Chapter 9

2 0 0
                                    

Sinamahan ko nga si Marshall papuntang Tagaytay. Nagtext ako kay mama na bukas ako uuwi para samahan si Marshall at buti pumayag siya.

"Salamat sa pagsama saakin." sabi ni Marshall.

'"Wala iyon. Basta ikaw. Malakas ka saakin eh." ngumiti siya at tumingin sa bintana.

Nasa bus kami ngayon papuntang Tagaytay at baka matagalan ang biyahe namin.

"Sa Tagaytag ba talaga nag tratrabaho papa mo? Grabeh naman."

"Hindi naman siya nag wowork dun. Actually may meeting sila."

"Grabeh meeting lang."

"Palayuan lang noh. Sinasabi ko rin yan kay Benny."

"Si Benny alam niya?"

"Oo pero sabi niya na magdadasal na lang siya dahil wala si mama doon. Nauna na kasi siya."

"Ah ganon. So, ikaw anong dream job mo?" di ko alam kung bakit ko natanong yun pero curious talaga ako eh.

"Di ko alam pero gusto ko sana maging musician." naks. Kaya pala marunong mag gitara eh.

"Sus! Musician. Di ka naman magaling kumanta eh."

"Kahit kasama lang sa banda. Okay na saakin yun."

"Ahh. Eh anong gusto ng tatay mo sayo na maging?" shete ang dami kong tanong. Curious nga eh.

"Gusto niya ako ang susunod sa yapak niya. Maging engineer."

"Gusto mo naman?"

"Ayoko pero...wala na kong magagawa."

"Anong wala! Di mo dapat basta basta na ipahawak sa iba ang buhay mo kahit tatay mo siya. This is your life and there is his life. You should live happily ever after." parang may mali sa speech ko. Naging fairytale.

"Ang kulit mo talaga. Wala ka na dun." sabi niya at tumingin aa bintana at di na ako kinausap.

Ako nagpapatunog ng music sa phone ko. Nakakantok pero tiis dahil si Marshall na ang nauna matulog. Marami kasing iniisip kaya dinaan sa tulog, parang ako.
Nung nag iba ng direksiyon yung bus ay gumalaw galaw ang katawan ni Marshall. Parang patay lang kaya inayos ko siya ng upo.

Pero nung nag brake ang bus ay nauntog siya sa upuan sa harap. Natatawa ako parang ang sarap ng tulog niya kaya di niya napansin yun.

"Umayos ka nga Marshall." sabi ko sa kanya pero tulog pa rin siya.

"Hay nako. Bahala ka na nga." nainis na ako kaya di na ako gumalaw at pinabayaan ko siya ng upo niya.

Maya maya ay nag iba ng direksiyon ulit ng bus kaya napapatong ang ulo ni Marshall saakin. Di ako gumalaw dahil biglaan pero hinayaan ko na lang siya kasi baka lumiko na naman ang bus.

Pero ilang minuto na ang pagkalipas ay wala pa rin. Hay nako! Sabi ko na nga ba eh. Pag malas ang nangyayari saakin ay tumatagal.

"Marshall. Marshall!" ginising ko siya pero wala. Ang inocente niya matulog. Parang ako tuloy gustong matulog.

"Marshall!" tawag ko ulit and this time nagising na siya.

"Oh bakit?" nag yawn siya at tumingin sa bintana.

"Wala pa naman tayo eh." sabi niya at bumalik sa pagtulog.

"Hoy! Wag ka munang matulog."

"Bakit?"

"Kasi ako muna matutulog. Antok na antok na ako eh." tapos natulog ako.

Marshall's PoV

Why Did I Ever Fall In Love With You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon