila nang maluwag

"Pinag-alala moko iha" sabi sakin ni nay piling

Ngumiti nalang ako sa kanila at "uhmm! Nay piling hindi ba pumunta dito ang bf ko?" Tanong ko

"Ahh. Iha! Tinatawagan ko siya since kagabi pero busy palagi ang phone niya eh" nagaalinlangan niyang sagot kaya napakibit balikat nalang ako

Naisipan nalang namin na ituloy nalang dito yung naudlot naming plano after kumain ng agahan.

"Chloe! Sorry talaga sa kagabi ha? Tinawagan din namin sila gab at cath pero di namin sila ma-contact eh" hinging paumanhin ni jc

"Let's not talk about them" wala kong ganang sagot

"Huh? Bakit?" Tanong ni jc "baka kasi nagtatampo ka dahil wala sila cath at ang bf mo dito eh" dagdag niya pa

"I said lets not talk about them! I don't want to hear anything about them, just for this day!" Sabi ko at pumunta na ng sala

Paglabas ko nang kusina ay bigla nalang tumulo ang luha sa mata ko kaya napagdesisyunan kong umakyat nalang ng kwarto at humiga sa kama ko. I'm tired! Physically and emotionally.

' anong nangyayari satin gabriel? Hindi naman totoo diba? Napapagod nakong paniwalain yung sarili ko, may relasyon nga ba kayo ni cath? It's not about his past anymore! Yung mga tinginan nila? Yung mga araw na parehas silang wala IMPOSSIBLE' Tumatakbo yan sa isip ko hangang sa nakatulog ako.

Forever EXIST? [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon