Prologue na Introductions pa!

82 1 1
                                    

There 12 in this...

"Hello ako nga pala si Julianna Maxine O. Roxas. Basta tawagin mo na lang ako na Julienne." ayoko talaga ng introductions eh. Nakakahiya.

"Hi. Ako nga pala si Robin. Robin D. Guvelier. Nice to meet you." aba taray niya ha.

"Hello. Hahaha!" gaig naman to.

"Ummm..."

"Hmmm.."

"May sasabihin ako sayo." agad agad. Nakakagulat naman siya.

"Ano yun?"

"Bading ako." ay sheteng kalabaw. Agad agad umamin hahaha. Sabi ko na nga eh sa taray niya. Hahaha! First time ko lang siya nakilala may sikreto agad.

"Ahh ganon." parang feeling walang alam. Shete di ko kayang itago.

"Eh ikaw?"

"Eh?"

"Tomboy ka ba?" aba gagu to ah. Tomboy daw! Pasalamat ka ngayon lang kita nakilala kung hindi kanina pakita sinapak.

"Ahh hindi. Sadyang ganto lang."

"Ahh. Mukha ka kasing tomboy eh." ay bastos to ah.

"Di naman haha." pinapanggap ko lang na tumatawa. Yung akala mo joke lang ang lahat.

"Buti naman. Baka gusto mo makilala mga kaibigan ko."

"Kaibigan?" agad agad. Wait lang nakakahiya to.

"Ano ka ba! Wag ka ng mahiya." tapos hinila ako. Ay shete di ako prepared.

Hinila niya ako hanggang makapunta kami sa playground. Bagong lipat ako dito tapos sabi ni mama makipag kaibigan daw ako. Ang strict kasi ni mama sa ganito. Tapos sasabihin niya na 'para sa iyo naman ito eh'. Mama this is my life huhu.

"Uy guys! Eto nga pala si Julianna." pakilala niya. Ako naman nahihiya pa.

"Ako nga pala si Marshall P. Lim." aba gentleman. Nakikipag shake hands pa saakin. Ano to deal or no deal?

"Tawagin niyo na lang ako na Julienne."

"Julienne. Pan lalaki yun eh."

"Basta okay na yun. Mas cool pakinggan hehehe."

"Nerd ka ba?" ay shete nerd daw pwede ba malabo lang yung mata.

"Masyado kasing malabo mata ko."

"Ay eto nga pala kapatid ko na si Benny. Kapatid ko na mas bata."

"Hi Benny."

"Ben na lang po." aba ben 10 daw.

"Okay sige."

"At eto naman si Antonio." nakaturo si Robin sa batang nag swing. Di ata marunong mag palakas ng swing mag-isa. Kailangan pa tulakin.

Lumapit ako sa kanya tapos tinulak ko yung swing at bigla naman siyang tumayo.

"Bastos naman." aba nag reklamo. Anong problema niya?

"Bakit mo ako tinulak?" para siyang nagagalit. Lagot ako balbon, bugbog sarado ako ngayon.

"Gusto lang kitang tulungan."

"Ahh okay." bigla naman siya umupo sa swing. Ang moody naman to.

"Ano nasaan na?"

"Yung alin?"

"Yung tulak ko."

"Tapos ngayon gusto mo."

Why Did I Ever Fall In Love With You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon