Chapter 9

7 2 1
                                        

Chloe's POV

Nakabalik na kami nang tagaytay pero hindi padin kami naguusap ni sophia miski nasa iisang bubong kami hindi niya ko kinakausap.

*TOK TOK TOK

"Iha pasok ako ha?" Paalam ni nay piling bago pumasok sa kwarto "hindi padin ba kayo naguusap ni sophia 'nak?" tanong niya

"Hindi pa po eh" sagot ko

"magbestfriend na kayo mula ng bata kayo pero parang ngayon lang tumagal ng ganyan ang tampuhan niyo" sabi niya

"Nay piling gusto niya makipagbreak ako kay Gab, wala namang ginagawa sa kanya yung tao" sagot ko

"Baka naman kasi nagsasabi ng totoo ang bestfriend mo iha? Sa lahat  ng pwedeng paniwalaan mo diba dapat ang bestfriend mo dahil simula't sapul kilala mo na siya" sabi ni nanay piling at lumabas na ng kwarto ko.

Paano kung tama si nay piling? Paano kung nagsasabi ng totoo si sophia? Anong gagawin ko?

Nagtext ako kay timothy bago ako matulog para magpaalam sa kanya kasi madaling araw na pero gising pako.

Composed message

~Timothy
After lunch nako papasok timothy ah? Pakisabi nalang sa barkada
SENT

Kinabukasan, tanghali nako nagising at habang naliligo ako ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga sinabi ni sophia at ni nanay piling. Kahit ilang beses kong itanggi sa sarili ko nandun padin yung part na ibang iba ang closeness ni cath at gabriel eh! Madami nadin akong naririnig tungkol sa kanila pero bakit hindi ko magawang maniwala? Totoo bang kinukumbinsi ko lang ang sarili ko?

Hangang sa makarating ako sa university ay lumilipad ang isipan ko, talagang hindi mawala sa isip ko ang mga nangyayari sakin hangang sa may tumawag sakin nang makarating ako sa pintuan ng room namin.

"Chloe"

"Uhh! Cath" tangging sagot ko

"Bakit ngayon kalang?" Tanong niya sakin

"Hindi kase ako makatulog kagabi kaya tinanghali nako ng gising! Tara na!" Sagot ko tsaka na kami pumasok ng sabay sa room at pumunta sa kinaroroonan ng barkada ko

"Hon, kumusta ang laguna?" Tanong sakin ng boyfriend ko kaya napatingin ako kay sophia pero nginitian niya lang ako

"Okay naman! Bakit hindi ba kayo sumama kay sophia?" balik kong tanong

"busy kase ako hon, may pinapaayos sakin si mommy" sagot niya

"Ah! Eh ikaw cath? Don't tell me cath ay magkasama kayo? Nagdate?" baling kong tanong kay cath na parang nanghuhuli kaya napaubo si Gabriel at lahat nakatingin sakin pero binalewala ko yun at nakatingin lang kay cath na parang tense na tense.

"*Cough* Ano kaba hon? Bakit kami magdadate eh ikaw ang girlfriend ko" sagot sakin ni Gabriel "nagpapatawa kaba?" Dagdag niya pa

"Oo nagpapatawa lang ako kaya nga nagtataka ako bakit parang tense na tense kayo" sagot ko pero kay cath lang ako nakatingin na iniiwasan ang tinggin ko

"Ehem!"

Naalis lang ang tingin ko sa kanya nang mag-pekeng ubo si sophia habang nakatingin sakin pero tinalikuran ko nalang muna siya pero bigla siyang nagsalita.

"Can we talk Chloe?"

Forever EXIST? [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon